Chapter 17

1 1 0
                                    


Chapter 17

AMIRA POV


Nagluluto ako ng piniritong itlog para sa tanghalian ko.

"I'M HOME!!!" Malakas na sigaw ng isang babae. Sino pa nga ba ito? Ini-off ko muna ang stove at inihain na ito sa plato. Nang matapos ay sinalubong ko si Chum.

"Ackkk..." tinaasan ko ito ng kilay dahil sa inasta niya. Bakit pulang-pula ng pisnge ng babaeng ito?

"Oh ano raw nangyari sa 'yo?" pang-uusisa ko naman. Nacu-curious din kasi talaga ako dahil minsan lang magkaganito ang bestfriend ko.

"Yiieee..." kinikilig pa rin siya. Inilagay niya muna ang shoulder bag niya sa sofa at uupo na sana pero pinigilan ko.

"Chum do'n ka nalang sa dining chair umupo para makakain ka na." pigil ko, mabilis naman siyang pumunta sa kusina kinikilig pa rin siya. Naiwan naman ako rito sa sala na nacu-curious pa rin. Ano nga kayang nangyari sa bestfriend ko? Nakapaghanap na ba kaya iyan ng trabaho?

Pagpunta ko sa kusina ay nakita ko na siyang kumakain na, kanina pa siguro gutom. Tumabi naman ako sakaniya at nagsandok na rin ng ulam at kanin at saka nag-umpisa na ring kumain. Maya-maya pa...

"Chum jsjdjd jdjdjd jdkdk..." wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Nagsasalita kasi siya na puno ang bibig niya ng pagkain. Tanging naintindihan ko lang ay CHUM.

"Chum h'wag ka ngang magsalita na puno 'yang bibig mo." saway ko sakanya. Tahimik na siyang ngumunguya. Kumain na rin ako hanggang sa matapos kaming kumain. Inilagay na niya ang mga hugasin namin sa lababo at hinugasan ito, ako naman nakaupo lang. Nakikinig at nakatingin lang ako sa mga sinasabi at ikinikilos niya. Kinikilig talaga siya.

"Chum~ Bonggang-bongga talaga ang pag-apply ko do'n sa Manda Mall. Alam mo bakit?" tumigil naman siya sa paghuhugas at lumingon sa 'kin.

"Bakit?" tanong ko naman sinakyan ko na, curious nga kasi talaga ako.

"Eh kasi may na meet akong isang babae at kapatid ng Boss ko sobrang ganda na napagkamalan ko pang saleslady na famous model at artista pala."

"Te-teka model at artista? Totoo? At saka famous pa?" gulat kong tanong. Omegosh gustong-gusto ko talaga maging isang model at artista ito kasi ang pangarap ko. Gusto ko ring makakita ng kahit isang model o artista man lang. Ewan ko ba kung bakit gusto-gusto ko.

"Oo Chum tapos ano... Ay Oo kapag may time ako ipapakilala kita kay Natasha." nakangiti niyang saad.

"S-si Natasha? Natasha Fortes? gulat na naman ako dahil sa sinabi niya.

"Oo, bakit? Kilala mo siya? Ako kasi hindi, nalaman ko lang na famous siya kung hindi sinabi ni Boss kanina." saad ni Chum habang nagbabanlaw na ng mga plato.

Tumango naman ako, "Oo kilalang-kilala ko siya. Sobrang ganda nga ni Natasha eh. Kapag may fashion show nga siya parati nga akong nanonood eh, at saka kilala ko rin ang boss if hindi ako nagkakamali si Lawrenz Fortes 'di ba? Ang boss mo?"

"Ay maniniwala na talaga ako na kilalang-kilala mo na sila Boss."

"Excited na tuloy ako Chum na ipapakilala mo na ako kay Natasha." masayang-masaya na pagkasabi ko sakaniya.

Naalala ko pa noon no'ng hindi pa siya masyadong sikat na model pero fan na fan pa rin ako sakaniya. Sobrang ganda at magaling pa siyang umarte kaya simula no'n naging fan na ako. College pa no'ng time na 'yon.

"Chum 'yung kuya ni Natasha slash Boss ko ay sobrang gwapo noh? Yiieee..." bumalik na naman ang pagiging pagkakilig niya. Siguro dahil sa Boss niya?

"So natanggap ka Chum?" tanong ko.

"Yep."

"Hulaan ko dahil sa Boss mo noh? Kaya ka kinikilig ngayon." tumayo ako at lumapit sakaniya siya naman nag-aarrange na siya ng mga plato, sa lagyanan nito. Tiningnan ko ang mukha niya at nakita kong namumula ang mga pisnge niya.

"Hahaha may crush ka sa Boss mo?" tumatawang tanong ko naman.

"Ahm... Parang gano'n nga siguro?" patanong niyang sagot. Tinaasan ko naman siya ng kilay sa sagot niya.

"Anong siguro? May crush ka na oi sa Boss mo. Sa parating pagkakilig at pagpupula ng mga pisnge kapag pinag-uusapan natin siya. Hindi pa ba crush 'yon? Sana lang makapagtrabaho ka pa ng maayos do'n hahaha. Goodluck Chum." pang-aasar ko pa.

Nagpout naman siya. "Goodluck nga sa 'kin." Parang ang hirap naman no'n. Baka kasi parati nalang matutulala si Chum kapag makikita o makakaharap niya ang Boss niya.


*•~~•*

AZURE POV

"Bro ano ka ba naman, alam mo namang hindi mo na matatawagan si Amira eh." kanina pa siya salita nang salita. Parati kasi akong tumatawag sa number ni Amira pero hindi niya  ito sinasagot. Ano ba kasi ang nagawa ko? Puwede naman namin itong pag-usapan 'di ba?

"Bro, you're such a waste. Sobrang kalat na rito hindi mo ba alam?" saway niya sa 'kin. Napatingin tuloy ako sa paligid at Oo nga ang dami ko nang kalat can of beers and plastics are everywhere.

"Ako na naman ang maglilinis nito." naiinis niyang sabi sabay kuha ng mga can of beer at plastic.

"Bro, can you just move on kay Amira? Marami pang ibang babae na nagkakagusto sa 'yo. Why don't you just go in the club and enjoy. Yeah, alam ko na hindi ko alam ang dahilan ni Amira bakit ka niya iniwan pero sana naman h'wag ka nang magmukmok d'yan. Ako ang nahihirapan sa 'yo eh. Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na pumunta ka nalang ng club dahil alam kong mag-e-enjoy ka roon." hindi ako nagsalita at uminom lang ng isang beer.


"Sa susunod wala na talaga akong pakialam kahit ano pang gawin mo o magkalat ka rito. Basta ako happy-happy lang pupunta na ako sa paborito kong club, mag-isa ka rito." lumabas na siya. Hindi ko alam kung paano kami nagkakabestfriend no'ng lalaking 'yon. We're very different when it comes to a relationship. He really attached to women and he had many flings, girlfriends, exes, while me I just only have Mira.

Mira is my first love and my last but now I don't know what to do, now that she leaved me. Without any my permission. I really really love her so much.

Our Beautiful Connection (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon