Chapter 36
SAVINA POV
Umuna na akong bumaba para kumain susunod lang naman si Chum sa 'kin. Hindi pa kasi tapos magbihis.
Nang makapunta sa dining ay nakita ko ang Daddy ni Amira na hindi pa kumakain siguro ay hinihintay niya pa kami.
“Good morning po.” bati ko sakaniya at umupo.
“Good morning too Savina.” bati niya rin pabalik sa 'kin.
“Savina,” pagtawag niya sa 'kin kaya tumingin ako sakaniya. “Bakit po?”
“How are you? Hindi na kita madalas nakikita.” nahihiya kasi ako sakaniya kaya minsan doon nalang ako sa bahay na nabili ni Chum mag-stay. Kahit si Chum hindi alam dahil sinisekreto ko lang sakaniya at busy din siya.
“Don't be shy Savina. I can be your father from now on.” ngumiti siya. Napangiti tuloy ako sa narinig. “You care and love my daughter so much. Bilang pasasalamat ko sa lahat ng ginawa mo para sa anak ko ay ituring kang anak ko na rin at isa pa Tito mo ako.” I'm very happy, of course. Sino ba namang hindi? Minsan kasi napapanaginipan ko si Papa kaya nami-miss ko na siya, silang tatlo ni Tita Kaira. Ngayong may maituturing na akong tatay ay parang nabuhay lang si Papa ulit.
“Salamat po.” nakangiti kong pagpapasalamat.
“Hindi ka rito tumitira?” galit na umupo si Chum sa harapan ko. Galit din siyang tumingin sa 'kin. Umiwas ako ng tingin sakaniya.
“Ang akala ko rito ka natutulog pero malalaman ko nalang na hindi pala?” sermon niya sa 'kin. Mas lalo tuloy akong nahihiya, nasa gitna panaman ang Daddy niya.
“Amira calm down. Alam ko rito na matutulog si Savina. She's just shy to move in here.” tumingin siya sa 'kin at ngumiti. Amira sighed heavily. Kumain na kami.
•~~~••~~~•
Hindi ko pa nasasabi kay Chum 'yong tungkol sa may anak na si Azure dahil alam kong ayaw niyang pag-usapan ang ex niya. Ayaw ko rin namang masaktan siya, siguro hindi pa siya nakakamove -on sa ex niyang 'yon. I tried to partner her to her co-actor which is si Kryve. Wala namang masama dahil single si Chum at single rin si Kryve, guwapo, mayaman, mabait at halatang may gusto sakaniya.
Who would have thought? Amira and I are not just bestfriends but also cousins. Noong nalaman ko na siya pala ang matagal ko nang hinahanap na pinsan ko ay nagulat at sobrang saya ko. Matagal ko na palang natagpuan ang pinsan ko na matagal ko nang hinahanap ay ka close ko na pala at tinuturing ko na palang totoong kapatid ko.
Noong nalaman din ng mga tao na anak si Amira ni Mr. Verda at pinsan ko pala si Chum ay nagbigay na sila ng respeto at ginagalang na kami, noon kasi ay parati nila kaming inuutosan o pinapahirapan.
“Ano? May date na naman kayo?” I wink at her and she just rolled her eyes. Hindi kasi natuloy noong nakaraang araw dahil kinailangan siya sa hospital at ako naman ay kailangan din sa A Entertainment. Napag-usapan naming ngayon nalang dahil sa sabado. We have both free time.
•~~~••~~~•
I widely smile when I saw him waiting and seated near the glass wall. Nanonood siya sa ibaba kung saan ang mga nagsisidaanang mga sasakyan. I came up with the idea.
“Hi! Can I get your number, handsome?” maarte 'kong tanong habang nagpipigil ng tawa. “Sorry Miss. Magagalit girlfriend ko.” I bite my lower lip to stop myself from smiling. Umupo ako sa harapan niya.
“Oy Miss 'di ba sa— Oh! Ikaw pala 'yan Babe.” medyo gulat niyang sabi. Tumayo siya to give me a kiss on the cheek.
“May napansin ka bang babae rito kanina?” naguguluhan niyang tanong. “May iba kang babae?” galit-galitan kong tanong. Nakita ko siyang medyo nagpapanic at mabilis na umiling.
“Hindi, alam mo namang nagbago na ako ngayon nang dumating ka Babe.” he's shaking while answering my question. I chuckled seeing his face like that.
“Babe I'm serious. Don't laugh.” naasar niyang saway. I stop laughing and answer him.
“I know. Let's start our date Babe. I love you.” nakangiti kong sabi at ako na ang naghiwa ng steak para sakaniya. Pa-good shot para mawala na ang pagka-asar niya. Pagkatapos ng date namin ay dumiretso na ako sa mansion ni Daddy Amilo, ay dapat na ba Daddy? Ay teka tito nalang. Para magpahinga muna dahil bukas, busy na naman.
AMIRA POV
I inhale exhale before ako nagpakita sakanila. Ang unang bumungad sa 'kin ay ang manager kong nakangisi. She crossed her arms while raising a brow at me. I raised my brow also para pantayan siya.
“You're a little bit late.” tumango ako. “Ikaw na may sabi.” inilagay ko muna ang shoulder bag sa gilid ko. I sat in the chair while facing the mirror. Siningkitan niya ako ng tingin. I just ignore her and retouch a little. Medyo nagkapawis kasi ako dahil ako ang nag-drive papunta rito.
“Puwede namang dito ka na nagpa-make up ha?” I put a foundation all over my face smoothly.
“Ah okay. Ba't ko nga ba nakalimutan? Ngayon mo pala makakatrabaho ang ex mo right?” ngumisi siya.
“Oo. Ano naman ngayon?” ibinalik ko na ang mga nagamit kong mga make-ups. “May napag-isip ako. I want to seduce him.” I smile sweetly at her.
She smile very sweetly too but after that she rolled her eyes. “Chum mabuti pa nga.” hindi niya yata ako sinuway? Totoo naman kasi 'yon gagawin ko talaga para makaganti ako sakaniya. Sumunod nalang ako kay Chum.
Sinalubong naman kami ng direktor namin. Ngumiti ako at lumapit. “I'm sorry, I'm late.” nanghihinging sorry kong sabi ko sakaniya. Ngumiti naman siya at umiling.
“No, it's okay.” Yeah it's just okay dahil alam nilang ama ko ang amo nila. Pero kung hindi pa? Hindi nila ako ituturing na ganito. I just give him a small smile.
Nakita ko si Kryve na pinagpagan ang magkabilang braso niya. He's wearing a dark blue suite and a white t-shirt inside. Nang makita ako ay lumapit siya.
“Everyone let starts!” sigaw ng direktor.
Pumwesto na kami at nag-ready na.
“1... 2... 3... Action!”
BINABASA MO ANG
Our Beautiful Connection (On-going)
RomantizmPara sa mga ina ang pinakamasayang nangyari sa buhay nila ay ang magkaroon ng anak sa unang kita palang nila sa mukha ng mga anak nila ay para itong anghel na ipinababa sa langit. Pero gano'n din ka sobrang sakit sakanila ang mawalan ng anak dahilan...