BELLA LORETO"Ah! Oo nga pala, tumawag si Josh sa 'kin na di-deretso sila rito," sabi ni Kayden at lakad-takbong pumunta sa pinto.
"Bella!" sabi ni Leila at mabilis na tumakbo papunta sa 'kin sabay niyakap ako. Napa-iyak siya. "Sa wakas nagising ka na rin!" Niyakap ko naman siya pabalik. "Bakit mo ba 'yon ginawa ha? Buti na lang hindi malala nakuha mo!" hagulgol niya.
"Okay na ako ngayon, Leila."
Lumapit na rin si Josh sa 'min at nagsalita, "Tumawag 'yung principal kanina sa 'kin. Ang sabi niya, kakausapin niya raw kayong dalawa kung kailan okay na kayo."
Kumalas na si Leila mula sa pagkakayakap sa 'kin. "Paniniguraduhin nating ma-e-expell si Melvin. Hindi lang 'yon, magkakaroon siya ng bad record dito sa school para hirap na siyang matatanggap sa ibang school pati na rin ang bitch na si Rosie na 'yon!" Bakas sa kaniyang boses ang matinding panggigigil na sugurin ang dalawang 'yon. Tama, makukuha lang naman nila 'yung nababagay na parusa para sa kanila.
Napatingin naman ako sa pisngi niyang namumula pa rin dahil sa pagsampal sa kaniya ni Melvin kanina. "Nilagyan mo na ba 'yan ng cold compress?" tanong ko, itinuro 'yung kanang pisngi niya.
"Ah, oo. Nilagyan ko na 'to ng yelo kanina." Siya naman ang napatingin sa kabuuan ko hanggang sa napadapo ang kaniyang tingin sa leeg ko. "Nga pala Josh, asan na 'yung binili nating sanitary balm kanina?"
"Ah, heto." Inabot nito ang isang kulay gold na ointment galing sa maliit na plastic na hawak niya.
Kinuha naman ito ni Leila. "Sige, itaas mo muna 'yang chin mo," sabi niya na sinunod ko naman kaya nilagyan na niya ito.
"Kumain na ba kayo?" tanong naman ni Kayden.
"Hindi pa. Nag-rush kami rito 'e," sagot ni Josh at napatingin sa apron ni Kayden. "Ang kyut naman. Nagluluto ka?"
"Oo. Sinigang."
"Tulungan na kita." Ibinaba na ni Josh ang hawak niya sabay itinaas ang sleeves niya. "Anong maitutulong ko?"
Napasulyap si Kayden sa kusina. "Ikaw maghati sa karne saka mga gulay."
"Okay sige!"
"Gusto n'yo bang mag-order muna ng pizza habang naghihintay?" tanong ni Kayden sa 'min ni Leila.
"Matatagalan ba 'yan?" tanong ni Leila at tinapos na ang paglalagay ng ointment sa leeg ko.
"Aabot ng isang oras," sagot ni Kayden.
"Gusto mo ba Bella?" tanong naman ni Leila sa 'kin. Napahawak ako sa 'king tiyan. Medyo nga nagugutom na nga ako.
Napatango ako. "Oo."
"Okay! Ako na mag-o-order," sabi ni Leila, kinuha na ang kaniyang phone at nag-dial. Napatango na lang si Kayden at doon na sila pumunta ni Josh sa kusina.
"Uhh, pare. Hindi ko alam maghati ng kahit ano, pwede bang paturo?" rinig kong tanong ni Josh kay Kayden.
"Sige, kawawa ka naman," sabi ni Kayden.
"Hoy, walang kawawa ro'n."
"First step, kumuha ka ng kutsilyo."
"Malamang, hindi naman pwede ang gunting 'di ba?"
"Second step, ihampas mo sa mukha mo."
"Ha?"
"Sabi ko, hugasan mo 'yung karne."
BINABASA MO ANG
I Broke that Devil's Heart
Novela JuvenilBella Loreto o kilala rin bilang Campus Queen-a famous brat. She have everything na ika-iinggit ng lahat, except a good brain. Aside from being a 'Queen' and all, she's great at oppressing the weak-a bully, in short. However, a single incident took...