Chapter 26

2 1 0
                                    

Chapter 26

SOMEONE'S POV

May inuutos si Sir sa 'kin. Ang sabi lang naman ni Sir sa 'kin ay bantayan ang anak at apo niya. Wala sa plano namin ang kuhanin ang bata pero kailangan kong kunin dahil maaaring mapahamak ang bata. Gusto ko sanang iligtas ang dalawa pangbata pero hindi na humihinga ito.

Hindi ko alam kung bakit bumalik ako sa Manila dala-dala ang bata at idinala kay Sir.

Paano kung nang dahil sa 'kin maaaring magpakamatay ang anak ni Sir? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko at paulit-ulit kong sisihin ang sarili dahil sa ginawa ko.

Napapatingin pa ang mga empleyado sa akin dahil may bitbit akong bata. Isinawalang bahala ko ang mga tingin nila ang mahalaga ay maibigay ko ang bata kay Sir.

Kumatok muna ako bilang pagrespeto. "Come in!" narinig ko ang cold na sabi ni Sir. Hindi ganiyan magsalita si Sir kung hindi lang namatay ang asawa niya.

Maingat akong pumasok sa loob. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Sir.

"I don't know, you're a father now?" nagtataka at gulat na tanong niya sa 'kin. Umiling ako.

"This is not mine Sir." magalang kong sagot. "This is your grandson." mas lalo siyang nagulat at napatayo. Lumapit siya sa 'kin habang hindi winawala ang tingin sa bata. Naroon pa rin ang pagtataka sa mukha niya pero ng makita ng malapitan ay medyo nawala na.


"Are you sure? How?"

"I'm sorry Sir hindi ko po sinasadyang dalhin dito ang apo n'yo." paghihingi ko ng tawad. Ready na ako sa magiging punishment na ibibigay sa akin ni Sir.

Hindi siya nagsalita, nakatitig lang siya sa apo niya. Kaya itinuloy ko ang pagsasalita.

"I'm ready for the punishment Sir." lakas-loob kong sabi. Hindi pa rin siya nagsalita at maingat na kinuha ang bata sa akin.

"He's so handsome, right?" malawak na ngiti niyang tanong ngunit hindi nakatingin sa 'kin. Gusto ko ang nakikita sa mukha ngayon ni Sir dahil simula ng mamatay ang asawa niya ay hindi na namin nakita ang ngiti ni Sir. Pero ngayon, kagaya noong karga-karga niya ang anak niya ay ganito rin siya kasaya. Gusto ko sanang ngumiti rin pero naalala ko may kailangan pa pala akong haharaping punishment.

"No, I'm not giving you any punishment. In fact... I'm thankful that you brought my grandson here so that I can see him, personally. " nakahinga naman ako ng maluwag.

"Dito muna siya hanggang sa makauwi  ang Daddy niya." tumango ako. Sinabi ko kasi sakaniya na nandoon pa sa Bohol iyong ex-boyfriend ng anak niya o ang tatay ng apo niya. Napagdesisyonan niya na ihatid ang bata sa bahay ng tatay nito. Kahit hindi ako sang-ayon ay sinunod ko nalang ang inutos niya. Sana lang may mabuting rason o kalabasan ang ginawa namin.

Kinabukasan ay hinatid ko nga ang bata sa bahay ng tatay niya, walang ka-alam-alam na anak niya pala ito.

Tinitigan ko ang bata. "Sana magkita tayo ulit." saad ko sa natutulog. Inilagay ko na siya sa isang crib sa tapat ng pinto at nagdoorbell. Nang marinig kong may paparating ay dali-dali akong nagtago.

"Wow! Bro! Halika nga rito!" rinig kong sigaw ng isang lalaki.

"You disturb me!" saad naman ng lalaking nakasimangot at gulong-gulo ang buhok. Ito 'yong boyfriend ng anak ni Sir.

"What?" medyo naiinis na tanong nito ng makalabas sa pinto. Nakangiting itinuro naman ng isang lalaki ang crib kaya napatingin din ito sa itinuturo ng kaibigan.

"May service na bata, Bro." saad naman ng lalaki. Hindi naman ito nagsalita at nakatitig lang sa bata. Napakunot noo ito nang makita ang bata.

"I think I saw him already. I guess, yesterday? Sa B.C. Hospital?" nakakunot-noong tanong ng boyfriend ni Ma'am nagkibit-balikat naman ang kaibigan nito at may inaalala.

"Ahh... 'yong nasunog kahapon sa B.C. Hospital?" nanlalaking mata ng kaibigan dahil sa naalala. Nakakalokang mukha.

"Pfft." napatakip ako ng bibig muntikan  na sana nila akong makita kung hindi ko lang napigilan na bumulwak ng tawa.

"Minumulto ba tayo ng bata?" nagpipigil na naman ako ng tawa dahil sa mga pinagsasabi ng lalaking 'to.

"No, dumbass he's alive." kinuha niya ang bata at pumasok sa loob. Inutusan niya naman ang kaibigan para kunin ang crib, kinuha rin naman ito at sumunod papasok.

Sana lang ay maganda ang magiging rason nito. Kahit gustong-gusto ko ng sabihin na sarili niyang anak iyon pero hindi puwede.

Nang masiguradong wala na sila ay lumabas na ako. "Sana ay alagaan mo ng mabuti ang sarili mong anak. Sir gave you and her daughter a beautiful connection in the future." saad ko at umalis na.

SAVINA POV

Isang buwan na ang nakalipas simula ng malibing ang anak ni Chum. Iyak siya nang iyak noon parang hindi na nga sana niya ipapalibing ang bata. Naaawa ako kay Chum sobra.

Parati siyang walang ganang kumain, matulog, parating umiiyak, hindi lalabas kaya namumutla dahil hindi na nakakakuha ng vitamins galing sa sikat ng araw.

Kinakailangan ko pa siyang sermonan para kumain o matulog at kinakailangan ding bantayan siya dahil noong isang araw muntikan na siyang nagpakamatay, mabuti nalang at napigilan siya ni Joan.

Napilitan din akong mag-absent muna paminsan-paminsan  sa trabaho nagsasalit-salitan kami sa pagbabantay kay Amira. Nakakakain naman siya pero maliit lang dahil hindi niya ito inuubos.

It really broke her heart no'ng nawala ang anak niya sakaniya.

Nag-offer si Natasha sa 'min na pumunta raw kami sa beach resort nila doon sa Cebu. Para raw bumalik na siya sa dating Amira na nakilala namin. Iyong masayahin. Nang tanungin ko si Amira tungkol sa offer ni Natasha ay tumango lamang siya.

"Chum please kumain ka na ng marami pumapayat ka na!" pagmamakaawa ko sakaniya para lang makakain na siya.

"Chum, wala na 'yong anak ko." nanghihina na niyang sabi at nagsimula na naman siyang umiyak.

"Amira kailan ba namin makikita ulit ang dating ikaw?" Hindi siya sumagot at nakatulala lang sa picture frame. Picture ng anak niya.

"Chum I know how painful it is to lost a child but please miss na miss na namin ang dating Amira." hindi ko sana gustong umiyak sa harapan niya pero hindi ko na makayanan. Sobrang sakit na makita siyang ganito na naghihirap. Lumingon siya sa 'kin at bigla nalang akong niyakap. Naramdaman ko na, tumango-tango siya.

"Akala mo ba? Magugustuhan ito ni Baby Azumir?" tanong ko at kumalas sa yakap.

Mabalis siyang umiling-iling. "I'm sorry, Chum." tumulo ang luha niya. Hinawakan ko ang mga kamay niya at pinisil-pisil iyon. "H-hindi ko naisip na puwedeng ikasira mo rin ang mga ginagawa ko. Sorry, sana mapatawad mo 'ko." napangiti ako at tumulo ang luha sa pisnge ko.

"Hindi ako galit sa 'yo Chum, nag-aalala lang ako na baka mapano ka. Mahal na mahal kita Bestfriend." Ngumiti siya pero alam kong peke iyon. Sinuway ko siya sa ginawa niya.

"Hoy ikaw'ng babae ka! Hindi ko gusto iyang ngiti mo ah! Ang fake!" pagma-maldita 'kong sabi at umirap. Oo, kailangan kong gawin 'yon para hindi na siya iiyak pa.

"Ganito ba dapat?" ngumiti siya ng malawak at ipinakita sa 'kin ang mukha niyang nakangisi.

"Oo ganiyan!" pinunasan ko na ang pisnge ko.

Sandaling tumahimik ang paligid. "Mahal na mahal din kita Bestfriend." ngumiti siya pero ngayon totoo na ito. Napangiti nalang ako.

Our Beautiful Connection (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon