BELLA LORETO
Dahil nga sa saglit lang ang naging practice ni Kayden, pumunta kami sa cafeteria dahil kakain siya. Kung kanina ay bottled water ang itinapon niya na lang sa 'kin, ngayon naman ay ang itim niyang credit card kaso hindi ko 'yon nasalo kaya pinulot ko pa sa sahig.
"Dating order sa 'kin. Huwag ka na ring kunwaring lalampa-lampa at magpatisod para tapunan lang ako ng pagkain," sabi niya sabay ipinatong ang kaniyang mga paa sa lamesahan. "Kung hindi, ihahagis kita sa bintana."
Napatango ako kaagad. "O-oo," sagot ko saka umalis na rin at pumunta sa counter para bumili ng order niyang Curry. After it, naging alerto na ako sa paglalakad pabalik dahil baka may tumisod na naman sa 'kin.
"Oh gosh, alalay na pala siya ni Kayden?!"
"Kung bumaliktad nga naman ang mundo."
"Nakakatawa lang tignan."
Ayan na naman ang bulungan. Inilapag ko na ang pagkain ni Kayden sa lamesahan. "Heto na," medyo mahinang sabi ko. Inabot ko na rin ang kaniyang credit card pero tinitigan niya lang ito.
"Itago mo 'yan para kung magpapabili ako, 'yan gamitin mo." Tinanggal na niya ang pagkakapatong ng kaniyang mga paa sa lamesahan at umayos sa pag-upo.
"Okay." Ibinulsa ko na rin ang kaniyang credit card sa 'king bulsa. "Uhmm... Wala ka na bang ipapagawa?" tanong ko.
Bumalik ang kaniyang tingin sa 'kin. "Bakit? Aalis ka na?" Bahagya siyang natawa. "Hoy, whore. Alalay na kita, aalis ka lang kung sinabi ko," sabi niya sabay itinuro ang upuang nasa tabi ko gamit ng kaniyang kutsara. "Upo," utos niya.
Wala na ulit akong nagawa no'n kundi ang sundin siya at umupo sa tapat niya. I just sat there for minutes habang nakayuko ang ulo. Wala naman akong ganang kumain e.
Brzzztt...
Brzzzzzzt...
Napatigil ako nang biglang nag-vibrate ang aking phone sa bulsa kaya tinignan ko ito. May tumatawag pala and it was the same number nung nag-text din kanina. Nagsimula nang manginig ang aking kamay sa takot.
Kailan niya ba ako titigilan? Matagal nang natapos lahat ng ugnayan namin sa isa't isa! Kinuha na niya ang lahat! Kulang pa ba 'yon?! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagsisimula na akong matakot at makabahan. Kung nakipag-deal na siya, baka hindi na ako makakatakas.
"Bella!" Isang boses ang biglang nagpabalik sa 'kin sa huwisyo. Napatingin ako kay Kayden sa harapan kong kunot na kunot ang noo. "Bingi ka ba talaga?! Kanina pa kita tinatawag ah!" napataas na boses niyang sabi.
Ibinulsa ko na ang aking phone sa bulsa. "I'm sorry. M-may iniisip lang kasi ako," sagot ko kaya inis siyang napabuga ng hangin.
"Kahit kailan talaga, wala kang kuwenta. Palagi ka na lang sakit sa ulo." Napasandal na siya sa kaniyang upuan sabay napahalukipkip. "Drinks, you damn forgot my drink," sabi niya.
BINABASA MO ANG
I Broke that Devil's Heart
Novela JuvenilBella Loreto o kilala rin bilang Campus Queen-a famous brat. She have everything na ika-iinggit ng lahat, except a good brain. Aside from being a 'Queen' and all, she's great at oppressing the weak-a bully, in short. However, a single incident took...