"Carma..." Tawag niya sa dalaga ng lumabas ito ng gate sa university.
Nagulat ang dalaga na napalingon sa kanya but she keep her composure.
"Bakit?"
"Flowers for you." Aniya sabay abot ng mga bulaklak sa dalaga.
Nakita niya ang pagkagulat sa mga mata nito at ng pagpula ng pisngi pero agad na tumikhim ang dalaga at umiwas ng tingin.
"P-para saan 'yan?"
"Ligaw. Liligawan kita." Aniya at kinuha ang kamy nito para ilagay doon ang bulaklak na alay niya. Nag tagal kasing tanggapin na ngangalay na ang kamay niya.
"Bakit?"
Agad na kumunot ang noo niya.
"Anong bakit? Liligawan nga kita. Kaya tayo na."
Agad siyang napangiwi ng makatanggap siya ng batok mula rito. Napanguso siya at hinimas ang natamaang batok.
"Alam mo ang sadista mo!" Nakangusong saad niya sabay himas sa batok.
"Nananakit talaga ako sa mga pa-fall," sabay irap nito sa kanya.
"Grabe, pa-fall agad? 'Di pwedeng assuming ka lang?" Pang-aasar niya rito.
Hindi talaga kompleto ang araw niya kung hindi niya napipikon ang dalaga.
Agad siyang tumakbo ng habulin siya nito. Jusko naman, hindi pa nga sila battered boyfriend na siya!
CARMA keep on glancing at Quatro who's driving. He's smiling like something good happened.
Hawak niya ang bulaklak na bigay nito. Kung pwede lang amoyin ay ginawa na niya pero nahihiya siya sa binata.
"Saan galing 'to?" Taning niya para may mapag-usapan sila.
"Sa may lamay."
"Ano?!"
"Oo, may libing kasi kanina kaya nanghingi ako---aww!" Napaigik ito ng pagpapaluin niya ito sa braso.
"Gago ka talaga kahit kailan, Quatro!"
"Eh, ayaw mo 'nun? Galing 'yan sa patay, ibig sabihin lang ay patay na patay ako sa 'yo." Depensa pa ng binata.
"Eh, kung patayin kita?" Mataray na sabi niya rito.
"Huwag. Maaga kang magiging byuda 'nyan."
Hindi na lamang siya umimik sa tindi ng pagkainis. Alam na alam talaga nito kung paano siya pikonin.
"I'm just kidding, sweet. It's from the Benjamin's garden." Sa wakas ay nagseryoso na ang binata.
"Talaga?" Paninigurado niya. Baka ginagago na naman siya nito.
"Yuh. That's the Queen's favorite flower." Saad pa ng binata.
"Bakit ito ang napili mong ibigay sa akin?" Nagtatakang tanong niya.
Hindi pa siya nakakapunta sa Benjamin Palace. Tanging sa bahay pang siya ng binata nakakpunta dahil close ang mommy nito at mama niya.
"The Queen's will is to pick a flower from the garden and gave it to someone special." Anito, walang halong biro.
Lihim siyang napasinghap sa sinabi nito.
Does it mean...
"I-i'm special?"
"Oo, special child." Nakangising saad nito. Muntik na niyang masapak ang binata.
Matiwasay na nakarating sila sa bahay niya. Kahit hindi niya inimbita si Quatro papasok ay pumasok ito.
"Salamat sa paghatid, makakauwi ka na."
Napasimangot ang binata.
"Hindi mo man lang ba ako tatanungin? Kung gusto ko ba ng coffee, tea..or you."
"Okay, may lason ba o wala?"
Mas lalong napasimangot ang binata.
"Oh, you're home, Carma." Napalingon sila sa ina niya na papalapit sa kanila.
"Ma," lumapit siya para sana magmano pero naunahan siya ng pabibong Quatro. Nagmano ito saka humalik sa pisngi ng ina.
