Chapter 11
AMIRA POV
Ngayon nandito kami ni Chum sa bahay nina Mikka at nasa sofa nila kami. Ipinapakilala nila ako kina Mikka at sa kapatid niyang si Harrah. Napag-alaman ko rin na kauri pala ni Joan si Mikka I mean bakla rin siya. Alam na rin nila na buntis ako at kaya rin ito ang dahilan ng pagpunta namin dito sa Bohol. Akala ko talaga na mandidiri sila sa 'kin kasi nga buntis na ako pero hindi maling-mali ako kasi akala ko lang pala 'yon. Mababait sila.
Napapadalas nga ang pagngiti ko simula nang dumating kami rito. Hinimas ko naman ang aking tiyan na hindi pa halata.
Anak ang babait nang mga Tita at Tito ay este mga Tita lang pala wala ka palang Tito kasi nga mga beks sila. Sana naman kung lalaki ka anak h'wag na h'wag kang tutulad sa mga Tita Beks mo ha?
"Amping means Ingat." turo ni Harrah sa 'kin. Tinuturoan kasi nila ako ngayon na magbisaya para raw makakaintindi na ako if ever na magbibisaya na sila.
"Ay ito gihigugma tika means mahal kita." Ani Chum. Tumango-tango naman ako.
"Ito Ami gurl, maayong buntag means magandang umaga. Maayong udto means Magandang tanghali. Maayong hapon means magandang hapon. Maayong gabii means magandang gabi." turo naman ni Mikka at pagkatapos no'n kumain siya ng Piattos at saka uminom ng C2.
"Ahh kagaya nung itinuro mo sa 'kin Chum kanina na sasabihin ko kay Nanay Anji. Iyong maayong udto tama ba?" tanong ko kay Chum nang maalala ko 'yong itinuro ni Chum sa 'kin kanina.
"Ah Oo nga 'yon nga tama ka." sagot naman ni Chum. May dala-dala ring Nova, Piattos at Sprite na 200mL. Napatawa ako dahil dalawa talaga ang dala-dala ni Chum may Piattos na nga may Nova pa. Ang takaw talaga ng isang 'to. Nako Goodluck nalang talaga sa magiging boyfriend ng Chum ko.
"Oi Ami gurl na sabi sa 'kin kanina ni Savsav gurl na gwapo raw boyfriend mo." biglang saad sa 'kin ni Joan.
Sasagot na sana ako ng biglang sumabat si Chum. Inilagay niya muna ang Piattos at Nova niya na nabuksan na at saka tumayo.
"Hoy bakla anong sabi ka diyan nagmumukha naman na ako talaga ang kusang nagkwento sa'yo na walang tanong-tanong 'di ba? Ganito dapat sasabihin mo kay Chum Oy Ami gurl sinagot ni Savsav gurl 'yong tanong ko at nalaman ko base sa ikinuwento ni Savsav gurl sa 'kin at gwapo raw boyfriend mo. Gan'yan dapat bakla 'to." mahabang saad ni Chum kay Joan at pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umupo na siya. Kinuha niya ulit ang Piattos at Nova niya sabay subo.
"Oh sige ikaw na magaling kaloka 'to. Napapansin ko kanina ka pa talaga Savsav ka." Mataray na sabi naman ni Joan kay Chum sabay roll-eyes at saka kumuha ng Piattos na dala-dala niya.
Napatawa naman ang dalawa. "H'wag ka ng magtaka kung bakit gan'yan ang dalawang 'yan Ami, nature na nilang dalawa 'yan haha." natatawang bulong sa 'kin ni Harrah. Nahawa na rin ako sa kakatawa ng dalawa kaya natawa na rin ako.
"Ay teka Savsav gurl balita ko marami ka daw'ng mga manliligaws?" nakataas kilay na tanong ni Joan kay Chum. Napahinto naman siya. Lumingon siya kay Joan at saka sa akin naman. Binigyan niya ako ng nakakunot-noong mukha. Agad naman akong napaiwas nang tingin sakan'ya.
"Chum!" tawag niya sa 'kin. Dahan-dahan naman akong lumingon sakan'ya ng nakangisi. "Yes Chum?" nakangisi kong sagot sakan'ya.
"Bakit mo sinabi sa baklang 'to?" hindi pa rin nawawala ang pagkakunot ng noo niya kasi habang tinatanong niya ako ay gano'n pa rin.
"Baklang pretty ganern dapat, Sav maling-mali ka. Para naman may kulay kapag tatawagin mo ako ng bakla. Kulay ba, song ng BGYO."
"Shut up bakla!" sigaw ni Chum kay Joan. Habang hindi pa rin nawawala ang tingin niya sa 'kin. Napanguso naman si Joan at saka tumahimik nalang.
"Ay Oo alam na alam ko talaga ang BGYO. Naging fan ako ng P-Pop na 'yan nung makita ko ang MV nila na Hes Into Her. Grabe talaga baklang handsome Joan yung mga song ng BGYO ang gaganda. Ang bias ko ay sina Kapitan Gelo at si Mikki. Ikaw sinong bias mo baklang handsome Joan?" pag-iiba ko ng topic para hindi na ako pansinin ni Chum. Pasimple naman akong sumilip kay Chum. Pero pinagsisihan ko tuloy na sumilip ako sakan'ya kasi mas lalong kumunot ang noo niya.
"Pwedeng h'wag mo nalang akong tawaging baklang handsome dapat kasi eh na baklang pretty hindi handsome."pagko-correct niya sa tawag ko sakan'ya.
"Eh sa baklang handsome gusto ko itawag sa'yo eh pakialam mo? At saka mali ba ako huh? Eh tama naman tinawag ko sa'yo ah? Bakla ka tapos gwapo, kaya tinawag kitang Baklang handsome. Bakit pretty? Bakit pretty ka ba? Eh hindi ka naman pretty, handsome ka handsome." saad ko naman.
"Whatever" saad niya naman.
"Anyway, correct na correct ka d'yan Ami gurl. Naging fan rin ako ng BGYO ng dahil sa The Baddest MV nila at kasama pa nila no'n si Liza Soberano. Ang bias ko pareho rin tayo Ami gurl sina Gelo at Mikki rin. Well, lahat naman sila mga gwapo, magagaling pa sumayaw at kumanta," kinikilig na saad ni Joan.
"Ay Oo. Gusto ko talaga 'yong part ng The Badest ang rap nina Mikki at Gelo. Gusto mo sample?" tanong ko habang may pa taas-taas pa ng mga kilay.
"Sige go, go, go Ami. Sample sample." saad naman nina Mikka at Harrah. Nakalimutan ko na tuloy sila Harrah.
"Ahm... Ito na...
🎶'Pag ikaw ang nasa isip, Paano ba simulan?
Kagandahang nakikita na walang hanggang
Tara na papunta sa patungo
Hawakan ang kamay at 'wag na wag kang lalayo, Uh~!
Hey, hey, hey, halika dito
Sumama ka sa akin at sa alon ng mundo
Parang nananaginip lamang,
Pwede ba na totoo?
Kung magising man ako bukas,
Ikaw pa rin ang hanap ko🎶" pagra-rap ko.Nagpalakpakan naman silang tatlo sabay sabing ang galing mo Ami/Ami gurl. Pero isa lang ang hindi pumalakpak sino pa ba? Edi ang bestfriend kong sobrang maganda. Si Chum.
"Chum! Nakalimutan mo yata 'yong tinatanong ko sa'yo? Ok sige I'll repeat ha? Bakit mo sinabi sa baklang 'to?" tanong niya ulit sa 'kin. Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang pagkukunot-noo ni Chum hindi ba siya napapagod? Eh kaya nga nagrap at hinusayan ko talaga kasi baka mawala pero walang effect eh.
"Hay nako tapos na nga 'yan Savsav." saway ni Harrah kay Chum.
"Ikaw kasi bakla ka." rinig ko naman na paninisi ni Mikka kay Joan. Na naparoll-eyes lang.
Unti-unti namang nawala ang pagkakunot-noo ni Chum at saka bumuntong-hininga. Salamat naman. Bumalik na sa pagkain si Chum ng Piattos niya. Lumingon naman ako kay Harrah and mouthed thank you tumango naman siya.
"Mabuti pa epasyal natin si Ami gurl para naman pamilyar na siya sa lugar natin. Ano?" suggest ni Harrah. Napalingon naman kami sakan'ya. Sana naman pumayag sila kasi para hindi ako maligaw at makakapamilyar na ako sa mga lugar dito.
"Oo nga G ako Sis Har." sang-ayon ni Mikka. Tumango-tango naman sina Chum at si Joan sabay sabing, "Ok lang sa 'kin." sang-ayon ni Chum, sabay bukas ng Nova at saka kumain nito.
"G din aketch." saad naman ni Joan.
"Okay, go ra na tayo." sigaw ni Mikka.
BINABASA MO ANG
Our Beautiful Connection (On-going)
RomancePara sa mga ina ang pinakamasayang nangyari sa buhay nila ay ang magkaroon ng anak sa unang kita palang nila sa mukha ng mga anak nila ay para itong anghel na ipinababa sa langit. Pero gano'n din ka sobrang sakit sakanila ang mawalan ng anak dahilan...