Chapter 40

292 11 0
                                    

BELLA LORETO



"Ano? Hindi ka makapagsalita?" tanong ni Kayden at pinunit ang litrato sa mismong harap ko. Hinulog niya rin ang hawak niyang bote sabay lumapit pa sa 'kin kaya naamoy ko kaagad ang malakas na amoy ng alak sa kaniya. "Kung kailan pa naman—" Mariin siyang napapikit. "Araw-araw mo ba 'tong ginagawa ha?! Kung maka-react ka no'ng hinawakan kita, ayaw na ayaw mo pero kung sino-sino na palang lalake ang ikina-kahiga mo?!" sigaw niya. Ang mga salita niya ay parang isang kutsilyong sinasaksak ako ng direkta. Hindi niya man lang ako hinintay na magpaliwanag o hindi niya man lang ako tinanong muna. Basta niya na lang akong tinatapunan ng mga masasakit na salita.

Nanginginig ang aking mga bibig nang magsalita ako, "H-hindi may du—

"Magkano binabayad nila sa 'yo, whore?" putol niya na tanong niya bago pa man ako makapagsalita. "How much is for one night? Name it. Babayadan kita." Inilabas niya ang kaniyang wallet, kumuha ng pera ro'n sabay walang kung ano ay itinapon sa 'kin. Lumipad ang maraming sag-isang libo sa paligid. I was so shocked at halos nanigas sa aking kinatatayuan.

The next thing I knew, he's kissing me cruelly and painfully—this time, far from affectionate. Halos nalalasahan ko ang alak na nanggagaling sa bibig niya at ang kaniyang isang kamay niya ay nasa batok ko, keeping me in place. Kinagat niya ang lower lip ko kaya napadaing ako sunod ay nalasahan ko na rin ang lasang metal.

Ang sakit. Ang sakit-sakit. Tinapakan niya lang ang pagkatao ko ng sobra-sobra.

Nagkaroon naman ako kaagad ng lakas at itinulak ko siya palayo sa 'kin. Nang nakahiwalay siya, inagat ko ang aking kanang kamay at sinampal siya.

Slap!

Tumagilid ang kaniyang mukha at dahil sa impact, sumakit pa ang aking palad. Nakaramdam ako ng guilt sa ginawa ko pero mas ramdam ko pa rin ang matinding galit. "Sumusobra ka na, Kayden!" sigaw ko, "hinayaan na nga kitang tawagin akong whore sa harap ng maraming tao, ngayon naman ginagawa mo akong bayaran?!" Galit ako, galit na galit. I hate him for not even asking for my side. Hirap din akong huminga, para kasi akong sinasakal. Ibinalik niya ang tingin sa 'kin. Ang mga kulay abo niyang mga mata ay napablangko at malamig.

"Umalis ka rito," sabi niya, "simula ngayon, ayaw ko nang makita 'yang mukha mo." Tinalikuran na niya ako at nagtungo sa kaniyang kuwarto. Malakas niya pang isinara ang kaniyang pinto. 

Blag!

Napasandal ako kaagad sa malapit na pader dahil sa sobrang paglalambot ng aking mga tuhod ay baka bumagsak ako sa sahig. Tuluyan na rin akong umiyak. I stayed in that position for a couple of minutes, nang mapakalma ng konti ang aking sarili ay saka na ako pumunta sa 'king kuwarto at nag-impake. Kinuha ko ang lahat ng mga gamit ko at ipinagkasya 'yong lahat sa isang malaking maleta. No'ng matapos ako ay umalis na rin ako sa unit na yon, paalis na rin sa condominium. Bumungad kaagad sa 'kin ang nagdidilim nang paligid nang makalabas ako.

Ang una kong pinuntahan ay ang dating apartment ko at kinausap ang landlady kaso sinabi niyang puno na sila kaya wala na akong nagawa kundi ang maghanap ng ibang pwedeng murang pagtutuluyan pero bago pa man 'yon, nag-text muna ako kay mam Roxane na may emergency ako kaya hindi ako muna makakapasok sa trabaho. I put a couple of sorry sa text at naka-receive rin ako ng message na okay lang daw and just give updates.

"Pasensya na wala kaming vacant this time mam," sabi nung babaeng receptionist. This was the fourth one na apartment na napuntahan ko. Pumunta na rin ako sa mga ibang mga boarding houses pero walang vacant din.

Tipid kong nginitian ang babae. "Thank you." Lumabas na rin ako pagkatapos.

Past 8:30 na ng gabi. Wal akong choice kundi ang mag-hotel. Ang mga hotel pa naman dito ay medyo expensive. For about 15 minutes walk habang hila-hila ang aking bike at maleta, may nakita na akong hotel at pumasok dito. Nag-check in ako for one night muna dahil  bukas ay itutuloy ko ang paghahanap ng matutuluyan.

I Broke that Devil's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon