BELLA LORETO"Bella, gabing gabi na. Delikadong mag-drive ng gabi."
Ayan na naman siya.
Pagkatapos naming kumain ay ayaw niya namang umalis ngayon kaya nakaharang siya sa pinto. Napahalukipkip ako. "At kailan pa naging delikado 'yon?"
"Uhh, ngayon lang?"
Binuksan ko na ang pinto at sinimulan nang itulak ang kaniyang likuran paalis. "Alis na, Kayden. Ala-una na at kailangan na nating matulog."
"Samahan kitang matulog. Tsaka hindi ko alam kung makakatulog ako ngayon," sabi niya.
"Tumigil ka na at umalis na lang." Naitulak ko naman siya palabas na ng pintuan. Nginitian ko siya at binigyan ng saglit na kaway. "Bye!" paalam ko at isinara kaagad ang pinto bago pa man siya pumasok ulit.
"Bella naman!" sabi niya mula sa kabila at kumatok pa sa pinto. "O sige, ihahatid ulit kita bukas ah!"
"Hindi na kailangan. Kaya kong maglakad."
"Basta bukas! Ihahatid ulit kita sa trabaho mo!"
Ughh. Bakit ba ang kulit niya?
Napailing-iling na lang ako at napatawa.
*****
Halos lahat ng mga tao ay napapatingin sa 'min ni Kayden. Iyon kasi ay magkasama kami ngayon at magka-holding hands pa habang naglalakad sa corridor.
"Kayden! Hindi na natin kailangang maghawakan ng kamay!" bulong ko sa kaniya.
"Hm-hmm... maganda 'to para alam nilang may comeback," sagot niya. Kitang kita sa mukha niya na sobrang good mood siya ngayon.
"Bella!" Napatigil ako nang may tumawag sa pangalan ko mula sa likuran namin. Agad ko itong nilingon at do'n nakita si Leila na kasama rin si Josh.
Napangiti ako. "Leila!" sabi ko. Lumapit naman sila sa 'min.
Napa-whistle si Josh. "Wow. Holding hands, may magbabalik na ba?" tanong nito.
"So ano 'to, kayo na?" tanong naman ni Leila.
"Oo—
"Hindi pa," putol ko kay Kayden, "mag-uumpisa kami sa pinakauna. Manliligaw ko siya."
"Pfft. Legit ba 'yan? Baka bukas mag-aaway ulit kayo?" natatawang sabi ni Josh.
"Hindi na pare. Kahapon nga nag-confe—" Tinakpan ko kaagad ang bibig ni Kayden. Nakakahiya, kailangan niya pa bang sabihin sa kanila?
"Confess? Congrats, hindi mo siya mapapatulog ng ilang araw, Bella," sabi ni Josh sa 'kin.
Tinanggal ni Kayden ang kamay ko sa bibig niya. "Hindi nga 'ko nakatulog kagabi."
"Seryoso?" tanong ko at nginitian niya ako.
"Oo."
Kung gano'n, pareho lang kami. Palaging nag-fa-flashback kasi sa 'kin lahat ng nangyari kahapon.
Napangiti si Leila. "Masaya ako para sa inyo," sabi niya.
Napa-clap si Josh at itinaas ang kaniyang hintuturo. "Naks! Gusto n'yo, double date tayo sa weekends?!" tanong niya.
Double date?
"Magaling, Josh!" sabi ni Kayden at nag-apir pa silang dalawa. "Ano? Game ba lahat?"
BINABASA MO ANG
I Broke that Devil's Heart
Novela JuvenilBella Loreto o kilala rin bilang Campus Queen-a famous brat. She have everything na ika-iinggit ng lahat, except a good brain. Aside from being a 'Queen' and all, she's great at oppressing the weak-a bully, in short. However, a single incident took...