BELLA LORETO
I feel bad dahil naidamay ko pa si Leila sa pagpunta ng party. Alam kong medyo ayaw niya ng mga ganoong lugar dahil sa maingay at kung minsan ay siksikan pa. Wala na kasi akong magagawa nong si Kayden na ang nagsalita kanina. Binigyan niya ako makahulugang tingin at alam kong ibing-sabihin niya ay sumunod na lang ako sa kaniya. Alas-kuwatro naman ng hapon at saktong pagkalabas namin ni Leila sa classroom ay naroon na sila Kayden at Josh sa labas ng pintuan at hinihintay kami. Ang sabi sa 'kin ni Kayden ay sa kaniya ako sasabay habang si Leila naman ay inalok ni Josh.
"Of course, sa kin ka sasabay," sabi ni Josh habang nakangiti.
Napahalukipkip kaagad si Leila at tinaasan ito ng kilay. "Sa tingin mo, sasabay ako sa 'yo? Manigas ka," sabi niya at nilingon si Kayden. "Sasabay ako sa inyo."
Napataas ang magkabilang balikat ni Kayden. "Ayaw ko nga."
"Ano?!"
Nilingon ko si Kayden at magsasalita na sana nang inunahan niya ako. "Hindi. Kahit na magmakaawa ka pa, ayaw ko ng amazona sa kotse ko," sabi niya.
"Oh, ayaw niya raw," ngising sabi ni Josh.
"OO na! Sige! Bwiset talaga," pagsuko ni Leila.
Nagtungo na kami sa parking lot ng school kung saan nakaparada ang kotse nila. Magkatabi lang ang kotse nila at ang kulay navy blue na kotse ay ang kay Josh.
"Teka, wala kayong driver?" tanong ni Leila.
"Wala," sagot ni Josh.
"Huh? 'E di pano kayo nagka-licence?" Ngayong natanong niya, nagtaka na rin ako kung paano nakakapagmaneho silang dalawa kung minors pa kami.
"Malamang may student permit kami. Pwede 16 years old.”
Ahh.
Medyo nagre-reklamo pa si Leila dahil sa sinabi pa ni Josh na do'n siya sa passenger's seat umupo at huwag do'n sa backseat dahil gaya rin ng sinabi sa 'kin ni Kayden, namumukha raw itong driver. Inis na lang na umupo si Leila sa passenger's seat at sumunod na rin si Josh sa driver's seat.
"Huwag ka lang tumayo dyan. Sumakay ka na," sabi ni Kayden at umupo nang driver's seat.
"O-oo. Sige." Binuksan ko na ang pintuan ng passengers seat at umupo na ro'n saka naglagay ng seatbelt. Nauna munang umalis ang kotse nila Josh bago na rin kami sumunod.
“Magpapalit ka pa ba ng damit mo? tanong niya.
"Kailangan pa ba yon?" balik na tanong ko.
"Uhmm, hindi naman pero baka gusto mo lang."
Napa-iling ako. "Hindi na." Ang sabi rin ni Leila kanina na hindi na siya magpapalit total napilitan lang naman siya, pero hindi naman pala kailangan talaga. Napatango na lang si Kayden at do'n na kami tumahimik.
After 20 minutes na biyahe rin ay pumasok kami sa nakabukas nang gate kung saan ang mga nadadaanan na namin ay hardin ng mga bulaklak. Makalipas pa ang ilang minuto ay natanaw ko na ang isang malaking bahay at don nag-park ang aming sasakyan. Tinanggal ko na ang aking seatbelt at astang lalabas na nang pinigilan ako ni Kayden.
"Teka," pigil niya na ikinalingon ko sa kaniya. "Pagkatapos ng party, hintayin mo ko rito sa kotse at sabay na tayong umuwi."
Nagtaka naman ako. "Uh, hindi lang ba kita susundan sa buong oras ng party?" tanong ko. Iniisip kong baka kailangan niya ako bilang alalay.
BINABASA MO ANG
I Broke that Devil's Heart
Novela JuvenilBella Loreto o kilala rin bilang Campus Queen-a famous brat. She have everything na ika-iinggit ng lahat, except a good brain. Aside from being a 'Queen' and all, she's great at oppressing the weak-a bully, in short. However, a single incident took...