Chapter 14

18.3K 473 77
                                    


"Alam mo ba ang pangit ng gising ko kasi napanaginipan kita?" Agad na bungad sa kanya ng binata ng makalapit siya dito.

Agad na nabura ang ngiti niya.

Quatro's eyes widen on her reaction.

"Hala! Hindi 'yun ang ibig kong sabihin, sweet. Kaya pangit ang gising ko kasi napanaginipan kita, ibig sabihin 'nun nanghinayang akong magising kasi ikaw ang panaginip ko." Natatarantang paliwanag nito.

"Ayusin mo lang, Quatro Skeilar."

Napakamot ito ng batok saka siya pinagbuksan ng pinto.

"Hop in, baka malate ka."

Akmang uupo na siya sa passenger seat ng makita niya ang bulaklak na maayos na nakadesinyo sa upuan.

"Flowers for my sweet Carma."

"Nakakain ka ba ng asukal? Amg sweet mo naman," natatawang saad niya saby kuha sa bulaklak. Tuluyan na siyang umupo.

"Nah, sweet lang talaga ako."

Napailing na lang siya.

Nagpatugtog si Quatro ng kanta. Her brow raised when he sing along with the radio. He's singing Sweet child of Mine.

"Pasado ba?" Nakangising tanong ng binata ng matapos ang kanta.

"Oo, pasado maging kambing."

"Carma!" Eksaheradang tawag ni Quatro sa kanya.

Humagalpak siya ng tawa sa reaksyon nito, nakakainis ito mamikon pero nakakatuwang asaran.

"Bawiin mo 'yung sinabi mo." Parang bata sabi nito.

Binilatan niya lang ang binata.

She's just kidding. Maganda ang boses ng binata. Hindi pangrockstar kung hindi parang soft lang. 'Yung tipong nakahiga kayo sa hardin tapos si Quatro at kumakanta. tiyak na makakatulog ka.

Nang makarating sila sa Benj U ay pinagbuksan siya nito ng pinto. Para talaga itong tunay na gentleman kung pagsilbihan siya.

Palihim pa siyang nakatingin sa binata at napangiti ng biglang may sumulpot sa dinaraanan nila.

"Carma."

Hindi niya kilala ang dalawang lalaki sa harap niya pero kung features ang pag-uusapan ay parang isang Sebastian at Kim ang nasa harap niya.

"You're blocking our way." Mababang boses na sabi ng binata sa dalawa pero hindi man lang nagpatinag.

"I'm Mox Sebastian." Pagpapakilal ng lalaki sabay lahad sa kamay nito.

"Kinagagalak kitang malapitan, binibini. Dati pa man ay namangha na ko sa 'yong ganda at hindi ko pinalagpas ang pagkakataon na payagan ako ng ama mong ligawan ka." The gentleman said.

Akmang aabutin ni Quatro ang kamay ni Mox para ito na ang makipagkamay para sa kanya ng kurutin niya ito sa singit.

"Play fair." Bulong niya dito bago bumaling kay Mox.

"Carma," pagpapakilala niya at tinangap ang pakikipagkamay nito.

"Nice to meet you, Mox."

Tumikhim naman si Quatro sa gilid niya ng maglapat ang kamay nila ni Mox, kaya hindi rin 'yun nagtagal.

"Hi, I'm Klint Kim. Are you Maine but silent a?"

"Ha?"

Napangiti naman ito sa reaksyon niya. Lumabas ang pantay-pantay at puti nitong ngiti, nawala nan ang mata nito. He's cute, ha! Chinito kasi.

Quatro's Sweet Karma (4th Gen #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon