Chapter 2

488 17 0
                                    

BELLA LORETO



"Hoy, teka—" Hinawakan ko ulit ang braso ni Leila para pigilan siya dahil mukhang susugurin na niya si Kayden na paalis na.


"I-I'm okay. Pabayaan mo na lang siya, Leila," pigil ko.



"Pero... " Saglit siyang napapikit sa inis pero napabuntong-hininga na rin sabay itinuloy ang pagpupunas ng panyo sa 'king mukha gamit ng isa niyang kamay dahil ang kabila ay hawak-hawak niya ang uniform. Buti na lang at hawak-hawak ni Leila 'yung uniform na pamalit ko. "Gosh, kanina tubig, ngayon naman kape."



"Mag-sho-shower na lang ako."


Nag-rush na akong naligo sa shower room sa loob din ng C.R where I washed all of the coffee na natapon sa 'king buhok tsaka nagpalit na. Hindi na rin kami nakapag-recess after dahil mukhang nakuha na ang oras namin at sure na ma-la-late kami kapag naghabol pa kaming nagmerienda.


"Nakakainis talaga ng taong 'yon! Tinawag ba naman akong tanga?!" inis na sabi ni Leila habang pabalik na kami sa classroom.

"I'm sorry. Kasalanan ko, dapat talaga hindi ko na siya pinansin kanina."

"No, it's not your fault. Sa totoo nga dapat pala sinampal mo siya pagkatapos ng ginawa niya sa 'yo!"

Napangiti ako ng mapakla. "Galit siya sa 'kin, Leila. Pero gaya rin siguro ng mga dating mga bullies ko, masasawa rin siya."



Napakunot ang kaniyang noo. "What? E paano kung kagaya niya lang 'yung dalawang bitches na hindi nagsasawang bigyan ka ng morning surprises?" Hindi ako nakasagot.



I'm not sure... Wala talaga akong ideya kung gaano kalaki ang galit sa 'kin ni Kayden. After all I did.



"Kung sakaling ano man ang gagawin niyang pangbu-bully sa 'kin, hayaan mo lang siya," sagot ko na nagpatigil sa kaniya at hinarap ako.

"Seryoso ka ba? Hahayaan mo na lang siya?"


Napatango ako. "Yes. Para na rin hindi ka madamay."


Napa-iwas siya ng tingin saka napabuntong-hininga. " Ano pa bang magagawa ko? Pero kung sumobra siya, hindi na talaga ako magpipigil," labas kamao niyang sabi.







Pumasok na kami para sa mga next subjects namin which is buti na lang nag-pakilala lang naman kaming lahat at sinabi lang ng ilang mga teachers ang mga expectations niya sa 'min. Then,  lunch came kung saan naging kabado ulit ako. Dahil nga sa enrolled si Kayden dito sa school at same lang kami na Junior high at Grade 10, ibig-sabihin lang ay pareho kami ng building.

Kaya napaka-imposibleng hindi talaga kami magkikita.



Pagkarating namin ni Leila sa ground floor kung nasaan ang cafeteria ay medyo marami nang mga tao ang naroon pero hindi pa rin naman kami gano'n nahirapang makahanap ng empty table. 

"Sige order ka na. Hihintayin na lang kita rito," ngiting sabi ko sa kaniya pagka-upo namin. Ibinaba niya muna ang kaniyang bag sa upuang tapat ko bago sumagot.

"Ah, nagbabaon ka nga pala. Okay, order lang ako," paalam niya bago umalis. Sinimulan ko na ring itinali ang aking buhok at kinuha ang isang sketchbook ko sa bag sabay itinuloy ang ginuguhit kong parrot. Nag-focus ako sa pag-sketch ng paa na nitong nakatayo sa branch ng isang puno. Konting konti na lang talaga ay matatapos ko na 'to.

I Broke that Devil's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon