BELLA LORETO
Unti-unti kong ibinalik ang aking paningin sa pintuan at napapikit ng mariin dahil sa katangahan ko. Bakit ba kasi palagi akong nata-tanga kapag siya kausap ko? Ibinalik ko na rin ang tingin sa kaniya.
"Papasok ako sa trabaho," bawi ko. Pero sa totoo lang, mamaya pang 10 ang start ng trabaho ko.
Napa-ayos na siya ng tayo. "No. Balik ka," utos niya sabay tumalikod na sa 'kin at bumalik sa kusina.
Huh? May ipapagawa pa ba siya?
Bitawan ko na ang knob at bumalik sa pagkaka-upo sa sofa. Ang alam ko ay may ipapaggawa siya but I've waited for him for about 15 minutes pero hindi pa rin siya lumalabas ng kusina. Ano bang ginagawa niya? Then a delicious smell suddenly went into my nostrils at dahil do'n, nakaramdam ako ng biglaang pagkagutom. Napatingin ako sa 'king phone and checked the time. Alas-otso na.
Lumabas naman na si Kayden sa kusina. May hawak-hawak na rin siyang isang plate at bowl na may lamang pagkain sabay inilapag ito sa isa pang table sa bandang likuran ko. Dalawang beses pa siyang nagpabalik sa kusina para kumuha ng eating utensils, isang basong inumin at isang karton ng gatas. No'ng natapos ay nilingon niya ako.
"Kung tapos ka nang tumunganga d'yan, umupo ka rito," sabi niya.
Napakurap ako ng dalawang beses bago napatayo. "H-hindi na! Uuwi na lang—
"Huwag mo 'kong hintaying kaladkarin ka pa rito," putol niya sabay napaupo na sa isang stool do'n. Napakagat ako ng labi, nag-aalanganin pa rin ako at mas naramdaman pa ang hiya. Susundin ko ba siya o tatakbo na lang ako palabas? Hindi ko talaga kayang humarap sa kaniya. "Isa." Sa isang iglap, pumunta na ako kaagad doon at umupo sa tapat niya bago pa siya tuluyang mag-bilang. Inumpisahan naman na niyang kunin ang kaniyang kutsara at sinimulang kainin ang kaniyang cereal na nilagyan na niya ng gatas.
"M-mr. Morgan, hindi mo naman na kailangang gawin 'to," mahinang sabi ko. I saw his brows twitch bago umangat na ang tingin sa 'kin.
"Ang huling pagkaka-alala ko, Kayden ang ipinangalan sa 'kin ng magulang ko." Itinuro niya ang kaniyang kutsara sa 'kin. "Kumain ka na lang, dami pang satsat."
I don't get him. Hindi ko makuha ang ugali niya. Minsan sobrang lamig niya sa 'kin, kung minsan sinusungitan ako o kung parang ngayon, bigla niya na lang akong ipinagluto.
Napababa na ang aking tingin sa pagkaing nasa harapan ko. A two-layered pancake topped with strawberry jam at ang inumin ko naman, isang basong orange juice. Para akong sinaksak sa puso nang makita ito.
Ito... ito 'yung palagi niyang hinahanda sa 'kin dati. Hanggang ngayon talaga hindi niya pa rin nakakalimutan 'yung mga bagay na gusto ko.
Brzzzt...
Brzzzt...
Natigil si Kayden nang nagsimulang nag-vibrate ang kaniyang phone na nakalapag sa lamesahan. Tinignan niya muna ang caller saka sumulyap pa sa 'kin bago tumayo na at pumasok sa isang kuwarto kung saan niya malamang sinagot ang tawag.
Inangat ko na ang aking kamay, kinuha ang tinidor na nasa harapan ko at kumain ng konti sa pancake. A familiar taste welcomed my tongue.
It was... the same.
Bigla kong nabitawan ang tinidor at kasabay no'n ang unti-unting pagpatak ng aking luha. Ramdam ko na rin ang paninikip ng aking dibdib sa halo-halong emosyon.
BINABASA MO ANG
I Broke that Devil's Heart
Teen FictionBella Loreto o kilala rin bilang Campus Queen-a famous brat. She have everything na ika-iinggit ng lahat, except a good brain. Aside from being a 'Queen' and all, she's great at oppressing the weak-a bully, in short. However, a single incident took...