Chapter 58

264 8 1
                                    


KAYDEN MORGAN



Nang kumalma siya ay hindi na siya nagreklamo no'ng ipinasakay ko siya sa kotse ko. Gusto ko sanang tanungin siya sa kung saan ang apartment niya kaso nakatulog na siya kaagad kaya dumiretso na ako sa condo ko.

"Pinagsisisihan ko 'yon, Kayden," biglang sabi niya nang makahiga na kami sa kama ko, "two years ago, weeks pagkatapos ng mong mawala, marami akong na-miss. Na-miss ko 'yung taong nasa tabi ko palagi, 'yung taong palagi akong binabati kahit sa text, 'yung taong palaging nag-ku-kwento ng kung ano-ano." Napatigil ako sa sinabi niya.

Na-miss niya 'ko?

"I realized I lost something important at kasalanan ko 'yon. Pero bakit ka umalis? Dapat nagalit ka na lang sana sa 'kin. Hinanap kita pero nawala ka na lang nang parang bula... it's okay. Bumalik ka pa rin naman. Akala ko talaga hindi na kita makikita. I'm happy with it. I'm happy that you came back... Kayden," pahina nang pahina niyang sabi. Naramdaman ko ang pagbilis ng kabog sa 'king puso at unti-unti nang namasa ang aking mga mata. Mas niyakap ko pa siya.

Bella, alam mo lang ba kung anong sinabi mo? Binigyan mo lang ako ng konting pag-asa sa 'yo. Natututunan mo na ba akong mahalin? Tumitingin ka na rin ba sa 'kin, Bella? Gusto kong marinig ang tamang salita sa 'yo. Kung ano talaga ang nararamdaman mo para sa 'kin.

'Yong paghihiganti kong pinaghandaan ay mabilis na natunaw. One-sided lang din 'yon dahil napagtanto ko na pinilit ko lang talaga siya noon na pumasok sa isang relasyon na ayaw niya at ginawa kong rason 'yung nangyari sa 'min. Hindi niya ako mahal, iba ang gusto niya. Siguro nga hindi talaga ako galit sa kaniya kundi frustrated lang ako dahil hindi kami pareho ng tini-tibok ng puso. Nangyayari 'tong lahat dahil lang din sa 'kin. Kasalanan ko.

Now, I'm back to the same circle at gusto kong malaman kung anong magiging desisyon niya. Kung gusto niya ba talaga akong manatili o umalis?

Hinawakan ko ang magkabilaan niyang pisngi. "I want you to be honest, Bella. Gusto kong pumili ka lang sa kung anong nararamdaman mo gusto mo ba talaga akong lumayo o gusto mo 'kong manatili?"

"K-Kayden huwag mo akong papiliin."

"Pero kailangan ko nang malaman ngayon, Bella. Kapag pinili mo ang una, lalayo na talaga ako, pakakawalan na kita at... kakalimutan na kita pero kapag pinili mo 'yung pangalawa, I'll stay. Didikit ako sa tabi mo at makikita mo 'ko araw-araw. Titingin ka lang sa mga mata ko dahil para ka lang sa 'kin at gano'n din ako sa 'yo." Hindi ko mapigilan ang makabahan at matakot sa isasagot niya.

Kung pipiliin niya 'yung una, kailangan ko na siyang pakawalan at kalimutan pero baka hindi ko kaya. Those two years in London are hell. Sa kaloob-looban ko ay iniisip kong kung sakaling magbago ako, baka tumingin na siya sa 'kin. Tanga na nga ako. Pero siguro nga ganito ako,

Kung magmahal, sobra-sobra.

Tuloy-tuloy na pumapatak ang mga luha ni Bella na halos 'yung iba ay napunta na sa 'king mga kamay. Hinawakan niya 'yung isa kong kamay.

"I love you, Kayden," sabi niya na nagpatigil sa 'kin sa paghinga. Sunod ay bahagya siyang napailing. "But I'm sorry, I don't deserve second chances I don't deserve it kasi natatakot ako na baka masaktan ulit kita."

Sunod-sunod na ring pumatak ang mga luha ko. "But you're pushing me away right now and that is what's hurting me, Bella." Napahinga ako ng malalim at binitawan na siya. "At wala kang kasalanan. Naiintindihan ko kung bakit mo 'yon ginawa. Kasalanan ko kasi pinilit kita sa relasyong ayaw mo naman."

Nakailang segundo pa siyang napatahimik bago nagsalita, "Hanggang ngayon ba talaga, mahal mo pa rin ako, Kayden?" tanong niya.

Bahagya akong napatawa at napangiti na rin. "Wala namang araw na hindi kita minahal. Hindi mo ba alam kung gaano ako nababaliw sa 'yo? Sa sobrang pagmamahal ko sa 'yo, ang sakit-sakit na."


I Broke that Devil's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon