Chapter 35

294 11 0
                                    

LEILA MARQUEZ



Pero mukhang hindi 'yon ang nangyari dahil pagdating ng umaga, nakanganga akong napatingin kay Josh sa 'king harapan na may hawak na bouquet ng red roses. Nagsimula na ring mapalibutan kami ng mga tao na kagaya ko ring 'di makapaniwala at nagbubulungan pa sila.

Ngumiti si Josh sa 'kin ng matamis. "Simula ngayon bibigyan na kita ng red roses hanggang sa tanggapin mo na ang feelings ko, Leila," sabi niya at ini-abot ang bulaklak sa 'kin.

Napangiwi lang akong tinignan 'yung bulaklak. "Umamin ka nga, nabaliw ka na ba talaga?" tanong ko.

"Oo, baka nga. Pero baliw na baliw na ako sa 'yo," sabi niya.

Sus. Gasgas na linya. Tignan mo wala siyang originality.

"Tumigil ka. Ibigay mo 'yan sa ibang babae mo," sabi ko at tinalikuran na siya.

"Oh my! Ni-reject niya lang ba si Josh?!"

"Wow. Kapal ng mukha niya."

"Ako na lang ligawan mo, Josh!

"Hindi! Ako na lang!"

Oh, 'di kayo na. Wala rin naman kayong ibang alam kundi magbulungan. Tsh.

"Teka! Leila baby!" rinig kong sigaw ni Josh sa likuran ko pero hindi ako tumigil at nagdire-diretso lang sa paglalakad. "Tekaaa!" Natigil naman ako dahil sa isang kamay na humawak sa 'king braso.

"Ano?" iritang sabi ko.

"Bakit ba ayaw mo sa 'kin?" tanong niya pero walang bahid ng kahit anong galit o pagkainis sa mukha kahit pagkatapos ko lang siyang ma-reject. Tinanggal ko ang kamay niya mula sa pagkakahawak niya sa braso ko.

Nginitian ko siya. "Simple lang, hindi kita gusto at alam kong pinagloloko mo lang ako," sagot ko habang napailing-iling. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at tinalikuran na siya kaagad. Nagtungo na rin ako papunta sa classroom, umupo at tamad ipinatong ang aking ulo sa desk ko.

Sana magsawa na kaagad ang moron na 'yon, nakakairita lang at naii-stress lang ako.






"Leila~ kamusta ang umaga mo?" tanong ni Josh sa 'kin habang nakapatong ang kaniyang chin sa kaniyang kamay na nakatungkod naman sa lamesahan. Ang mga mata niya ay nasa akin lang, kanina pa simula no'ng nakisabay sila ng kaibigan niya ng lunch sa 'min ni Bella.

"Typical," tipid na sagot ko, "bakit?"

"Wala lang. Maganda kasi umaga ko dahil nakikita kita."

Gusto kong matawa sa sinabi niya. Halatang sinusubukang pakiligin ako but not effective. Ganito ba siya mag-approach sa ibang mga babae niya, giving red roses and cheesy lines?

"Hindi. Ikaw lang," biglang sabi niya.

"Huh?"

"Ikaw lang pinaka-unang binigyan ko ng red roses at 'yung mga cheesy lines, uh, medyo lang naman."

Hah. Paano niya nalamang iniisip ko 'yon?

"Hindi ko 'yon tinatanong noh," sabi ko at napa-irap.

"Halata sa mukha mo e."

Oh? Halata ba sa mukha ko?

"Hoy, Josh. Huwag mong sabihing siya na naman ang isusunod mo?" biglang sabat ni Kayden.

"Hindi lang basta isusunod, iba siya ngayon pare," ani Josh pero pinaningkitan siya ni Kayden as if hindi naniniwala.

"Talaga?"

I Broke that Devil's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon