Chapter 34

282 15 0
                                    

LEILA MARQUEZ






"Dagdagan mo yang pagkain mo," sabi ni Kayden at dinagdagan ng isang kapirasong ulam niyang karne ang pagkain ni Bella.

"T-thank you," sabi ni Bella habang hindi makatingin dito.




Hayst, hindi talaga ako makapaniwalang sumasabay ang dalawang 'to sa amin. Si Bella na hindi kumportable kay Kayden, ako naman na-hi-high blood sa moron na nasa harapan ko. Pero, napakakakaiba ni Kayden ngayon. He's a little, just a little caring? Hindi niya na rin masyadong inuutusan si Bella. May nangyari kaya sa kanila na hindi ko alam? Baka nagkabati na sila? No, impossible. E 'di dapat binawi na ni Kayden 'yung two months na condition niya.


Napalingon ako kay Josh na nakatingin lang sa 'kin at nakangiting tuta pa rin. Napakunot ang aking noo. "Anong tinitingin-tingin mo d'yan ha?" tanong ko.




"Wala," sagot niya, "paano kaya kung mag-contact lense ka tsaka maglugay ng buhok? Para naman mas maayos kang tignan."


Napa-irap ako. "Duh, maayos na po ito para sa kin. Wala na akong pakielam kung sa mga mata mo, mukha akong hayop."


"Naks, bakit naman kita ipagkukumpara sa hayop?" sabi niya, "kung mukha ka namang aswang." Humalakhak na siya.


"Huwag kang mag-alala, matalinong aswang 'to. 'Di gaya sa 'yong may utak na kasing liit ng mani!"



Bahagyang napatawa si Kayden na nakikinig pala sa min. "Baka nga mas maliit pa sa mani yang utak niya," dagdag niya. Wow. Mukhang pinanigan niya ako ngayon ah.



"Aray naman, pare! Bakit ka nakikikampi sa kaniya? Math at sa Science lang naman ako mahina! nakakasakit kayo ng damdamin e!" ani Josh at napahawak sa kaniyang chest na parang nasaktan talaga. Napatawa ako at narinig ko ring mahinang napatawa si Bella sa tabi ko. "Teka! Pati rin naman ikaw Bella ah! Hirap ka rin sa mga subjects mo 'di ba?!" tanong niya.


"Huh? Ako?" ani Bella.


"Hoy! FYI, hindi mahina si Bella sa mga subjects. Sa katunayan nga, medyo matataas 'yung mga nakukuha niyang scores and of course, dahil alaga siya sa 'kin!" mayabang na sabi ko. Well, meron naman si Lewis na nagtuturo rin sa kaniya dati pero karaniwan ay ako pa rin. Tinuruan ko si Bella no'n ng mga iba't ibang techniques sa pag-re-review hanggang sa nakayanan niya nang mag-isa ngayon. Gosh, Im so proud of her.

"Wow. Seryoso?" sabi ni Josh.


"Kaya kung gusto mo ring gumaling, makinig ka sa kin at maging mabuting estudyante ko, okay?" sabi ko sa kaniya.


Nag-salute siya. "Yes, ma'am!"


For a moment, nawala ang awkwardness sa 'ming apat kaya para kaming magkakaibigan lang na nagtatawanan at nag-uusap. It's... quite nice. Nang matapos na kaming kumain ay magkakasama na rin kaming bumalik sa kaniya-kaniya naming mga classrooms at sinigawan pa ako ni Josh ng 'See you ulit mamaya, ma'am!' Malamang di ko na siya pinansin at inirapan na lang pero patago na lang din akong napatawa.

Ang gago talaga.




Habang nasa discussion naman kami sa English subjects ay biglang napatanong sa 'kin si Bella kung anong ginawa raw ni Josh sa 'kin. Hindi ko talaga naiwasang mamula tuwing naalala ko 'yung nangyari kagabi. Nakakainis talaga. Doble-doble ang pag-to-toothbrush ko no'n sa bahay. Anyways, sinabi ko naman 'yon kay Bella at talagang nagulat siya pero sinabi ko rin na dahil 'yon sa kalasingan talaga ni Josh at inakala niya siguro ako bilang 'yung bitch na si Mira. Natapos ang afternoon subjects namin at palabas pa lamang kami ni Bella sa classroom nang bigla kaming nagulat dahil nasa pintuan sila Kayden at Josh—hinihintay kami. Woah, ano na naman ito? Lumapit sa kin si Josh.


I Broke that Devil's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon