"You're not a good secretary, you scare away our potential investor." Sabi ng binata ng pabalik na sila sa kotse nito, iiling-iling pa pero hindi naman dismayado. Kung hindi nga siya nagkakamali ay may pinipigilan itong ngisi.
Napairap siya.
"No wonder kaya hindi mo ako pinasama dahil sa babaeng 'yun. Kung wala siguro ako baka kung saan na kayo napadpad!" Hindi napigilang palatak niya.
Kumunot ang noo ng binata. Nagtatka kung bakit biglang nabaliktad ang sitwasyon.
"I was supposed to meet Mr. Demarcia, kaya hindi kita pinasama dahil lalaki 'yun!" Depensa ng binata.
Napaingos siya. Tila bingi sa depensa nito.
"Ha, baka naman hinihintay mo talaga na umabot ang paa ni Glenda sa pagkalalaki mo!" Pahayag pa niya.
Napailing ang binata at pinagbuksan lang siya ng pinto.
"Get inside. Masyadong mainit ang ulo mo. Buntis ka ba?"
Her eyes widen on what he said. Agad niya itong natampal sa dibdib.
"Hey, you don't just hit your boss!"
"I'm not pregnant! Gosh!" Muli niyang inirapan ito saka pumasok na sa kotse.
Napanguso na lang siya sa inis at pinagkrus ang braso sa harap ng dibdib. Nasa kandungan naman niya ang iPad.
"Why are you so mad? Nagseselos ka ba?"
Nang-aasar ba ito? Mas lalo lang nagpuyos ang damdamin niya. Hindi siya nakaimik.
Quatro smirk humorlessly. Nawala ang buhay sa mata nito.
"You're jealous? May I remind you that you left me, Carnation Margaret. My life didn't stop when you left and it'll continue again when you came back. Marami ng nangyari. You cannot just expect me to stay where you left me and do nothing." He said coldly.
Tila may pumiga sa puso niya ng marinig ang salitang 'yun sa binata. Alam niya, alam naman niyang maraming posibleng mangyari. Naisip na rin iyon, nasaktan siya sa isipang 'yun.
Pero ngayong sinabi na talaga sa kanya mismo ng harapan, na tila ba sinampal siya ng katotohanan na siya itong nang-iwan, at tila pinapahiwatig nitong wala na siyang mababalikan.
Hindi siya nakaimik. Binaling na lang niya ng tingin sa labas ng binata. Pinigil niyang maluha.
Nang makarating sila sa kompanya nito ay walang sabing lumabas siya sa sasakyan nito. Quatro didn't stop her. Agad siyang lumisan, pumara siya ng taksi para makaalis sa lugar na 'yun.
Nang makapasok siya sa taxi ay doon na bumuhos ang luha sa mata niya. Wala na siyang pakialam kung magmukha siyang tanga na humagulhol.
"Saan tayo, Ma'am?"
Suminghot siya at pinahid ang luha sa kanyang mata.
"K-kahit saang coffee shop, Manong."
"Ouch. Grabe ka naman sa Manong."
Napaangat siya ng tingin dito. Napakunot ang noo niya ng makitang binata pala ang driver, mukhang ka-edad siguro ni Quatro.
"W-who are you?"
Magkakilala ba sila? Mukha kasing magaan ang pakikitungo nito sa kanya.
"Hala, interesado ka sa 'kin, Ma'am? Hindi pwede, loyal ako sa crush kong si Chanel Hope."
Mas lalong kumunot ang noo niya.
"What? I'm not interested. And don't tell me the Chanel Hope you're talking about is the lady Benjamin?"
Ngumisi lang ang binata sa kanya.
"Max Sebastian at your service, Ma'am."
Agad na kumunot ang noo niya. Sebastian? Is he related to Mox?
"Ka-ano ano mo si Mox?"
Agad na gumusot ang mukha nito.
"Ah, 'yung Englisherong 'yun? Half-kapatid ko."
"Really?" Gulat na tanong niya.
Tumango ito.
"So, it means you're also half-brother of the Magnus Sebastian? Tatlo kayong magkapatid?"
Napangisi lang ito at napailing.
"Marami kami."
Nagkibit balikat na lang siya. Bahagya siyang kumalma dahil sa pakikipag-usap sa kanya ni Max. He's so playful pero hindi naman siya nilalandi nito, anito pa ay loyal daw ito sa crush nitong suplada.
Sa wakas ay tumigil na ang taxi sa harap ng isang cafe. Nagbayad siya at binigyan pa niya ng tip ito.
"Thanks, Max. Sana magkatuluyan kayo ni Chanel Hope."
"Hay, magdilang anghel ka sana." He sighed dreamingly.
Napailing na lang siya saka sinara ang pinto. She walks inside the cafeteria and was shock upon seeing Cinco there.
"Cinco!" She tried to sound cheerful, and hopefully Cinco won't notice her red eyes.
"Hello, Carma. Naging adik ka na ba? Bakit pula ang mata mo?" Bati nito sa kanya pabalik.
Agad siyang napangiwi.
"No..uhm, napuwing lang." Palusot niya.
"Ay, grabe namang puwing 'yan. Ano bang alikabok ang pumasok sa mata mo at bakit mukhang si Quatro?"
Gosh, mas malala pa siguro si Cinco sa kapatid nito.
Tumikhim si Cinco at nagseryoso. Sinenyasan siya nitong sumunod paupo sa pandalawahang mesa sa may sulok.
"You've been crying?" Tanong nito.
Tumango siya.
"Did he say mean words?"
Muli siyang tumango. Paano nito nalaman agad? Dahil ba kambal niya ito? May connection ang utak nila ganoon?
Cinco sighed.
"Pagpasensyahan mo na. 'Nung umalis ka alam naming nasaktan 'yun, pero alam mo ba, hindi siya nagwala, hindi siya naglasing o hindi siya umiyak. Siguro naglasing rin siya at umiyak matapos kayong maghiwalay but after that? Ewan, 'yung gagong Quatro parang ang hirap hagilapin." Pagkukwento nito.
Her heart ached on that. He suffered one week, and after that wala na? Does that mean...he move on easily?
"Oi, huwag ka munang malungkot. Hindi naman por que't nakabawi agad ay nagmove on na. 'Yan din ang akala namin 'nung una, lalo pa't parang bumalik na siya sa dati minus sa pagiging gago. Ayon, nagsipag, tinapos ang pag-aaral na may mga medalya. Nakapagpatayo ng kompanya pero meron siyang ginawa na siyang nagpagulat sa 'min, at doon namin na nalaman na, he was done drowning himseld in sadness because he's striving to be better...for you."
"W-what do you mean?"
Napatingin si Cinco sa relo nito.
"Oh, just on time."
Nagtaka siya sa sinabi nito pero hindi na lang siya umimik. Cinco pointed the entrance of the café, and there he saw Quatro, together with a couple.
Hindi siya napansin ng binata dahil nasa sulok at tago silang parte ni Cinco. Kausap ni Quatro ang dalawang magkasintahan na mukhang magkagalit sa isa't-isa.
"That was his other job on the past three years, fixing another's relationship who's in the verge of breaking up."
"W-what..."
Ngumiti si Cinco sa kanya.
"Gago siya dati kasi naninira siya ng relasyon. For him, kaya kayo nagkahiwalay dahil karma niya 'yun sa mga sinira niyang relasyon. So, he started counseling and give advises for those couples who are in a fight."
H-he did that?
"Ang dating naninira ng relasyon, siya naman ang taga-ayos ngayon."