"Tita, you're looking great! Parang magka-age lang kayo ni Carma, ah." Pambobola pa ng binata.
Nagpapa-good shot ba ito?
"Naku, hijo. Masyado na kong matanda para sa pambobola."
Eksaheradong kumunot ang noo ng binata.
"Anong matanda? Naku, papasa pa nga kayong teenager niyan. Kahit si Tito ay binabakuran ka pa rin hanggang ngayon."
Humalakhak ang ina niya sa pinagsasabi ng binata. Tila aliw na aliw ito kay Quatro.
"Nagpapa-good shot ka ba, hijo? Pinopormahan mo ba 'tong si Carma ko?"
Napakamot ng batok ang binata at kiming ngumiti.
"Iyon na nga po, Tita. Sinamahan ko pong magpaalam si Carma na manghingi ng permiso na ligawan ako."
Kating-kati siyang batukan ito. Kung hindi lang dahil sa ina ay bakankanina pa sila nag-wrestling.
Muling natawa ang ina saka napailing. Bakit sa iba ay nakakatawa ang biro ni Quatro tapos sa kanya ay nakakapikon?
"Loko-loko ka talagang bata ka, kaya itong si Carma ay palaging mainit ang ulo sa 'yo." Naiiling na wika ng ina.
"Pinapainit rin niya ang ulo ko, Tita." Anito sabay sulyap sa kanya.
Pinandilatan niya ito ng mata para maghunos-dili sa kaharutan nitong nasa harap pa mismo ng ina.
Lumapit siya at nagmano saka humalik sa pisngi ng ina.
"Si Quatro, Ma. Gusto raw niyang maging dishwasher natin." Pakilala niya sa binata.
"W-woi! Hindi, Tita. Liligawan ko po si Carma. Actually, ako na nga lang po ang nagpumilit na ligawan siya kasi itong anak niyo po gusto na kami agad----aww!"
Kinurot niya ito sa tagiliran dahilan para mapaiktad ito.
"Tita, oh, nananakit na itong anak niyo. Pero Tita, salamat ah?"
"Para saan, hijo?"
"Dahil binuo niyo si Carma para sa akin. Nag-abala pa talaga kayo."
Her mother heartily laugh on that.
Napailing na lang siya sa kapilyuhan ng binata.
"Dito ka na magdinner, hijo. Hihintayin na lang natin si Carlos, at ng makilatis niya itong manliligaw nitong unica hija niya." Sabi ng Mam niya.
Nakaramdam siya ng kaba. Strikto pa naman ang Papa niya, pati Kuya niya. Baka hindi-an nito si Quatro, alam pa naman ng mga ito kung gaano kapilyo itong si Quatro. Sa pagkakalam rin nila ay kaibigan niya lang ito pero alam rin ng dalawa na may gusto siya sa binata at nasaksihan pa nito na minsan na niyang iniyakan si Quatro.
"Sige po, Tita. Sana ay aprubado kay Tito." Hindi niya alam kung nahihimigan niya ng kaba ang boses ng binata o siya lang nag-iisip ng ganoon.
"Paano kung ayaw sa 'yo?"
"Ah..pilitin pa rin."
Natawa muli ito.
Bumukas ang pinto at napalingon sila roon. Pumasok ang Papa niya na may dalang supot ng jollibee. Agad na nagningning ang mata niya.
"Is that for me?" She excitedly asked her father and run towards him.
"No, it's for your mother but since marami naman---oh, Quatro, napadalaw ka."
Magalang na ngumiti si Quatro saka nagmano sa Papa niya. Napatikwas ang kilay nito, nabigla sa ginawa ng binata.
"Jollibee, Tito? Favorite rin ni Mommy 'yan."
"Yeah, she told us that, kasi bida raw ang saya." Singit naman ng Mommy niya.
Mahinang natawa ang binata.
"Akala ko nga nasa Jollibee ang saya, nasa anak mo pala, Tita."