Chapter 43

287 13 3
                                    

BELLA LORETO



Same time sa Bar. Ang ipinasuot naman sa 'kin ay isang tube purple dress na hapit na hapit sa 'king katawan at umaabot pa rin sa ‘king hita. Nang matapos ako ay dumiretso na ako sa VIP room. Ngayon ay nasa anim na silang mga tao sa loob, hindi ko na pinansin kung sino ang mga ito at dumiretso na lang na umupo sa tabi ni Mr. Klivon.

"You're really really beautiful," bulong niya sa 'kin at inilagay ang kaniyang braso sa 'king balikat sabay hinila ako papalapit pa sa kaniya.

Gaya ng dapat kong gawin ay nginitian ko siya. "Thank you," sabi ko. May mga sinabi pa siyang kung ano-anong matatamis na salitang lumalabas lang din sa tainga ko at ang ginawa ko lang ay mapangiti o 'di kaya mapatawa ng mahinhin. Napadapo naman ang aking mata sa mga kasama niya. In instant, I froze nang magtama ang aking paningin sa isang tao ro'n at ganoon rin siya. Nagkatitigan kaming pareho na halatang gulat na gulat na makita ang isa't-isa.

A-anong ginagawa niya rito?!

Naputol rin ang aming tinginan nang bigla akong mas hinila pa ni mr. Klivon sa katawan niya. "For today, we celebrate our new partnership, our newly build friendship!" masayang sabi nito habang nakataas ang kaniyang wine glass. "Let's all cheers!" dagdag nito kaya napahiyaw ang lahat at inangat ang kaniya-kaniyang mga wine glass. I got it, sila ang kumpanyang sinasabi ng mga 'to! Agad akong nanlamig at kumabog ng malakas ang aking puso.

Of all places, bakit dito pa?

Nagsimulang mag-usap at mag-tawanan na ang mga 'to pero sa mga oras na 'yon, hindi ngumiti o tumawa man lang ang taong nasa tapat namin. Pagkasalin ko ng wine sa baso ni mr. Klivon ay napasulyap ako rito at nakitang nakatingin na pala siya sa 'king bewang kung saan nakahawak ang kamay ng katabi ko. Ganon lang siya habang nakahalukipkip at may madilim na ekspresyon. Nagsimula akong pagpawisan sa kaba. No, hindi dapat ako kabahan. Wala dapat akong pakielam kahit na makita niya ako.

"Let's go to a hotel for this night," biglang bulong ni mr. Klivon sa 'king tainga na ikinagulat ko.

"I'm sorry, mr. Klivon but that's out of my—

"Shhh... it's okay, babe. I'm celebrating today at babayaran naman kita ng malaki," putol niya sa kin at kumuha ng hibla ng buhok ko sabay inamoy ito. Ang kaninang kaba ko ay napalitan kaagad ng takot at pandidiri.

Kinakabahan akong napatawa. "I'm sorry po talaga. We have the right to reject that kind of offer," sabi ko pero nanatiling nangisi ito at nanigas ako nang lumapit pa ang kaniyang mukha sa 'king leeg.

Shit.

Before I could react, biglang may kamay ang humila sa 'kin palayo kay mr. Klivon, sunod ay tumama ang aking mukha sa isang matigas na bagay. Agad kong naamoy naman ang isang manly perfume.

"I've changed my mind. I'll cancel our deal, mr. Klivon," kasing lamig ng yelo niyang sabi.

"W-what?! What do you mean, mr. Morgan?!" tanong ni mr. Klivon pero hindi na ito nakakuha ng sagot dahil bigla na akong hinila ni Kayden papaalis sa kuwartong 'yon.


"Bitawan mo ko!" sigaw ko sa kaniya pero hindi niya pa rin ako binitawan at dire-diretso lang akong hinila. Nagpumiglas pa ako pero mas humigpit lang ang hawak niya sa 'king braso at hindi niya ako binitawan hanggang sa nakarating na kami sa mismong parking lot ng bar. Natanaw ko kaagad ang sasakyan niya at nang makalapit na kami rito ay binitawan na niya ako, tumama naman ang aking likuran sa sasakyan. Hindi pa ako nakatakas dahil inilagay niya kaagad ang kaniyang parehong kamay sa magkabilaang gilid ko, pasandal sa sasakyan. Now, I'm trapped between him and the car.

I Broke that Devil's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon