LEILA MARQUEZUmiyak ako ng umiyak noong gabi ring 'yon sa 'king kuwarto. Nasaktan ako ng todo-todo na halos hirap na akong huminga. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Tuwing na-aalala ko 'yung mga sandaling kasama ko si Josh, parang ayaw kong maniwala na hindi 'yon totoo. 'Yung mga tawa niya, 'yung mga halik, mga yakap, peke ang lahat ng 'yon?
'Playboy would never be a good boy.' Hindi ko akalain na totoo pala ang bagay na 'yan.
Niloloko niya ako. Kaya pala bigla na lang siyang naging sweet sa 'kin no'ng una. Kasalanan ko rin kung bakit ba kasi hindi ako nagsuspetsa. Ang tanga-tanga ko dahil nagpahulog ako sa patibong niya. He's a womanizer! Bakit ba ako naniwalang nagbago siya?! Masyado akong naging pakampante and I hated myself for it.
Sa huli, isa lang pala ako sa mga pinaglaruan niya. Ngayon hindi ko na alam kung paano haharapin ang mga susunod pang mga araw. Siguradong babangungutin ako nung mga ala-ala naming dalawa. Siguradong iiyak at iiyak na lang ako.
Napatigil naman ako nang makita ang isang blue teaddy bear sa gilid ng kama ko. Si Josh Jr. Napatitig ako rito ng ilang saglit bago kinuha. Hinaplos ko ang ulo nito.
"I-itatago muna kita...." Sunod-sunod nang pumatak ang mga luha ko. "Hindi kita kayang m-makita." Nagtungo ako sa closet ko at ipinasok ito doon 'tapos ay isinara ko na ang pinto. Unti-unti na akong napaupo sa sahig at napatakip ng mukha.
Hindi ko kaya...
Kinabukasan ay pumasok pa rin ako sa school. Namumugto ang aking mga mata kaya kinailangan kong lagyan pa ito ng mga yelo para lumiit pero pansin pa rin ang pagiging balisa ko. Tinanong pa ako ni manang Jully pero hindi ko siya nasagot. Hindi ko na kasi alam kung dapat bang sabihin kong okay lang ako. Kung sa totoo naman ay hindi. I'm miserable.
Lutang lang akong naglalakad sa corridor mag-isa nang may tumwag sa 'kin, "Leila!"
Shit.
Agad nag-tense up ang katawan ko sa boses ni Josh. Ilang metro lang pala ang layo niya sa harap ko. Mabilis akong tumalikod at tumakbo sa kabilang direksyon. Hindi ko kayang harapin siya. Hindi talaga!
Kaso napatigil din ako nang biglang may humawak sa braso ko. "Tanggalin mo 'yang kamay mo sa 'kin!" galit na sigaw ko kay Josh.
"Leila. Makinig ka muna sa 'kin, please," pagmamakaawa niya.
"Makinig? Tama na ang narinig ko sa 'yo kahapon, Josh. Kung na-gu-guilty ka, hindi ko na kailangan ang sorry mo. Mas mabuti na lang kung lumayo ka na lang sa 'kin." Sinubukan kong alisin ang kamay niya pero ayaw niyang bitawan ako. "Bitawa—
"I love you, Leila." Saglit akong napatigil sa sinabi niya at tinitigan siya. Seryoso ang kaniyang mukha na parang totoo nga ang sinabi niya. Hindi ko na napigilan pa at muli na naman akong napaiyak. Sumikip ang aking dibdib at nagsimulang nanginig ang aking katawan.
"T-tama na Josh. Tama na please… huwag mo nang dagdagan pa ang sakit. Hindi na ako maniniwala sa kahit anong lalabas sa bibig mo," basag-basag na boses na sabi ko. Nakita ko namang napatigil din siya. Naiinis ako dahil ramdam ko pa rin ang tuwa sa sinabi niya. Huminga na ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili sunod ay inilabas ko mula sa 'king bulsa ang kaniyang phone. "Binasa ko ulit ang convo ninyo at dito na nga nalinaw ang lahat. Nandito na ang lahat ng explanation mo." Kinuha ko ang isa niyang kamay at ibinigay ito.
