Chapter 4

20K 546 83
                                    


"Quatro, pauwi ka na?"

Napalingon siya at agad na napangiti ng makita si Carma na papunta sa direksyon niya. Kinuha niya ang libro mula sa hawak nito at siya na ang dumala.

"May locker naman bakit hindi mo 'to iwan doon?" Tanong niya at bahagyang nainis ng makita ang pagpula ng balat nito dahil sa pagbubuhat ng makapal na libro.

Napasimangot si Carma at binatukan siya.

"Kung magrereklamo ka, akin na lang 'yan." Sinubukan pa nitong kunin sa kanya pero iniwas niya.

"May sinabi ba ako? Ikaw, ah. Nagsusungit ka na por que't magkasama kayo ng crush mo kanina." Tukso niya pero nakasimangot naman.

Ngumisi lang si Carma sa kanya. Mas lalo tuloy siyang hindi mapalagay.

So totoong may something sa kanila ni Sais?...Okay lang naman. Okay pang naman siguro? Pero ang inaalala niya baka masaktan ang kaibigan niya. Hindi naman gago si Sais pero paano niya magugulpi ito kung sasaktan nito si Carma?

Muli siyang napabalik sa reyalidad ng batukan siya ni Carma.

"Sino ba 'yang iniisip mo? Ba't parang ako?" Natatawang biro nito.

Ngumisi siya at ginulo ang buhok nito.

"Anong ikaw ang iniisip? Sabi ng teacher namin, don't think about negative things, eh." Pang-aasar niya.

Agad na napasimangot ito.

"Ah, ganoon?"

"Joke lang, ikaw naman, bebeluvs. Nagdalaga ka na, ang sungit-sungit mo!" Pinanggigilan niya ang pisngi nito.

"Aray ko! Ba't parang may dalang hinanakit ang pagpisil mo?" Reklamo ni Carma.

Mukhang wala naman, ah? Ang sensitive naman nito. Por que't pinansin ni Sais, ang OA-OA na.

Napaingos siya sa isipan.

"Nababasa ko ang isip mo, Quatro." Sabi nito kaya agad siyang napalingon dito.

Ngumisi siya at pinagbuksan ng pinto ang dalaga, hindi niya napansin na nakarating na pala sila sa kotse niya.

"Sige, ano sabi?"

Pinaikutan siya nito ng mata.

"Tinutukso mo ako kay Sais."

"Mali, sabi ng isip ko I love you, Carma." Nakangising saad niya.


Kumunot lang ang noo nito. Hindi pinatulan ang pang-aasar niya.


"Are you flirting me? Or you're just in foul mood? Nahahalata ko kasing parang...naiinis ka." Seryosong tanong ng dalaga.

Agad na napalis ang ngiti niya.

Hindi nakapagsalita.

Carma sighed.

"May problema ba?" Malumanay na tanong ng dalaga.

"If you're already in relationship with my brother, can you stop being good to me?" He asked.

Napaawang ang labi nito at napaatras sa sinabi niya. Halatang nabigla.

Oh, shoot. Why the fuck would he tell her that? Siya lang naman siguro ang nag-iisip ng ganoon!

Pukenginang Cinco kasi.

He sighed.

"Sorry, get inside." Sabi niya at nilakihan ang pagbukas ng pinto ng kotse.

Quatro's Sweet Karma (4th Gen #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon