Chapter 3
AMIRA POV
"Nay Anji! Kumusta namo diri? Dugay nako wala ka kita nimo. (Nay Anji! Kumusta na kayo rito? Matagal ko na kayong hindi nakikita)" May sinabi si Chum sa matanda na hindi ko rin maintindihan.
Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Napakunot-noo ang matanda. "Nganong kaila ka nako day? (Bakit kilala mo ako iha?)" takang tanong nito.
Nagpipigil ng tawa si Chum ng sabihin 'yon ng matanda."Hayts. Wala naka kaila nako Nay Anji? Ako ni si Savsav. (Hayts. Hindi niyo na ho ba ako kilala? Ako ito si Savsav)" saad naman ni Savina. Sandaling natahimik ito at mukhang nagisip-isip pa ang matanda.
Napatawa ito ng may maalala. "Ay ouh Savsav! Kumusta naman? Wala naman ko kaila nimo oy kay ni samot man ka og kagwapa bata-a ka. (Ay Oo Savsav! Kumusta na? Hindi na kita halos makilala oy dahil mas lalo kang gumanda bata ka)" sabi din ng matanda kay Chum nang maalala nito.
"Ay grabe ni gwapa jud diay ko Nay? Hahaha. Si Amira diay ni akong amiga gikan sa Manila mao ng wala siya kasabot nimo. (Ay grabe ang ganda ko na talaga Nay? Hahaha. Si Amira pala ito kaibigan ko mula siya sa Manila kaya hindi siya nakaka-intindi sa 'yo) " saad ni Chum at tinuro ako sabay banggit ng pangalan ko kaya ang hinuha ko ay pinapakilala ako ni Chum sa matanda. Ngumiti nalang ako. Tumango-tango naman ang matanda.
"Chum ito naman si Nay Anji ang pinakaclose kong kapit-bahay at parang nanay ko na rin." Tumango-tango rin ako.
Tumingin ako kay Chum 'yong tingin na Anong-sasabihin-ko-look.
Tumawa naman ito saka ako tinuruan. "Sabihin mo Maayong Udto ug nalipay ko nga makaila ka. (Sabihin mo Magandang tanghali at masaya akong makilala ka)" turo niya sa 'kin.
"Ma-maayong u-udto u-ug na-nalipay ko nga ma-makaila ka Nanay Anji. (Ma-magandang ta-tanghali a-at ma-masaya akong ma-makilala ka Nanay Anji)" utal-utal kong sabi. First time ko kasi 'tong magbibisaya. Bakit ba kasi hindi ko naisip na iba 'yong lenggwahe nila rito at hindi ako nakapagpractice kahit na 'yong mga common lang.
"Maayong udto pud day Amira gwapa kaayo ka day. (Magandang tanghali rin sa 'yo Amira Iha sobrang ganda mo)" saad niya ng nakangiti."What's the meaning? I don't understand." Bulong ko kay Chum.
"Ang sabi niya good afternoon din Amira at maganda ka raw." Pagpapaliwanag niya. Ahh tumango-tango ako at saka sumagot.
"Salamat po." pagpapasalamat ko.
"Ma, ali na mokaon nata kay gutom na kaayo ko. (Ma, halina kakain na tayo nagugutom na talaga ako)" may biglang sumulpot sa gilid ni Nanay Anji at base sa kilos at pananalita niya ay masasabi kong bakla siya.
"Hoy! Ikaw! Gurlllll..." biglang sigaw ni Chum habang itinuro niya ang bakla na nasa harap niya.
"Me?" Tanong pa ng bakla at itinuro ang sarili. Lingon pa siya ng lingon sa likuran niya at ng mapagtanto na wala pa lang tao sa likuran niya ay bumalik sa harapan ang tingin niya. Tinaasan niya ng kilay si Chum. Napatingin naman ako kay Nanay Anji na nagpipigil ng tawa at napapailing sa ikinilos ng anak.
"Ako jud? Excuse me don't you dare call me gurl your not part of Gurl Group." mataray na saad ng bakla.
