Chapter 38

3 1 0
                                    

AMIRA POV


Hayyy bakit ba kasi nagpakalasing ang lalaking 'to, atsaka asan ba ang asawa ng lalaking 'to? Siya dapat ang sumusundo sa lalaking 'to.

Kinuha ko ang shoulder bag ko dahil nahulog ito at hahayaan nalang sana ang lalaking 'to, na naka upo na ngayon, pero nahawakan n'ya ang aking kamay kaya hindi ito natuloy. “Help me.”


Nag-inhale at exhale nalang ako dahil wala akong ibang magawa kun'di ang tulungan 'tong lalaking 'to. “Wois, 'wag ka ngang pabigat kung ayaw mong hindi kita tutulungan eh!” tango nang tango naman ito.


Nang makalabas kami ay buti nalang at hindi na ako nahirapan na pumara ng taxi dahil may dumaan. Nag-text nalang ako kay Chum na uuna na akong uuwi kahit na ang totoo ay hindi pa ako uuwi dahil kinakailangan ko pang ihatid ang lalaking 'to.


Na miss ko rin 'tong bahay na 'to. Ang akala koy hindi na ako makakabalik na makakapasok dito at isa pa sinabi ko sa sarili kong ayoko ng makita o mapuntahan pa ang bahay na 'to pero I think it's destiny na bumalik ako rito.

Natauhan ako nang may bigla nalang nag-door bell, si Azure pala. Biglang may lumabas, isa itong ginang.

“Oh! Ikaw pala Azure bakit nag-door bell ka pa?” kausap ng ginang sa lalaking door bell nang door bell pa rin. Nakakarindi na! Ipinatigil ito ng ginang sa kaka-door bell. Agad na napatingin ito sa direksiyon ko.


“Ikaw ba ang nagdala kay Azure papunta rito Iha?” nagpipigil pa rin ito sa makulit na mga kamay ni Azure dahil hindi pa rin ito tumigil.

Agad akong dumayo para tulungan ito sa pagpapatigil at sumagot sa tanong ng ginang. “Ah, opo.” magalang kong sagot.


“Maraming salamat talaga Iha. ” ngumiti nalang ako kasi nahihiya ako sa mga pinaggagawa ni Azure.

“Ano nga palang pangalan mo Iha?” tanong nito sa 'kin.

“Amira po.” sagot ko. Napatitig ang ginang sa 'kin kaya nagtaka ako. “Bakit po?” bigla itong ngumiti.

“Ahh, ikaw pala 'yon. ” ha? Anong ako? Kilala ba n'ya ako? Ayy baka sa pagiging artista ko lang. Pero— ah nevermind Amira.

“Azure tigilan mo na nga 'yan nakakarindi kaya.” tumigil naman ito. Nagulat akong bigla nalang itong yumakap sa 'kin sabay sabing, “Don't leave me, Mira.”


Sandali akong napatulala at hindi nakasagot. “O-Oo.”

“Manang pwede po bang mas luwagan pa po 'yong gate?” pakiusap ko rito.

“Sige, pasensya kana Iha at naabala pa kita.” agad niyang binuksan ang gate.

Idini-retso ko siya sa kwarto niya at ipinahiga roon. Ang kaso napasama ako kaya ang naging resulta ay nahigaan ko siya. Nagkaroon din siya ng pagkakataon na yakapin ako.

“Ano ba Azure!” reklamo ko at kumakawala pero imbis na bitawan niya ako ay mas hinigpitan pa ito, na may ngiti pa sa labi. Nagbukas ito ng mga mata at tumitig sa 'kin.

“Is it really you? Ang nag-iisang babaeng minahal ko hanggang ngayon? I'm really happy Mira, now that you're here.” malaki ang ngiti nito sa labi at napakagandang pagmasdan nito. Nadala ako sa ngiti niya kaya ngumiti rin ako. Pero sandali lang iyon dahil na realize kong hindi pala dapat ako ngumingiti rito. I really need to go.

“Hindi ako si Mira.” nabitawan n'ya ang kamay ko kasi nakatulog na. Sandali kong pinagmasdan ang mukha niya, at masasabi kong ang gwapo n'ya pa rin talaga. Hanggang ngayon hindi pa nawawala ang kaniyang ngiti sa labi kahit na nakatulog na ito.

Agad ko ring na realize na, Oo nga pala kinailangan ko pang bihisan ang lalaking 'to. Arghhh! Pasalamat ka kay Azi! May awa ako sa bata pero sa tatay  n'ya wala.

Pinuntahan ko nalang ang cabinet niya para kumuha ng mga damit n'ya. Kumuha nalang ako ng sleep wear n'ya, nang isasarado ko na sana ay may nakita akong isang tela na sobrang pamilyar, dahil sa curiosity ko ay kinuha ko ito at gano'n nalang kagulat ng mapagtanto 'kong kaparehong-kapareho ito ng damit ng anak ko. Agad kong tiningnan ang damit kong may nakalagay na initials ba roon at confirmed nga! Meron nga! May nakalagay nga ritong AV, na sa hindi malamang dahilan ay agad akong napaluha, hindi ko alam kung bakit basta bigla nalang itong tumulo.

Bakit nandito itong damit na ito? At akala ko ba ay wala na ang anak ko? Sa dinami-daming puwedeng makakuha nito ay si Azure pa na walang kaalam-alam na sa anak niya ito. Sa namatay na niyang anak.

Pumasok sa isipan ko na baka buhay pa talaga ang anak ko? Napagtagpi-tagpi ko na... 'Di kaya'y si Azi talaga ang anak ko? Buhay ang anak ko. Masaya ako sa aking naiisip, sana nga'y buhay pa ang anak ko.

Ang plano ko na sana pakatapos kong mabihisan si Azure ay aalis na pero siguro'y dito muna ako magpapalipas ng gabi. Ayoko namang makipag-usap kay Azure ng lasing pa siya.

Azure's POV


My head hurts when I woke up. I notice something or should I say someone in my sofa. I was shocked when I saw Mira sleeping peacefully. I quickly stand and go to her direction where she was sleeping. She's still the most beautiful woman in my eyes. Her beauty has never been gone. I wish that she still love me. I tempted to kiss her but I control myself not now, not now Azure.

I notice something, hawak-hawak niya ang damit ni Azi, hindi ko alam kung paano niya ito nakita. Hindi ko rin alam kung bakit niya ito hawak-hawak ngayon.


Bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok si Azi.

“Good morning Daddy!” agad niya akong nilapitan at hinalikan sa pisnge. Hindi n'ya pa siguro napapansin na nandito si Mira.

Nang tumingin ako kay Mira ay gising na pala siya.

“Good morning Azi” bumangon siya. Nagka-titigan kami ng mga ilang segundo, kahit na maikli lang 'yon ay nakikita ko roon ang halo-halong emosyon.

“Ate Ami? ” gulat na gulat ang bata na makita si Ami. He hug her with a smile. “Bakit po kayo nandito? Nang ganito kaaga po? Bakit dito sa kwarto ni Daddy?” sunod-sunod na tanong niya.

Ngumiti siya at hinawakan ang mukha ng bata. I look at Mira and then I saw her tears were almost falling? I don't know why. “Na-mi-miss lang kita”.

She look at me. “I want to talk with you Azumir”.

Our Beautiful Connection (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon