Chapter 13

1 1 0
                                    

Chapter 13

AMIRA POV

Kinapa-kapa ko ang gilid ko habang nakapikit pa ang mga mata sabay sabing, "Good Morning Love!". Napadilat ako ng mga mata ng wala akong makapa. Oo nga pala wala nga pala ako sa mansion. Ano ka ba naman Amira. Bakit mo nakalimutan na wala na kayo sa lalaking 'yon huh? Na hindi mo na siya makakasama at makakasabay sa pagtulog sa kama.

Bumangon na ako at saka ko iniayos ang higaan ko. Ginawa ko na ang morning rituals ko. Nang matapos ay bumaba na ako sa baba. Habang bumababa ako sa hagdan narinig ko na may nagpapa-music na ikino-connect sa bluetooth speaker. Sa naririnig ko ngayon ay ang title ng song ay Brown Eyes By: Destiny's Child at sinasabayan pa ito ni Chum sa pagkanta habang nagma-mop siya.

"Chum ginagawa mo?" natatawa kong tanong. I'm not laughing because of what her doing but because of what her singing. Brown Eyes huh? That's a love song. Para siyang yung mga nasa Disney Princess na kumakanta habang naglilinis. Beautiful Princess.

Tumigil muna siya sa pagma-mop at saka lumingon sa 'kin. "Duh? 'Di ba obvious ha? Of course I'm singing while mopping the floor." mataray na sagot naman niya. "Yeah I know your singing while mopping I mean. Bakit ka kumakanta niyan?" sasagot na sana siya pero nasa chorus part na kasi kaya hindi niya pinalampas 'yon kaya kumanta siya at saka bumalik ulit sa pagma-mop.


"🎶I know that he loves me 'cause he told me so
I know that he loves me 'cause his feelings show
When he stares at me you see he cares for me
You see how he is so deep inlove-" pagkanta niya sa chorus part but I interrupted her.

"Mayro'n kang boyfriend?" nang-aasar kong tanong. Lumingon agad siya sa 'kin at saka tumigil sa pagma-mop.

"Oo wala pero soon magkakameron na rin ako. Kala mo naman mayro'n ka ring boyfriend sa ngayon. Oo nga at nakakaexperience ka na, na magkaroon ng boyfriend may souvenir pa nga eh, while me NBSB girl." nakasimangot na sabi ni Chum sa 'kin at bumalik ulit sa pagma-mop.

Pero teka!

"NBSB girl? What's the meaning of it Chum?" I asked in curious tone. I don't know what the meaning of it.

"What?! Hindi mo alam 'yon? Anyway ito 'yong mean ng word na 'yon. NBSB is the acronym of  NO BOYFRIEND SINCE BIRTH. Nako ikaw talaga Chum napagsigawan ko na tuloy na NBSB ako." nakasimangot niya pa ring saad sa 'kin. Tumango-tango nalang ako.

Pero may naalala ako 'yong sinabi ni Chum na souvenir.

Natawa naman ako sa sinabi niyang 'yon. Nakakatawa 'yong sinabi niyang may souvenir sa 'kin si Azure. Ikokompara ba naman ang anak ko bilang souvenir. Mayro'n nga, itong anghel na nasa sinapupunan ko.

"Kumain ka na Chum," saad niya. "Chum puwede namang mamaya nalang ako kakain at tutulungan muna kita sa paglilinis mo, nakakahiya na kasi sa 'yo. Baka isipin mo pang nakikira na nga lang ako ay itinituring pa kitang kasambahay." nahihiya kong sabi sakaniya.

Kapag tapos na akong manganak pangako ko talaga na ako naman ang magtatrabaho at mag-aalaga kay Chum halos siya na kasi ang tumatayong ina at kasambahay ko eh, at ayokong maging pabigat kay Chum.

"Chum... 'Di bali ng maturingan ako na kasambahay sa bahay basta naaalagaan ko ang bestfriend at si Baby Angel ko." seryosong sabi niya na may ngiti sa labi. Ito na naman ako nagsisimula na namang tumulo ang mga luha ko.

"Chum..." Kumawala na nga talaga ang mga luha sa mata ko.

"Chum papaalisin kita..." seryoso niyang salita. Na ikinahinto ko sa pag-iyak nagpunas muna ako sa mukha ko at saka siya tinanong.

"B-bakit Chum?" kinakabahang tanong ko. Papalayasin na ba ako ni Chum? Hayyy sinasabi ko na nga ba naiisip na ni Chum na pabigat lang ako sakan'ya at ako pa ang dahilan kung bakit wala siyang trabaho ngayon nagi-guilty na talaga ako. Ok lang naiintindihan ko naman si Chum kung bakit niya nagagawa 'to. Pero teka saan na ako titira nito?

"Alam ko na naman 'yang nasa utak mo. Patapusin mo nga muna ako. Papaalisin talaga kita kapag hindi ka pa kakain. 'Wag ka nang mahiya sa 'kin at sinong nagsabi na pwede kang maglinis? Hindi na, ako na rito. Kumain kana, tandaan mo papaalisin kita dito pagmalalaman ko lang talaga na nag-e-skip ka ng kain nako... Magsimula ka na talagang magbalot-balot ng mga gamit mo sa maleta mo." Mahabang salita niya na pataray sa 'kin.

Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko habang naka nakangiting lumakad papalapit kay Chum at niyakap ko siya ng mahigpit dahilan para mabitawan niya ang mop.

"Chummm~ Mahal mo talaga ako~ 'Wag kang mag-alala mahal na mahal din kita Chum~" childish kong ani sakaniya. I think it's because of my mood swings because I'm pregnant. Naramdaman na niyakap niya rin ako pabalik.

"Hahaha nagiging childish ka na Chum siguro dahil lang 'yan sa pagbubuntis mo narinig ko lang 'yan at totoo nga. Pero Oo totoong-totoo ang sinabi mo Chum na mahal na mahal kita. Kaya I Love You Buntis." natatawang saad niya habang magkayakap pa rin kami.

"Ipaglandakan ba naman na buntis ako hahaha." natatawa ko ring usal.

"Ay mabuti pa Chum samahan mo nalang ako sa pagkain."

"Ay Oo nga. Sige hindi pa rin pala ako kumakain." Tingnan mo 'to hindi pa rin pala kumakain.

*~••~*

May kinuha si Chum na isang tupperware at nang buksan niya ito ay dali-dali akong nag takip ng ilong. Naramdaman kong para akong maduduwal kaya agad akong tumayo at pumunta sa CR.

Nagulat naman si Chum at nakita kong tumayo na rin siya at sinundan ako.

Suka ako ng suka. Naramdaman ko naman na hinahagod ni Chum ang likod ko. Nang matapos ay nanghihina akong tumayo inalalayan naman ako ni Chum at saka nagmumog ako.

Bago kami bumalik sa lamesa ay tinakpan niya na ang kaninay nakabukas na tupperware na may laman na ginisang talong, so ginisang talong pala ang dapat kong iwasan. Pinaupo niya ako at umupo naman siya sa inuupoan niya kanina. Nag-aalala ang mukha ni Chum nang tumingin ako sa mukha niya.

"Okay ka na?" tanong niya. Tumango naman ako at nag-umpisa na ulit kumain para may laman ang aking tiyan kasi naisuka ko kasi kanina lahat. Kumain na rin siya ulit.

"Chum sayang kahapon hindi ka namin na pasyal. Hanggang sa tindahan lang tayo nina Aling Conchi. 'Di bale, ipapasyal ka nalang namin. Sorry talaga." Oo nga sayang eh kasi naman umulan kasi kahapon kaya hanggang sa tindahan lang kami ni Aling Conchi nakarating.

"Ba't ka nagsosorry? Hindi okay lang sa 'kin ang dami pa kayang araw na puwede niyo akong ipasyal kaya h'wag ka nang mag-alala diyan." saad ko rito. Tumango-tango naman ito. Bumalik na ulit kami sa pagkain.

Our Beautiful Connection (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon