Chapter 24

306 12 0
                                    


BELLA LORETO



Nanatili lang ako ro'n sa labas for another two hours. Nakaupo lang ako sa gilid at mukhang pati ang langit ay pinaparusahan ako dahil hindi pa rin tumigil ang ulan. Basang basa na ako at halos nanginginig na ang aking katawan sa sobrang lamig.


"Baliw ka na ba?!"

Napatigil ako sa isang galit na sigaw kaya agad akong napalingon sa aking gilid. Napatayo ako kaagad nang makita si Kayden doon. Kunot na kunot ang kaniyang noo at halatang galit na galit. Wala rin siyang payong kaya nababasa siya ng ulan.

Medyo nakaramdam ako ng pagkahilo pero hindi ko 'yon pinansin. "A-ah, tapos na ba kayo?" tanong ko habang nanginginig ang mga labi.


"Bakit hindi ka pumasok sa loob ha?! Wala ka bang utak at 'di mo na-isipang sumilong?!" galit na tanong niya pero nginitian ko lang siya.

"Pumasok ka na sa loob, mababasa ka lang ng ulan. Tsaka baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo."

"Bella!" sigaw niya.

"Okay lang ako. Hihintayin na-" naputol ang aking sasabihin nang biglang umikot ang aking paningin. Ughh. Nawalan ako kaagad ng balanse sa katawan pero bago pa man ako bumagsak sa sahig ay agad na may dalawang braso ang pumulupot sa 'king bewang. Kung kanina ay ramdam ko ang panlalamig, ngayon naman ay ramdam ko ang matinding init sa 'king katawan as if nasusunog ako.

May isang malamig na kamay naman ang dumampi sa 'king noo. "Shit. Nilalagnat ka!" rinig kong sabi ni Kayden but his voice seemed distant kahit na nasa tabi ko lang siya.


"I-I'm okay, b-bumalik ka n-na sa loob," mahina kong sabi. Nag-mura ulit siya ng mahina bago ko naramamdaman ang pag-angat ko sa ere. Binuhat niya na pala ako in bridal style kasabay no'n ay ang paglalakad niya papunta sa kotse. Nagawa niyang mabuksan ang pinto sa passenger seat at pina-upo ako ro'n. Unti-unti nang bumigat ang talukab ng aking mga mata at mas bumigat ang pakiramdam ko. Umupo na si Kayden sa driver's seat at inilagay muna ang aking seatbelt bago ang kaniya. Then he started the ignition at nagmaneho na.




"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa 'yong babae ka," rinig kong sabi niya. May mga sinabi pa siya pero hindi ko na 'yon narinig dahil unti-unti na akong nakatulog.

"I'm sorry Kayden."



***




Naalimpungatan ako nang maramdaman ang init na tumatama sa 'king mukha kaya nag-iba ako ng posisyon at humarap sa kabila. Umaga na ba? Gusto kong bumangon pero ang bigat ng pakiramdam ko at nanghihina pa ako. Hinila ko ang aking kumot papunta sa 'king balikat.

I was like that for minutes hanggang sa bigla kong natandaan ang mga nangyari kagabi. What?! Agad bumukas ang aking mga mata at napaupo. It took me seconds bago na-realize na nasa 'king kuwarto na ako.


"Sa wakas, gising ka na rin." Napalingon ako sa 'king kaliwa at do'n nakita si Kayden. Nakahalukipkip ito habang naka-upo sa isang wooden chair malapit sa pintuan. His grey eyes were very serious.



Napalunok ako kaagad sa kaba. "U-uhh, I'm sorr-

"Tumigil ka nga sa kaka-sorry mo d'yan," bakas ang pagka-irita sa kaniyang boses.


Napakagat ako ng labi. "Okay na ako. Kailangan ko nang maghanda pa-" I stopped nang saktong pagkatanggal ko ng kumot ko ay napansing wala pala akong pantalon kaya agad kong hinila pabalik 'yung kumot at niyakap ito. I was just wearing plain white oversized T-shirt na sa tingin ko ay kay Kayden pa at black cyclings shorts na akin.

I Broke that Devil's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon