Chapter 53

254 9 1
                                    


LEILA MARQUEZ


I got top 3. Sa totoo lang hindi na ako gano'n na-down sa resulta. Ah, malamang kasi hindi na ako gano'ng umaasa na mag-to-top 1 pa ako. Medyo nasasawa na nga ako sa palaging competition sa grades. But anyway, no'ng nalaman nung witch na naging gano'n ang resulta, umusok ang kaniyang ilong. Pinagsabihan niya ako na tumigil na sa paglalandi ng iba at mag-aral na lang. Sinabi niya rin na simpleng pag-aaral na nga lang 'di ko pa kayang mag-excell, this and that. Pero wala akong pakielam. 'Di siya na lang mag-aral kung gusto niya.

It's Saturday and what makes it special ay dahil may date na naman kami ni Josh. It was our first again after two weeks. Naging busy kasi kami dahil sa exam week at sa 'kin naman ay sa play kaya ngayon lang ulit ako lalabas kasama siya.

Napatingin ako sa kabuuan ko sa salamin. Naka-blue floral dress ako ngayon na aabot hanggang sa tuhod ko pero ang pino-problema ko ay ang ayos ng aking mukha.

"Manang Jully, pwede po bang ipa-curls or wavy ng konti 'yung buhok ko? Babagay kaya 'yon sa 'kin?" tanong ko sa kaniya na kakasara lang ng closet ko.

Napa-isip naman siya. "Pwede naman ang wavy. Gusto mo subukan natin?"

Napatango ako. "Opo!" sagot ko kaagad kaya kinuha na niya 'yung curler at sinimulan na ring ayusin ang buhok ko. Straight naman ang buhok ko na aabot hanggang sa siko. Talagang hilig ko lang kasing mag-tali ng buhok pero ngayon ko lang naisipang maglugay.

"Okay. Tapos na," sabi ni manang Jully matapos ang ilang minuto. Napatingin ako sa 'king repleksyon. Napa-wavy nga ang aking buhok, sunod ay tinanggal ko ang aking eyeglasses at naglagay ng contact lenses. Napatingin ulit ako sa salamin at napabusangot. Parang hindi pa rin naman ako gumanda. Ugh, whatever.

Para sa finishing touches, naglagay pa ako ng konting makeup, nag-suot ng 2-inch heels at tapos na.

"Wow, mukhang gumanda ka ngayon Leila ah," kumento ni manang Jully.

Umikot ang aking mga mata at bahagyang napatawa. "Hindi po, nagganito lang ako para kahit papaano maging presentable ako ngayon."

"Haay, iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. O sige, umalis ka na, medyo mahuhuli ka na ata dahil sa pag-aayos mo." Napatingin naman ako sa 'king wristwatch at nanlaki ang aking mga mata.

"Oh my god! Late na nga ako!" gulat na sabi ko. Nagpaalam na rin ako kaagad sa kaniya at patakbong lumabas na nang bahay. Di-deretso na sana ako sa van nang mapatigil ako nang may bumusina. Napadapo kaagad ang aking mga mata sa kulay navy blue na kotse sa harap ng bahay.

Josh?!

Lumabas na siya ng kotse niya at kumaway sa 'kin. Agad akong lumabas ng gate at lumapit sa kaniya.

"Bakit ka nandito?" hindi makapaniwalang tanong ko. Ang usapan kasi namin, sa park kami magkikita. I didn't expect na bigla ko na lang siyang makikita rito.

Nagkibit-balikat siya. "Wala lang. Feel ko lang na sunduhin ka," sabi niya at napatingin sa kabuuan ko. Bahagya siyang napatawa. "Kaya pala ang tagal mo."

Agad namang nag-init ang aking mukha at na-conscious bigla. Nasobrahan ko ba? Baka hindi maganda ang wavy ko? Or 'yung damit? Or makeup? "H-hindi ba bagay sa 'kin?" tanong ko.

"Hindi naman pero... hayaan na nga. Sakay na." Kahit na gusto kong magtanong ay napabusangot na lang ako at sumakay na sa passenger's seat. Nag-lagay ako ng seatbelt.

"Para saan 'yung mga basket?" tanong ko nang mapansin ang mga malalaking basket do'n sa likuran ng sasakyan.

"Picnic," maikling sagot niya.

I Broke that Devil's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon