"Nasaan ang flowers ko?" Pangungulit niya sa dalaga ng makasalubong niya ito.Agad siyang sinamaan nito ng tingin.
"Anong flowers ang pinagsasabi mo?" Bagot na tanong sa kanya ng dalaga at nilagpasan siya nito. Tila aso naman siyang nakabuntot dito.
"'Di ba liligawan mo 'ko?" Pangungulit pa niya.
"Eh, kung ikaw kaya ang tamaan ng ligaw na bala?" Bato sa kanya nito pabalik.
Agad naman siyang napasimangot.
"Ang sungit mo naman, beb, buntis ka ba?" Nakangising tanong niya.
Mahina siyang napamura ng biglang tumigil sa paglalakad si Carma.
"Quatro!" Inis na sambit sa kanya ng dalaga.
Bahagya siyang napanguso at napakamot ng batok. Inosente niyang tiningnan ang dalaga.
"Bakit? Ang sungit-sungit mo kasi." Inosenteng pahayag niya.
Inirapan lang siya ng dalaga at nagpatuloy ito sa paglalakad. Agad naman niyang sinundan ito.
"Alam mo sa lahat ng manliligaw ikaw ang pinakamasungit. Dapat maging mabait ka sa nililigawan mo." Pangungulit pa niya. Ang sarap talagang pikunin nitong si Carma kasi namumula ang pisngi. Para itong siopao na galit. Hehe.
"Alam mo sa lahat ng peste sa mundo ikaw ang pinakapeste. Dapat maging pest---"
Agad niyang tinakpan ang bibig ng dalaga. Nanlaki ang mata nito sa gulat.
"Tsk. Kahapon ka pa nagmumura. Bakit ba ang sungit mo sa 'kin? Friend kaya tayo!"
Inis na inalis ng dalaga ang kamay niya sa bibig nito.
"Friends don't fuck."
Tsk. Nagmura na naman. Kung turuan niya kaya itong huwag mag-mura? Na magmahal na lang? Hehehe.
"Naku, iyang bibig mo Carma lilinisin ko 'yan." Aniya.
Hindi na umimik ang dalaga. Siya naman ay napasimangot.
Bakit ba ang sungit-sungit nito palagi sa kanya? Masungit ba ito sa gwapo? Parang nung nakaraan lang ay gusto nitong maging girlfriend niya tapos ngayon daig pang may sakit aiya kung makaiwas sa kanya.
Tsk.
Pumasok ang dalaga sa library, hindi na siya nakapalag doon. Hindi naman kasi siya naliligaw dito.
"Hi, Carma. Hello, Sais." Mahinang bati ng working student na librarian sa kanila.
Agad na kumunot ang noo niya at napatiim ang bagang.
"I'm Quatro." Pagtatama niya.
Bumaha ang gulat sa mata ng babae pero nilagpasan na niya ito at hinapit si Carma sa bewang.
"So, you're here with my brother always? Kaya ka kilala ng babae?" Bulong niya sa tenga ng dalaga.
"What do you expect? Alangan naman na ikaw ang kasama ko. You're busy ruining relationship and in fact, Sais and I were dating----"
"Stop!" Pigil niya sa dalaga sa inis, ang kanyang boses ay umalingawngaw sa buong palapag.
Shit. Nasa library pala sila.
"OH? Bakit ka nakabusangot?" Natatawang tanong ni Cinco ng umupo ito sa tapat niya.
Napanguso siya at inirapan ito.
"Galit si Carma ko."
Pinagalitan na naman siya ng dalaga dahil pinalabas sila sa library dahil sa kaingayan niya. Ayon tuloy iniwan siya nito dahil may ibang pupuntahan, akmang susundan niya sana kaso pinandilatan siya ng mata.
Tumikwas ang isang kilay nito.
"Carma mo? As far as I remember you were indenial----"
"I was. Pero sino nga bang makakatanggi kung nililigawan na ako ni Carma?"
Nakatanggap siya ng batok mula rito. Agad naman niyang sinamaan ito ng tingin.
"Shabu pa."
"Tsk. I don't get her. 'Nung isang araw lang parang pinipilit nilang dalawa ni Sais na maging kami ni Carma pero ngayon daig pa kung may sakit ako para layuan niya." Reklamo niya.
Unti-unting kumorba ang ngisi sa labi ni Cinco.
"It doesn't make me a bad twin if I'm happy on your situation right now, right? Damn, karma mo na 'yan. Serves you right for being a gago."
Mas lalo lang siyang napasimangot.
Tangina naman. Bakit ba parang pinagtutulungan siya ng mundo? Carma is his walking karma indeed.
"I'm hungry."
Sabay silang napatingin kay Sais ng umupo ito sa tabi ni Cinco.
Wala na bang maisasama sa araw niya?
"Okay, ako ang bibili ng pagkain mo, brother." Loko-lokong saad ni Cinco at umalis. Sadyang sinadya nitong iwan sila.
His jaw clenched and aly his back on the chair. Si Sais naman ay nakatitig lang sa kanya.
"I've changed my mind. Napag-usapan na rin namin ni Carma na---"
"Nag-usap kayo?" Iritableng tanong niya rito.
"Yeah. And we both agreed that you'll be out of our way now. Kakalimutan niya ang nangyari ang we'll continue dating---"
"Putangina!"
He flipped the table away between them and took the distance to grabbed his collar.
"Sais, kapatid mo ako pero huwag mo akong ginagago." Mariing saad niya rito.
Ngumisi ito sa kanya.
"Didn't you notice how Carma avoided you? Because we agreed that we'll continue---"
Akmang aambahan niya ito ng suntok ng may pumigil sa kamao niya.
"I can't afford cleaning a bathroom again so fucking behave, Quatro Skeilar." Malamig na banta sa kanya ni Hover na siyang pumigil sa kamao niya.
Tumiim ang bagang niya at binawi ang kamao. Masama ang tingin niya kay Sais na kalmado lang.
"I know I did you wrong. Sinulot ko girlfriend mo, fine. But why does it seem that you're mad at me for another thing?" Mahinahon ngunit mariing tanong niya sa kambal.
Sais just clenched his jaw and stood up, tinapatan siya nito.
"I hope Carma is really your karma because you fuckin' deserves na karmahin ka."
And with that Sais left.
Anong ibig nitong sabihin? Does he loathes him that much that makes him swear that he'll have her karma? Does he really like Carma for him to be angry like that?
Or something else?
But whatever it is, bumigat ang loob niya. They were the triplets trouble maker, but now he makes trouble between them. Ayaw niyang magkalabuan sila ni Sais.
Takte, kasalanan talaga ni Cinco 'to.
Napatitig siya sa papalayong bulto ni Sais ng humarang si Cinco sa pananaw niya.
"Hala saan 'yun? Narito na ang carbonara niya." Napakamot ng ulo si Cinco saka natigilan at napatingin sa kanya.
Nilahad nito ang carbonara sa kanya.
"Oh, sayo na lang tutal magkamukha naman kayo." Anito.
Napatingin naman siya sa pagkain.
"Kung may bayad, sayo na lang tutal magkamukha rin naman kayo." Aniya.
Napaingos si Cinco sa kanya.
"Libre ko na 'to. Halatang paiyak ka na, eh." Pang-aasar nito sa kanya.
"Gago."
A/N: awit, nawalan kami ng signal dito huhuhu. As in zero talaga. Di pa rin bumabalik ang signal huhu tsaka kuryente.