BELLA LORETO"Mom!" saway ni Kayden kaya napatawa ang mama niya.
"Just kidding. Alright, I'm leaving. Ingat kayo," paalam na niya at umalis na rin. Isinara na ni Kayden ang pintuan at napahawak sa kaniyang batok.
"Kaasar. Ha, buti na lang nakapalusot pa ako," sabi niya.
"Bakit nagsinungaling ka kung sino ba talaga ako?" tanong ko.
"Ayaw niya kasi kaming nagkakaroon ng kahit sinong alalay o katulong, naniniwala kasi siyang, having that, would make us spoiled. Gusto niyang maging independent lang kami," sagot niya na ikinatango ko.
But, uhh, alam na ng mama niyang katulong niya ako.
"Kung gano'n, dapat pinakilala mo na lang akong kaibigan mo," sabi ko na saglit na nagpatigil sa kaniya. Sunod ay nagkibit-balikat siya.
"I don't know. 'Yon ang unang pumasok sa utak ko," rason niya at napa-stretching ng mga braso. "Gutom na ako. Kumain na lang tayo."
The rest of the noon ay nag-study na lang ako habang si Kayden naman ay nasa sala lang din at abala sa kaniyang laptop. No'ng nakita kong 4:00 na ng hapon ay naghanda na rin ako para sa work ko sa laundry.
"Aalis na ako," paalam ko kay Kayden. Umangat naman kaagad ang kaniyang tingin sa 'kin.
"Pupunta kang trabaho mo? Kagagaling mo lang sa sakit," sabi niya, "baka bumalik lang lagnat mo n'yan."
Umiling ako at binigyan siya ng tipid na ngiti. "Siguradong okay na ako."
Napatitig pa siya ng ilang segundo sa 'kin bago napabuntong-hininga. "Sige. Bahala ka."
Nag-umpisa na akong maglakad papunta sa pintuan, nang hinawakan ko ang knob ay bigla akong napatigil. Nilingon ko ulit siya. "S-salamat nga pala sa pag-aalaga sa 'kin," sabi ko habang hindi makatingin sa kaniya ng diretso. Wala siyang sinagot kaya pinihit ko na pabukas ang knob at umalis na rin.
***
Pagkalabas ko ng laundry ay napahawak ako sa 'king ulo. Ugh. Sa kalahati ng working hours ko, sumakit lang ang aking ulo. Mukhang kailangan ko ng paracetamol. Meron ako no'n sa kuwarto ko.
Nag-bike na ako pa-uwi sa condo. Pagkarating ko ay ginamit ko ang aking susi para makapasok sa unit. Nakabukas ang ilaw nang makapasok ako. Medyo nagtaka ako dahil palaging nakapatay ang ilaw tapos, uh, meron si Kayden na may kasama. Nagsimula na akong maglakad papunta sa 'king kuwarto habang napapahilot sa 'king sentido.
"Sabi kasing 'di ka pa pwede." Natigil ako bigla sa nagsalita at nilingon ito. Naro'n pala si Kayden sa pintuan ng kusina, naka-sandal habang nakahalukipkip. "Anong sumasakit sa 'yo? 'Yung ulo mo ba?" tanong niya, napa-ayos na ng tayo at lumapit na sa 'kin.
"Iinom na lang ako ng paracetamol," sagot ko. Tumapat naman na siya sa 'kin sabay inilapat ang kaniyang kamay sa 'king noo.
"Medyo mainit ka."
Umatras ako ng ilang hakbang. "A-ako nang bahala sa sarili ko," sabi ko at tinalikuran na siya sabay nagpunta sa 'king kuwarto. Pagkapasok ko ay napasandal ako sa pintuan at napabuntong-hininga.
Monday ng mga 8:35 ay nasa school building na ako at naglalakad sa corridor. Sa sobrang pagod ko kagabi at dagdag pa ang sakit ng aking ulo, hindi na ako nakapag-review para sa long quiz namin ngayon. Kailangan ko tuloy na maghabol na mag-review ngayong umaga.
BINABASA MO ANG
I Broke that Devil's Heart
Genç KurguBella Loreto o kilala rin bilang Campus Queen-a famous brat. She have everything na ika-iinggit ng lahat, except a good brain. Aside from being a 'Queen' and all, she's great at oppressing the weak-a bully, in short. However, a single incident took...