"Sana maging masaya ang relationship ninyo ni Mira." Pabigla ko nang hinila ang aking kamay at nahila ko naman na ito. Napapikit siya nang umangat ang aking kamay para sana sampalin siya pero napatigil ako. Kinagat ko ang ibaba kong labi at ibinaba ang aking kamay. "Pero… kahit na ganito ang nangyari, hindi ko pinagsisihan lahat ng nangyari. I’ve enjoyed every moment we had. Nakakalungkot nga lang at natapos kaagad ang napakagandang panaginip kahit na ayaw ko. So… let’s just forget each other," dagdag ko bago siya tinalikuran sabay umalis na rin kaagad. Habang naglalakad ako paalis ay walang tigil pa rin ang pagtulo ng aking mga luha. Ang sakit, ang sakit-sakit parang dinurong lang ng pinong pino ang puso ko. Ang unfair lang din dahil ako lang ang nasasaktan ngayon.
Mukhang dito na nga nagtatapos ang lahat sa 'min. It was a hurtful sad ending.
*****
BELLA LORETO
Nababalot ang paligid sa nakakabinging katahimikan at normal lang iyon sa mga lugar na tulad nito. Konti ang mga tao sa paligid na halos ako lang ang naglalakad. Hawak ko rin ang isang boquet ng white roses sa kamay. Matagal ko nang hindi siya pinupuntahan dahil hindi ako handang makita siya sa ganitong paraan. Siguradong nagtatampo siya dahil sa hindi ko pagbisita sa kaniya.
Kahit na matagal na nung huling punta ko sa malawak na lugar na 'to ay tanda ko pa rin kung nasaan siya. Lumipas ang isang saglit lang ay napatigil na rin ako sa paglalakad.
Nandito nga siya.
Umupo ako at inilapag ang hawak kong bulaklak sa kaniyang puntod. "I'm sorry daddy kung ngayon lang ako. Hindi ko kasi kayang makita kayo na nandiyan." Hinawakan ko ang kaniyang puntod at hinaplos ito. "Huwag kayong mag-alala, mula ngayon bibisitahin ko na kayo palagi." Ngumiti ako at nagsimulang nagkuwento ng mga maraming bagay na nangyari habang wala siya. Kahit hindi man siya makasagot, alam kong nakikinig siya.
Napahinga ako ng malalim. "Kung nasan man kayo ngayon, sana mapayapa d'yan at gaya nga ng sinabi ko, huwag kayong mag-alala sa 'kin kasi kaya ko nang mag-isa. I love you..." Tinitigan ko lang ang kaniyang puntod ng ilan pang minuto bago na rin tumayo.
Pagkalabas ko sa gate ng sementeryo ay nakita ko na kaagad si Kayden na nakasandal sa kaniyang kotse at hinihintay ako. Napaayos din siya ng tayo nang makita ako. Siya ang kasama kong pumunta rito pero pinahintay ko na lang muna siya rito sa labas. Kailangan ko kasing makausap muna ng mag-isa si daddy. Debale, sa susunod na bisita ko ay kasama ko na talaga si Kayden sa loob.
"Saan mo gustong pumunta?" tanong niya at binuksan ang pinto ng passenger's seat. Napaisip ako saglit.
"Kain muna tayo, bigla akong nakaramdam ng gutom e," sagot ko.
Napasulyap siya sa wristwatch niya bago napatango. "Sige. Alas-dose na rin kasi." Isinara na niya ang pinto saka umikot papuntang driver's seat. Pagkapasok niya ay nginitian niya na rin ako. "May alam akong magandang restaurant na magugustuhan mo."
Napangiti na rin ako. "Alam mo na kung saan ko gusto," sabi ko.
"Okay, mam." Nagmaneho naman na siya at medyo napatawa pa ako nang hinawakan niya ang isa kong kamay saka ipinagdikit ang aming mga palad. Ang sarap talaga ng pakiramdam na may taong mananatili lang sa tabi mo at hindi ka iiwan. Sa buhay ko, alam kong si Kayden 'yon. Dumungaw na ako sa labas ng bintana sa gilid ko at pinanood ang mga nadadaanan naming mga building.
Pero may mga dapat pa akong gawin at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para magawa ito.
Babawiin ko ang kumpanya ni Daddy.
******** The End********
A/N: One of the less complicated story na nagawa ko for months and I enjoyed writing this a lot. Ito lang ata ang successful kong natapos na Teen Fiction genre sa rami ng nagawa ko before. 😆😆
BINABASA MO ANG
I Broke that Devil's Heart
Novela JuvenilBella Loreto o kilala rin bilang Campus Queen-a famous brat. She have everything na ika-iinggit ng lahat, except a good brain. Aside from being a 'Queen' and all, she's great at oppressing the weak-a bully, in short. However, a single incident took...