"Hey! Pati ba naman ikaw hindi mo na ako kilala? JOHN PONTE a.k.a. JOAN PONTE?" mataray din na usal ni Chum kay John ay este Joan pala.
Nanlaki naman ang mga mata ni Joan. "Savsav gurl?" gulat na ani Joan at saka nagyakapan ang dalawa na may pa talon-talon pa. Nang makontento ay tumigil na sa pagtalon-talon at kumalas na sila sa yakapan.
"Kinsa siya Savsav?" (Sino siya Savsav?) saad ni Joan ayan na naman tayo sa bisaya na 'yan.
"This is my bestfriend Amira. Chum this is John Ponte~" hindi natapos ni Chum ang pagsasalita dahil sumabat si Joan. "It's Joan gurl." Pagtatama ni Joan sa sinabi ni Chum.
"Okay! Okay! Joan PONTE anak siya ni Nanay Anji." Pagtutuloy ni Chum. Ah Oo nga nalaman ko kanina kasi tinawag niya si Nanay Anji na Mama.
"Nice meeting you Ami gurl and welcome to our Gurl Group." saad niya sa 'kin. Gurl Group?
"Nice meeting you too Joan pero teka ano 'yong Gurl Group?" takang tanong ko.
"Pangalan lang 'yan ng grupo namin as a friends." Tumango-tango ako, ah akala ko kong ano 'yon. Kaya pala tinawag niya akong Ami Gurl at si Savina naman ay Savsav Gurl.
"Tag-anon nako dili siya makasabot og bisaya noh? (Hulaan ko hindi siya makakaintindi ng bisaya hindi ba?)" Tanong ni Joan kay Chum.
"Yup." sambit naman ni Chum.
"Ahh okay." Tumatangong sabi ni Joan. "Huwag kang mag-alala Ami gurl tuturuan ka namin paano magbisaya." saad ni Joan.
"Okay, salamat." Nakangiting pagpapasalamat ko naman sakaniya buti naman at tuturuan nila ako kong paano magbisaya.
"Sorry day Amira kay dili man pud gud ko kahibaw kaayo sa tagalog mao ng magbinisaya nalang ko." may sinabi si Nanay Anji pero hindi ko naman maiintindihan. Kaya tumingin nalang ako kay Chum. Sasagot na sana si Chum ng sumabat naman si Joan. Naparoll-eyes na lamang si Chum at hinayaan si Joan.
"Ang sabi ni Mama ay sorry Amira Iha kasi hindi naman ako masiyadong marunong magtagalog kaya parati kaming makakapagbisaya. Iyan Ang sabi ni Mama." sabat naman ni Joan. Napangiti naman ako sa narinig ko.
"Ay nako okay lang po para na rin po na may alam na akong bisaya. Salamat po sa concern." Nakangiting sabi ko kay Nanay Anji.
"Walay sapayan. (Walang anuman)" Nakangiti ding sambit ni Nanay Anji sa 'kin.
"Ay teka asan si Harrah at Mikko ay este Mikka? Tanong ni Chum.
"Hay nako parang di mo 'yon kilala 'yong dalawang magkapatid na 'yon edi nasan pa? Sa balay nila nagpaputi."
"Balay? Bahay ba iyon?" Tanong ko.
"Correct ka Ami gurl tara na." Ani Joan at pumunta na kami sa bahay nina Joan.
Tatlong bahay lang ang nalagpasan namin at nakarating na kami sa bahay nina Joan. Simple lang din ang bahay nina Joan, hindi din ito masiyadong maliit at malaki, sakto lang din ang laki nito pero wala itong second floor.
BINABASA MO ANG
Our Beautiful Connection (On-going)
RomancePara sa mga ina ang pinakamasayang nangyari sa buhay nila ay ang magkaroon ng anak sa unang kita palang nila sa mukha ng mga anak nila ay para itong anghel na ipinababa sa langit. Pero gano'n din ka sobrang sakit sakanila ang mawalan ng anak dahilan...