Chapter 55

272 12 0
                                    


KAYDEN MORGAN


Nasa kotse ako ngayon at naka-upo sa backseat habang abala sa laptop ko. Ginagawa ko ang essay na ibinigay na assignment sa 'min kahapon. Konting editing lang naman 'yung kailangan bago ko matapos at ma-print na. Sa dami ng ginawa ko kahapon, halos kaninang madaling umaga ko lang 'to ginawa.

Napahinto naman ako sa pag-ta-type nang maramdaman ko ang pag-ilaw ng screen ng phone kong nakalapag sa tabi ko lang. Tumatawag na pala ang vice-president kaya kinuha ko ito sabay sinagot.

“Hello?” tanong ko at itinutuloy pa rin ang pag-type gamit ng isa kong kamay.

"Uhh, President? May problema tayo," sagot ng isang boses babae sa kabilang linya.

Napakunot ang aking noo. "What is it again this time, Ally?"

"Yung magaling kasi nating treasurer, nawala 'yung notebook niya kung saan nakalagay 'yung list ng monthly activity plan natin."

"Baka naman naiwan niya sa bahay nila?"

"Wala raw do'n."

"Sa desk niya?"

"Wala rin. Tinulungan namin siyang hanapin dito pero hindi talaga namin nahanap."

Tumigil ako sa pag-type at napakunot ang noo. "Sabihin mong tandaan niyang mabuti ngayon. Mapapa-ulit lang tayo sa pag-plan kung nawala niya," naiinis ko nang sabi, "parating na rin ako riyan."

"Copy that, president."

Iyon lang at pinatay ko na ang tawag saka ibinalik ang phone sa tabi ko. Napabuga ako ng hangin at ipinagpatuloy na rin ang pagtapos ng aking essay. Sinabi ko na rin sa 'king driver na medyo bilisan ang takbo ng kotse. Matapos lang ng ilang saglit ay na-finalize ko na rin ito at inilipat sa flashdrive ko. Sa school ko na lang 'to i-print. Naka-receive pa ako ng text mula kay Ally and it wasn't good dahil hindi talaga nila nahanap. Ibig-sabihin lang, kailangan naming ulitin ang plan na kakagawa lang namin a week ago. 

Napahilot ako sa king sentido. Darn, Robert. Alam niyang importante ang plan na 'yon at hindi siya nag-doble ingat! At kung bakit din ba kasi hindi niya kaagad nai-transfer sa laptop niya? Napabalik na ang aking tingin sa 'king phone at astang mag-re-reply nang biglang huminto ang sasakyan. Biglaan ito kaya kamuntikan ko nang nabitawan ang hawak ko pero ang bag at laptop ko ay nahulog sa ibaba.

Napatingin ako sa 'king lalakeng driver. "Anong nangyari?" tanong ko.

"M-may bigla na lang pong tumawid na bata sa kalsada," nauutal na sagot niya, halatang gulat na gulat din.

"Nakasagasa ka?!"

"H-hindi po, may babaeng biglang t-tumulong sa bata."

Tinanggal ko na kaagad ang seatbelt ko at bumababa sa kotse. This morning is getting damn worst! Pagkapunta ko sa harapan ng kotse ay nakita ko ang dalawang taong patayo na mula sa pagkakahiga nila mula sa gilid ng kalsada. Lumapit ako kaagad sa kanila.

"Ayos lang ba kayo?" tanong ko at unang tinulungan ang batang lalakeng tumayo. Umiiyak ito ng malakas. "May masakit ba sa—" Naputol ang aking sasabihin nang biglang inagaw 'yung bata sa kin.

"Asan masakit sa 'yo?!" tanong nung babaeng tumulong sa bata. Inispeksyon niya naman ang katawan ng bata at napahinga rin siya ng mabuti nang makitang walang kahit na anong galos sa katawan nito.

"Ryan!" sigaw ng isang babaeng nasa early 30's nang patakbo sa 'min. Malamang ang nanay nitong bata. Agad nitong kinuha ang umiiyak na bata at niyakap. "Anong nangyari?" tanong niya.

I Broke that Devil's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon