Chapter 63

243 7 0
                                    


LEILA MARQUEZ



Tatama na sana sa 'kin ang baseball bat at handa na sana akong tanggapin ang impact nito nang biglang may mabilis na humarang sa harapan ko.

Pak!

Medyo nahuli pa ako sa pag-realize na si Bella na pala iyon. Bumagsak siya kaagad sa sahig at kasunod no'n ang unti-unting pagkalat ng dugo sa sahig. Sa mga oras na 'yon, halos hindi ako makagalaw sa sobrang pagkagulat.


Bella...

Do'n na rin biglang nag-flashback ang isang ala-ala.


<<<<<< 2 Years Ago <<<<<<<

"Hahaha!"

"Tignan n'yo siya oh! Puting puti na!"

Pinanood ko lang kung paano nila i-bully ang dating campus queen, si Bella. Halos naliligo na siya sa harina na itinapon sa kaniya. Isang typical na nangyayari na rito na nagsimula months ago, mapa-corridor man 'yan o sa classroom. Ang karaniwang gumagawa nito ay ang dati niya ring mga itinuring na kaibigan—sila Mira at Lorriane pero sa oras na 'to, iba ang nang-bu-bully sa kaniya, siguradong ito rin 'yung dating binully niya.

Napangisi ako. Mabuti nga sa kaniya. Ngayon, nararanasan niya na rin kung paano ma-bully.


Hindi ko sinubukang bumawi kay Bella dahil pasayang lang 'to sa oras ko pero paminsan-minsan in-e-enjoy kong panoorin siyang pahirapan ng iba.

I've enjoyed it.


Hanggang sa napansin kong mas lumalala ang mga natatanggap niya dahil nagiging physical na ito. Minsan ko siyang nakitang inuutusan nung isang grupo ng mga babae pero tumanggi Bella kasi may gagawin pa raw siya kaya ang nakuha niya ay dalawang malalakas na sampal. Hindi umimik si Bella no'n at tinanggap lang itong lahat. Pagkatapos no'n ay iniwan na rin siya nung grupo, hindi ko alam pero parang may nagtulak sa 'kin para sundan ko pa siya no'n. Tutungo ata siya sa clinic pero nasa daanan pa lang siya noong bigla siyang napasandal sa pader at doon na umiyak.

"D-daddy hirap na hirap na 'ko," rinig kong sabi niya habang mahinang umiiyak.


Sa mga oras na 'yon, parang hinaplos ang puso ko at nakaramdam na ako ng awa sa kaniya. Alam ko ang nangyari sa papa niya. Alam ng buong school 'yon pero mukhang wala silang pake ro'n dahil iniisip lang nila na 'yung paghirap ni Bella ay pagkakataon na nila para makaganti.


Kung bumabawi ang mga binu-bully, ano na ngayon ang pinagkaiba nila sa bully? Para akong nakaramdam ng hiya sa sarili ko dahil sa pag-e-enjoy sa paghihirap ng iba.


"Eww! Nangangamoy bulok na itlog!"

"Kadiri!"

"Ang baho!"

Ang itinapon lang naman kay Bella ay mga itlog na halatang bulok na. Ito ang morning show nila Mira ngayong araw. Nang matapos ang tawanan ay nawala na rin ang mga tao sa paligid at sinundan ko ulit si Bella. Ganoon pa rin, bigla na lang siyang mapapatigil sa gilid at iiyak ng tahimik. Sunod ay dumiretso na siya sa C.R at sinundan ko siya hanggang doon. Hindi niya ako pinansin kahit na magkasunod lang kaming pumasok. Lumapit siya sa isang lababo pero bago pa man niya hugasan ang kaniyang mukha ay napatigil siya at umiyak na naman.


Bago ko man ma-realize, nakalapit na pala ako sa kaniya at inabot ang isang panyo. Nakita kong napapunas muna siya ng luha bago kunot-noong napatingin sa 'kin at sa hawak ko.

I Broke that Devil's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon