Chapter 14
AMIRA POV
"Chum kailangan ko na palang umalis, mag-aapply pa ako." Nagmamadaling saad ni Chum habang inilalagay ang mga kubyertos niya sa sink.
"Okay" sang-ayon ko. Sabi niya kasi na mag-aapply daw siya bilang secretary. Nabanggit ito kahapon sa 'kin habang kumakain kami. Todo pagmamakaawa pa nga ako sakaniya na gusto kong mag-trabaho rin para makatulong ako sakaniya pero ayaw niya talaga. Pareho talaga sila ni- teka siya na naman naiisip ko? Dapat nagagalit ako sakaniya eh kasi dahil dun sa ginawa niya sa 'kin.
Inilagay ko na rin ang mga kubyertos ko sa sink nang matapos na akong kumain at saka naghugas na rin. Nang matapos akong maghugas ay pumunta ako sa sala at nakita ko ang mop. Lumingon-lingon pa ako sa taas kung wala pa ba si Chum. Nang nakita kong wala pa siya ay dali-dali kong kinuha ang mop at nag-mop sa sahig.
Hay... Mabuti naman at may mapagkakaabalahan na rin ako rito.
Habang nagma-mop ako narinig ko na ang song na pini-play ngayon ay "When I'm With You" By: BGYO napangiti ako. Ang ganda talaga nang song na ito at siyempre mga gwapo rin ang mga nagkanta. Sumabay ako sa pagkanta.
"So now, and forevermore
I'm yours~
'Cause I like who I am when I'm with you
And I like those little things that we do
Baby nothing in this world compares this feeling is true
And I like, the way, I am, Baby when I'm wi-""CHUM!!!"
Napaigtad ako nang may sumigaw sa taas at nabitawan ko tuloy ang mop. Kinagat ko ang labi ko at tumingin sakaniya sa taas.
" Chum bakit?" maang-maangan kong tanong. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay at bumaba sa hagdan. Bagong bihis na siya. Ready na siya para mag-apply bilang secretary.
"Bakit nagma-mop ka?" tanong niya nang makalapit na siya sa 'kin pero hindi pa rin nawawala ang kaniyang magkasalubong na mga kilay. Napalunok muna ako bago nagsalita. Hay bahala na iiiba ko nalang ang topic.
"Chum aalis ka na ba? Goodluck." Nakangiti kong tanong sakaniya at sinabayan ko pa ito ng puppy-eyes pa ang pagsabi ko nun para effective naman. Nakita kong naparoll-eyes na lamang siya.
"Ayan na nama 'yan. Kaloka! Hanggang kailan kaya hindi na ako maapektohan niyan?" saad niya sa sarili.
"Bye Chum" paalam niya sa 'kin. Papalabas na siya sa pinto pero may sinabi muna ako dahilan para huminto siya.
"Bye Chum. By the way sobrang ganda mo ngayon Chum." puri ko. Totoo naman kasi ang ganda ng bestfriend ko ngayon hindi lang ngayon araw-araw din.
Lumingon ito sa 'kin. "Of course. Basta Savina Santiago kasi ang pangalan asahan mong maganda iyan." proud niyang wika, at may kasama pangpaghawi ng buhok niya. Napangiti na lamang ako sa sinabi niya. Loka-loka talaga 'tong bestfriend ko pero infairness may ibedensiya siya kapag sasabihin niya iyon.
*~••~*
Third Person POV
May isang limousine na huminto sa isang mansion. Agad na bumaba ang kaniyang P.A. at pinagbuksan ang kaniyang boss. Bumaba ang isang lalaking nakabusiness suit medyo matanda na pero makikita pa rin ang kaniyang kagwapohan. Sa labas pa lang ng pinto ay may dalawang guard ang nagbukas ng malaking pinto at bahagyang yumuko.Seryoso itong pumasok at wala man lang ka smile-smile sa mukha. Sanay na ang kaniyang mga kasama sa mansion, mapa mansion man o mapa opisina na parati nalang itong walang kaemo-emosyon sa mukha ngunit masasabi naman nilang isa itong mabait at maalagang ama ngunit hindi ito basta-basta mo mahuhulaan na mabait ito kasi dahil nga sakaniyang walang emosiyong mukha.
Nabigla nalang sila ng malamang patay na pala ang nobya nito. Nanghihinayang naman sila and at the same time nalulungkot din dahil yung nobya ng amo nila ay bait at napakaganda, bata palang ito at namatay na.
Limang buwan ang nakalipas ay nagulat sila ng makitang may dala-dala itong isang sanggol na may pagkahawig sakaniya at ng kaniyang nobya. Naisip nila na maaaring anak nila ito ngunit paano nangyari iyon? Paano sila magkakaroon ng anak?
Makikita nila ang ngiti nito kapag napag-uusapan o nakakasama ang batang sanggol na dinala niya sa mansion.Naglalakad ito papunta sa hagdan. Nang makapunta na sila nang tuluyan sa second floor ay nagtungo sila sa office niya dito sa mansion. Umupo ito sakaniyang Office Chair. May ibinigay naman ang P.A. na mga papeles para papirmihan sakaniya. Sinimulan na ng boss niya ito at saka umupo na ang P.A. sa harap sa kaliwang bahagi ng upuan. Pero mayamaya nagsalita ito at tumayo ang kaniyang P.A.
"Excuse me Sir, sasagutin ko lang muna itong tawag." paghihingi nito ng permiso nito sa boss niya na busy sa pagpipirma ng mga papeles. Tumango lamang siya kaya sinagot na ito ng kaniyang P.A. ng hindi tumitingin sa P.A.
Mga ilang minuto ay bumalik na rin ito."Excuse me Sir," huminto muna siya at saka lumingon siya rito.
"What?" tanong niya rito.
"Updates about your daughter," sagot nito. "They're already breaking up and she's now pregnant." gulat na napalingon ang boss nito dahil sakaniyang sinabi. 'May apo na ako?' sa isip-isip niya.
"You knew already what's the reason of their break up?" nakakunot-noong tanong nito.
"As what our private investigator said, it's because of third party. Your daughter saw it with her own eyes. Pumunta po siya sa lugar, I don't know where's the exact location but somewhere in Visayas daw po iyun." Pagpapaliwanag ng P.A. sa Boss niyang tumango-tangong nakikinig sakaniyang P.A.
"I know my daughter's boyfriend isn't like that. He really love my daughter. Maybe my daughter just misunderstood the situation. Kung hindi magkakasila hanggang sa huli ako ang gagawa ng paraan para maging sila hanggang sa huli." Seryosong-seryoso talaga itong nagsalita sa harap ng kaniyang P.A. na nakikinig lang sa kaniya. Alam na alam ng Boss niya kung gaano nito kamahal ang anak niya ng nobyo nito dahil noong parati palang niyang sinusundan ang anak niya ay parati rin niya itong makikita na sumusunod at parating may dalang bulaklak pero parati ring hindi maibibigay ng lalaki na may gusto sa anak niya ang mga bulaklak dahil natotorpe ito.
"Is my daughter okay? How about my grandchild? Is she arrived that place safely? They have a house their?" sunod-sunod na tanong ng boss dahil sakaniyang pag-aalala lalo na ngayon na may apo na siya. Medyo natawa naman ang P.A. nito dahil sa sunod-sunod nitong tanong sakaniya.
"Opo okay lang daw po sila. Sa ngayon may kasama po ang anak niyo na isang babae. Bahay din daw po iyon ng babae ang kasalukuyan nilang tinitirhan ngayon. Sa pagkakaalam ko po alagang-alaga at close po sila ng anak niyo Boss nung babae dahil nagresign po iyung babae para lang samahan ang anak niyo po." magalang na pagkekwento ng P.A.. Nakahinga naman ng maluwag ang Boss nito sa sagot ng P.A..
"Malaki ang pagpapasalamat ko sa babaeng iyon or should I say my daughter's bestfriend?" Lingon niya sa P.A. niya. Nakangiting tumango-tango naman ito.
"And I got surprised that I am now a grandfather. I'm not getting any younger anymore." nakangiting saad ng Boss. Iniisip niyang sana kasama nalang niya ang anak niya para makasama at ma-spoil niya rin ang bata. Ngunit hindi muna sa ngayon, darating din ang araw na iyan.
BINABASA MO ANG
Our Beautiful Connection (On-going)
RomancePara sa mga ina ang pinakamasayang nangyari sa buhay nila ay ang magkaroon ng anak sa unang kita palang nila sa mukha ng mga anak nila ay para itong anghel na ipinababa sa langit. Pero gano'n din ka sobrang sakit sakanila ang mawalan ng anak dahilan...