Chapter 13

17.6K 525 45
                                    

"Matagal-tagal na rin ang huling dalaw mo, hijo. Anong masamang hangin ang nalanghap mo at napadpad ka dito?" Napalingon sa kanya ang ama niya na may kahulugan, napaayos pang siya ng upo.

Nasa hapag na sila kumakain ng hapunan, kaya hindi niya tuloy malunok-lunok ang pagkain sa kaba.

Her Dad knows that she likes Quatro since then.

Napatikhim si Quatrp at napaayos ng upo, sumeryoso rin ang mukha nito.

"Iyon na nga po, Tito. Gusto kong manghingi ng permiso para sana ligawan ang anak niyo." Seryosong saad ni Quatro. Pormal na pormal, walang bakas ang pagiging pilyo nito.

Tumikwas ang isang kilay ng ama niya, hindi na nagulat sa sinabi ni Quatro. Napainom ito mg tubig bago magsalita.

"I don't like you for my daughter."

Lihim siyang napasinghap sa prankang sagot ng ama, pati si Quatro ay hindi rin inaasahan 'yun.

"But your daughter likes me for her." Laban ni Quarto.

Aba, desisyonism.

Ngumisi ang ama niya, hindi niya alam kung seryoso talaga ito na ayaw nito kay Quatro o sadyang tine-test lang nito ang binata.

"That's not what I've heard. She said she was dating Sais." Nakangising saad ng ama.

Nagulat siya sa sinabi ng ama. Wala siyang pinagsabihan sa scheme nila ni Sais. Paano nito nalaman?

Napansin niya ang paghigpit ng pagkakhawak ng binata sa kubyertos sa sinabi ng ama. But he remained calm.

"She's mine, not Sais', not someone else'. Walang ibang nararapat sa anak niyo kung hindi ako, Tito." Mariing saad ni Quatro.

Nakakabingi ang katahimikan pero mas nabibingi siya sa tibok ng puso niya. It was loud, it was dangerous... Natatakot siyanl na baka mas lalo lang siyang mahulog dito.

"Hmm. Baka puro salita ka lang, hijo."

"Iyon na nga po ang ipinunta ko dito, Tito. Liligawan ko po ang anak niyo para ipakita ang gawa ko, na hindi pang ako puro salita." Giit pa rin ni Quatro.

Nakakahanga. Hindi niya inaasahan na naroon pa rin ang paggalang sa boses nito kahit hinindiin ito ng ama niya. She knows very well how impatient and ruthless the Benjamins is after hearing a rejection.

"Sige, ligawan mo ang anak ko. Pumapayag na ako."

Agad na unaliwalas ang mukha ng binata sa sinabi ng ama.

"Talaga po, Tito? Baka naman pinapaasa mo ako tulad ng ginawa ng anak niyo?" Paninigurado pa nito.

Nakurot niya ito sa tagiliran, lihim naman itong napangiwi.

"Yes, I'm telling the truth. But my daughter is beautiful and smart, hindi bagay na iisa lang ang manliligaw niyan." Sabi ng ama.

Her eyes widen on that. Kahit hindi nakapagsalita si Quatro ay ramdam niya ang pagtutol nito.

"Pa---"

"Shut it, Carma. Huwag kang maging marupok sa pag-ibig. Matalino ka, gamitin mo 'yun."

Natahimik siya. Hindi niya alam kung anong trip ng ama niya. Pero tama naman ito, siguro ginawa lang ito ng ama para makita kung karapat-dapat ba si Quatro sa kanya.

"She's mine, and I don't share." Quatro declared.

But her father remained unbothered.

"She's not yours, maybe not yet? Or never. But if you're really the one for her you won't be bothered by your competitors." Saad ng ama. He has a point tho.

"I am not bothered, Tito. And yes, I'm not a coward to not accept your challenged," tanggap ni Quatro sa hamon.

Napainom na lang siya ng tubig. Parang siya itong kinakabahan sa susunod na mangyayari.

"I hope you understand were this is coming from, Quatro. Siya lang ang nag-iisa kong anak kaya mahigpit talaga ako sa kanya." Wala na ang tensyon sa boses ng ama. Bahagya na siyang nakahinga.

"I understand, Tito. Kasi kung magkakanak rin kami ni Carma ng babae in the future, I'll go berserk if someone courted her." Sagot naman ni Quatro.

Napatikwas ang kilay niya sa sinabi ni Quatro. Dumaan ang pagkaaliw sa mata ng ama.

"Masyado ka yatang mabilis, hijo. Binabalaan kita, patas ang labanan, walang Benjamin, walang Sebastian at walang Kim. Patas kayong tatlong magpapaligsahan sa puso ng anak ko." Sabi ng ama niya.

Sebastian at Kim? Saan naman kukuha ang ama niya ng manliligaw galing sa aristokratong pamilyang iyon?

But Quatro remained firm, he seems unbothered.

"Being Benjamin is excluded here, Tito. But I won't forget how my lady ancestors reject the Sebastian and Kim's to choose the Benjamins. I won't change the history. A Benjamin never lose, specially when it comes to their woman." He declared in finality.

"Hmm, napahanga mo ako sa iyong salita, hijo. Sana ganoon rin sa gawa."

"Makaka-asa kayo, Tito." Sagot naman ni Quatro.









"SLEEP early, okay?" Paalala sa kanya ni Quatro habang binabaybay nila ang daan papunta sa kotse nito.

"May assignments pa ako." Sabi niya sa binata.

"Ako na lang ang gagawa? Para makapagahinga ka." Giit ng binata.

She sighed. Napatitig siya sa binata, nagtataka naman ito sa inasta niya.

"You can back out. I'll just explain to Dad." Mahinang saad niya.

Kumunot ang noo nito.

"What are you talking about? Come on, get inside now. Malamig dito sa labas baka sipunin ka."

Umiling siya.

"Quatro, alam ko namang hindi ka sanay sa ganito. Forget what happened earlier. It was unexpected that Dad react like that. 'Yung challenge, that type of panliligaw it's not your style----"

"Are you belittling me, Carnation Margaret?" He asked dangerously.

Nanayo ang balahibo niya sa batok, at may kung ano ang humuhukay sa kanyang tiyan.

"Quatro..." Nagnghihinang tawag niya sa binata.

Quatro walks closer to her, nahigit niya ang hininga ng dangkal na lang ang layo niya sa labi nito.

"I could punish you right now, you know?" Paos na bulong sa kanya ng binata.

Napalunok na lang siya.

"But I respect you and your Dad. Hindi ko babaliin ang salita ko. Lalaban ako ng patas."

Ngumiti ito sa kanya, iyon 'yung ngiting tunay, walang halong pilyo at pang-aasar. Ginulo nito ang buhok niya.

"Get inside now, just email me your schoolworks ako na ang gagawa. Hindi ka pwedeng mapuyat baka magkasakit ka. Hindi ako nanliligaw ng sakitin."

Napanguso na lang siya para itago ang ngiti.

"Sige.." Tanging nasagot na lang niya.

"And Carma?" Muling kuha ng atensyon sa kanya ng binata.

"Yes?"

"Please don't mention again that I should back off. I feel like your pushing me away, your taking the chance away from me..."

Napalunok siya.

"...I'm confident that you'll choose me, but you'll break me if you'll say that I'll stop courting you."

Hindi siya nakaimik. Lunapit ito sa kanya at hinalikan siya sa noo.

"Goodnight, sweet. Dream of me."









Quatro's Sweet Karma (4th Gen #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon