Chapter 54

258 10 0
                                    


BELLA LORETO



Naka-close pa ang curtain pero nakaposisyon naman na ako sa 'king puwesto sa stage. May ten minutes na lang bago mag-i-start ang play. Ramdam ko na ang matinding kaba dahil maraming tao ang manonood ngayon. Open kasi ang viewing sa kahit anong grade levels kaya halu-halo. Damn, hindi naman ako ganito no'ng nag-a-acting ako dati. Sabagay wala na ang confidence ko na meron sa 'kin dati.

Ang umpisa ng play ay naka-setting sa isang probinsya kaya naka-suot ako ngayon ng isang mahabang skirt at white blouse, talagang pang-probinsyanang babae.


"Start na!" sabi ni Eunice at do'n saktong bumukas ang curtain. Huminga ako ng malalim at nag-simula nang kunwaring pumipitas ng mga gulay sa isang peke pero mukhang totoong taniman. Nakangiti ko itong inilagay sa hawak ko ring bilao.


Nag-salita na rin ang narrator, which is si Leila. "Sa isang malayong probinsya nakatira ang isang babaeng nagngangalang Maria. Kilala siya bilang isang mabait at matulunging tao sa kanilang lugar. Hindi lang iyon, marami ang naantig sa kaniyang natatanging kagandahan."


Sa scene na ito ay maraming mga lumalapit sa 'king mga lalake pero lahat sila ay tinatanggihan ko.

"Pasensya na pero kailangan ko kayong tanggihan," sabi ko.


"Ngunit ang lahat ng mga sumubok na manligaw sa dalaga ay palaging bagsak-balikat na umuuwi. Si Maria kasi ay hindi kahit man interisado sa kahit na anong relasyon."

Namatay ang ilaw sa 'king paligid at nakatutok lang ang spotlight sa 'kin. Habang madilim ang paligid, mabilis na inayos ng mga club members ang next scene.


"Ngunit isang araw." Nag-liwanag ulit ang paligid, pinapalibutan na ako ng mga puno. "Habang nasa gubat siya, nagulat siya nang makita ang isang lalakeng duguan."

Sa gilid nakita ako ang isang lalakeng nakaupo sa sahig at duguan ang paa. Napatigil ako at nanlaki ang mga mata.

Kayden?!


Nakasuot siya ng white inner shirt, red jacket at brown shorts then black rubber shoes. Ang ekspresyon niya ngayon ay para talagang nasa matindi siyang sakit. Anong ginagawa niya rito?! Huwag mong sabihing siya ang male lead?! Napatunganga pa ako saglit bago napabalik din kaagad sa huwisyo. Nabitawan ko ang hawak kong bilao at tumakbo kaagad papunta sa kaniya.


"Anong nangyari sa 'yo?!" tanong ko at napaluhod sa gilid niya.


"N-nadulas kasi ako kanina t-tapos naitama 'yung paa ko sa isang matulis na bato," sagot niya. Tinignan ko naman ang sugat niya.


"Medyo malalim nga ang sugat mo." Tinanggal ko na ang puting panyo na nakatali sa 'king ulo at itinali 'yon sa pekeng sugat sa paa niya. "Halika, idadala kita sa bahay ko, meron akong mga gamot ro'n."


"W-wala ba kayong hospital dito?" napapadaing na tanong niya.


"Walang ospital sa ganitong lugar. Kaya mo bang tumayo?"


"Tulungan mo 'ko." Tinulungan ko siyang tumayo pagkatapos ay kinuha ko na ang isa niyang braso at inilagay sa 'king balikat. Namatay ulit ang ilaw sa paligid habang naglalakad kami ni Kayden.


Ang next scene ay ang kubo kong bahay kung saan ginamot ko ang kaniyang sugat gamit ng mga pinaghalo-halong halamang gamot.

"Sigurado kang epektibo 'yan?" tanong niya habang nakatingin sa paa niya.


Nginitian ko naman siya. "Oo naman. Siguro mga ilang araw lang gagaling na rin sugat mo."


"Talaga?" Napatitig siya sa 'kin ng ilang segundo. "Anong pangalan mo?"


I Broke that Devil's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon