Chapter 15
SAVINA POV
Tumingala ako sa mataas na mall sa harap ko. Ang Manda Mall. Bumuntong-hininga muna ako at napakapit sa strip ng shoulder bag ko, sa kaliwa naman ay bitbit ko ang brown envelope na mayroon ng resume ko.
This is it Pancit Canton!
Ay teka! Hindi ko pa pala alam saan ang office ng Boss nila rito. Sino kaya ang mapagtatanong ko rito? Ipinalibot ko ang tingin ko sa paligid. Ah ayon may saleslady! Lumakad ako patungo sa saleslady nakatalikod ito sa 'kin kaya tinawag ko ito.
"Ah Miss ..." tawag ko sakaniya. Lumingon na ito sa 'kin ng may ngiti sa labi. Woah! Masasabi ko talaga na ang ganda niya.
"Good morning Ma'am... How may I help you?" tanong nito sa 'kin. Palangiti siya.
"Ahm Good morning din sa 'yo. Asa dapita ang office sa inyong Boss? (Saan dito ang office ng Boss niyo?)" nakangiti ko ring tanong sakaniya. Feeling ko kasi nakakahawa ang palangiti niya kaya siguro ako ngumingiti ngayon.
"You mean Mr. Herero? Ngano man? (Bakit po?)" magalang at nakangiti paring tanong niya sa 'kin.
" Nahibaloan man gud nako nga naa silay hiring para sa mga gustong mo-apply og secretary. (Napag-alaman ko kasi na meron silang hiring para sa mga gustong mag-apply bilang secretary.)" sagot ko naman.
"Ahh okay... Yes naay hiring. Please follow me Ma'am."
Lumakad na ito patungong elevator kaya sumunod na rin ako sakaniya. Nang nasa harapan na namin ang elevator ay pinindot niya ang button doon at naghintay kami ng mga ilang minuto. Hanggang sa bumukas na ito at pumasok na kami rito.
Pinindot niya ang may number na button. Sandaling tumahimik sa loob ng elevator pero mayamaya ay nagsalita ang saleslady. Kaya lumingon ako sakaniya.
"By the way, anong pangalan-" magtatanong pa sana siya kaya lang hindi niya tinuloy. "Ah I mean-" hindi ko na siya pinatuloy sa pagsasalita.
"Marunong din akong magtagalog nakatira rin ako for 3 years sa Manila." nakangiti kong saad sakaniya. Tumango naman siya.
"Ahh... Sorry hindi ko sinasadyang parang pagmukhain kang parang hindi mo alam kung paano magtagalog. Na sanay na kasi ako na magtagalog. Sorry talaga." Sincere na paghingi niya ng tawad.
"Ano ka ba, okay lang kaya noh?" mahina akong natawa dahil sa pagkamasyadong sincere niya."Puwede bang magtagalog nalang tayo nasanay na kasi ako magtagalog. Doon na kasi ako nakatira dahil nandoon ang Dad ko sa Manila. 15 years din akong nakatira do'n pagkekwento niya. Pareho pala kami kasi ako malapit na sana akong hindi marunong sa pagbibisaya eh.
"Gano'n ba oh sige. Ano nga pala iyong itatanong mo? " ako na ang nagtanong sakaniya baka kasi nakalimotan na niya 'yung itatanong sana dapat sa 'kin.
"Ah... Oo nga nawala sa isip ko." mahina siyang natawa.
"Anong pangalan mo?"
"I'm Savina. Ikaw ang pangalan mo? tanong ko pabalik sakaniya. "Natasha," Inilahad niya ang kamay niya. Kinuha ko naman ito.
"Nice to meet you Natasha." nakangiti kong saad. Masasabi kong mabait siya. Mabuti naman at may makikilala ako rito, kahit papaano kapag natanggap ako bilang secretary ng boss nila.
"Nice to meet you too, Savina," nakangiti niya ring sabi. Napansin ko lang parati siyang ngumingiti siguro palangiti lang siya at sanay na sanay na. Perfect siyang maging artista or model. Kasi matangkad, maputi, maganda at maganda pang ngumiti. Nako siguro pagmag-o-audition or apply siya as a model, hindi pa nga nakakapag-introduce pasok na siya panigurado.
Naalala ko tuloy si Chum pangarap niya rin kasing maging model o artista.
*ting*
Bumukas na ang elevator at lumabas na rin kami. Ang laki naman ng office ng boss nila? Halatang mayaman nga.
Naglalakad kami sa hallway. May nakakasalubong kaming mga tao na napapatingin sa amin ay hindi, kay Natasha lang pala. Mayroong nagpapapicture sakaniya or nagpapaautograph kaya napapahinto rin kami. Mayroon ding bumabati sakaniyang good morning Ma'am Natasha. Bakit kaya? Bakit kaya Ma'am? Pero teka ganoon ba talaga? Makakapagpasikat ba ang pagiging magandang saleslady? Kung ganoon man... Edi kailangan ko na bang magsaleslady instead of being a secretary nalang? Total maganda rin naman ako.
Huminto kami sa may kalakihang gray na pintuan. "Hey, I'm here with your new secretary." salita niya sa intercom. Napatingin ako kay Natasha, kung makapagsalita kasi siya sa boss niya ay parang kaibigan lang, kasi ang casual.
"Just open the door Tasha!" rinig kong sabi naman ng lalaki sa intercom. Siya siguro ang boss ni Natasha. Binuksan ni Natasha ang pintuan at pinapasok ako bago ito isinara alangan namang dito lang ako sa labas.
Tumambad sa amin ang isang lalaking... Oh! Wow! Ang gwapoo... Kung ganito ba naman ang magiging boss ko eh paniguradong hindi ako magpapalate at magiging inspiration ko pa si Sir. Oh 'di ba? Nakakasweldo ka pa, makakasama mo pa ang ganitong kagwapong boss.
Napatitig ako sa gwapong mukha ng magiging boss ko sobrang gwapo talaga hindi ko mareach char lang. Seryoso itong nagbabasa sa mga papeles na nasa harapan niya tapos naka-eyeglasses pa na nakapagpadagdag ng handsome face niya. Mukha siyang nerd na... na... Na gwapo na nerd.
"Savina!" napaigtad ako at napatingin kay Natasha.
"Ah ano 'yon?" Napatingin din ako sa magiging boss ko ngayon ay hindi na siya nagbabasa kasi nagyon nakatingin na siya sa 'kin. May advantage at disadvantage ang pagtatrabaho ko rito. Ang advantage ay makakasweldo pa ako at makakasama ko pa parati ang boss kong sobrang gwapo. Ang disadvantage naman—
"You're spacing out again." mahinang tumawa ang boss ay este magiging boss kong sobrang gwapo. Ang ganda ng tawa niya gosh. Ilang beses na ba akong parating nagsasabi ng gwapo?
"H-huh?"
"Sit down," so ayon nga umupo ako. Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo noh? 'Yung tungkol sa disadvantage... Ito nga ang disadvantage ay dahil sa mga ngiti ng boss kong gwapo ay para na akong ice na binilad sa mainit na araw dahil feel ko para akong matutunaw.
"Ow, I have to go. Bye!" Huh? Nandito pa pala si Natasha bakit hindi ko naramdaman 'yun?
"Thank you for accompanying her to my office, Lil Sis." Ma-magkapatid sila? Ka-kaya pala ginagalang siya ng mga nagtatrabaho dito sa mall na ito. Pero how about sa pagpapapicture at pagpapaautograph ng mga tao sakaniya? Pero lintek na talaga, napagkamalan ko pa si Natasha na saleslady. Iyung sout kasi niya eh, pangsaleslady. Dapat pala tatawagin ko siyang Ma'am Natasha.
"Give me your resume." salita ng kaharap kong sobrang gwapo slash magiging boss ko kung sakaling matanggap man ako. Dali-dali ko namang ibinigay sakaniya. Ay teka bakit parati ko nalang pinupuna ang lalaking 'to? Eh dapat nga magdasal ako na sana matanggap ako eh. Ayan kasi landi inuuna mo Savina. Dapat magfocus ka na para kay Chum at Baby.
BINABASA MO ANG
Our Beautiful Connection (On-going)
RomancePara sa mga ina ang pinakamasayang nangyari sa buhay nila ay ang magkaroon ng anak sa unang kita palang nila sa mukha ng mga anak nila ay para itong anghel na ipinababa sa langit. Pero gano'n din ka sobrang sakit sakanila ang mawalan ng anak dahilan...