Chapter 7
AMIRA POV
"Ito 'yong magiging kwarto mo, okay lang ba sa'yo na diyan ang kwarto mo? Iyan kasi 'yong kwarto ni Tita Kaira." tanong ni Chum sa 'kin habang tinuro Ang nasa harapan namin na pinto.
"Okay lang," nakangiti kong sang-ayon sakanya. "Buti naman" sunod at itinuro niya naman ang nasa kaliwang pinto ng pinto na nasa harapan namin. "At iyan naman ang kwarto ko." tumango-tango ako.
Binuksan na niya ito at pumasok na kami rito. Napalibot ang mga mata ko sa kabuoan ng silid simple lang ito na kwarto, may study table, may lamesa na hindi masyadong maliit na may maliit na lampshade at isang picture frame na mukha nung babae, hindi talaga ako magsasawang sasabihin na sobrang ganda talaga ng babae at 'yong ngiti niyang sobrang perfect na mas lalong nakakapagpaganda sakanya lalo.
May aparador din na hindi masyadong malaki. May maliit din na library dito katabi ng study table parang ako lang dahil pinapalagyan ko ang kwarto namin sa bahay ng maliit na library. May table din na may mga lalagyan ng mga make-up, may salamin rito at saka upuan.
"Ay perfect din! Kaya dito ko na napili na dito nalang ang kwarto mo kasi nga mahilig ka sa mga libro kaya ayon. Pero napansin ko pareho pala kayo ni Tita Kaira na mahilig magbasa ng libro." Nakangiti niyang saad sa 'kin. Napangiti rin ako. Oo nga.
Inilagay niya ang maleta ko sa gilid ng magiging kama ko. Lumapit ako sa kama. Kinuha ko ang maleta ko at binuksan ito para matupi ko na at mailagay na ito sa closet pero sinuway na naman ako nitong maganda kong bestfriend.
"Chum 'di ba sabi ko sa'yo na magpahinga ka nalang?" saway ni Chum. Nagiging pabigat na talaga ako kay Chum.
"Hindi na, ako na please promise after this I'll gonna get a rest." pamimilit ko sakanya at saka nagpuppy-eyes.
Bumuntong hininga siya, napangiti ako dahil ito na ang sign na matatalo na siya. "Hay nako ang kulit mo. Ok sige basta magpapahinga ka na pagkatapos niyan ha?" maotoridad na saad ni Chum sa 'kin.
"Oo" sagot ko at mabilis na napatango-tango.
Lumakad na siya palabas sa kwarto. "Hay bakit ba kasi ako parati nalang na madadala ng puppy-eyes niya eh," rinig kong pabulong na reklamo niya.
Sa tuwing may hihilingin ako kay Chum basta magpapuppy-eyes ako ay mapa-Oo nalang siya kasi isa rin 'yon sa kahinaan niya.
Sinimulan ko na ang pagtupi pero hindi lahat kasi ang iba ay inilagay ko sa hanger dahil may pagsasabitan rito ng mga hanger sa right side. Nang ilalagay ko na sana ang mga damit na natupi ko na ay may nakita akong isang brown envelope na maliit na halatang matagal na sa loob ng aparador. Dala ng kuriosidad ko ay kinuha ko ito at saka binuksan. May nakita pa akong isa pero inuna ko muna ang isa at saka nalang ito ilalabas kapag tapos ko ng basahin ang isang inilabas ko. Sa pagbukas ko ay nalaman ko na Love letter pala ito.
Dear Amilo,
Mahal ko, kung mababasa mo man itong sinulat ko para sa'yo pero sana nga na mabasa mo ito. Una, gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita na nasa puso't isipan lang kita palagi. At dahil sa mahal na mahal kita kaya isinuko ko ang aking puso at pagkababae, pero hindi ako nagsisi dahil nagkabunga ang ating pagmamahalan ng isang magandang babaeng anghel ang anak natin.
Siguro bago mo pa ito mabasa alam kong alam mo na, na may anak na tayo sana aalagaan mo siya ng kagaya ng pag-aalaga mo sa 'kin at mamahalin ng buong-buo.
Siguro alam mo na kung anong gusto kong ipangalan ng anak natin hindi ba?Alam ko rin na hindi tayo tanggap ng mga magulang mo dahil isa lang akong mahirap at ikaw ay mayaman kaya hindi nila ako gusto na maging para sa'yo. Pero 'wag kang mag-alala alam na alam ko, na mahal na mahal mo rin ako.
Sana kung magkita man kayo ng anak natin ipakilala mo nalang ako sakanya ha? At pakikwento nalang din ang mga masasayang ala-ala na'tin sakanya.
Pakisabi nalang din sakanya na mahal na mahal ko siya ng sobra at patawad na rin dahil idinala ko siya sa isang bahay-ampunan kasi hindi ko siya maaalagaan ng maayos dahil wala akong pera na pwedeng ipambili ng gatas at iba pang pangangailangan ni Baby.
Mahal na mahal kita Amilo Verda.
At syempre pati na rin ang aking kaisa-isang anak ko. Ang anghel ko. Mahal na mahal ka ni Mama.
Love,
Kaira Hernaez*~••~*
Nagulat ako na magkaapilido lang pala kami ng asawa niya.Nang mabasa ko ito ay naramdaman ko ang pagmamahal ng babae sa bata at sa lalaki. Pakiramdam ko na parang ako 'yong sinabihan niya na para bang nasa harapan ko lang siya na nagsasalita.
Pero nakakalungkot lang dahil hindi na sila magkikita pa ng anak niya at ng asawa niya dahil wala na siya.
Bakit gano'n ang mga tao? Bakit kung mayaman ang mga magulang at magkakaroon ng nobya o nobyo ang mga anak nila na hindi mayaman ay bakit hindi nila papayagan na magkatuluyan ang dalawang taong nagmamahalan? Bakit kailangan na 'yon pa ang magiging hadlang ng dalawang taong nagmamahalan. Bakit ang pagiging mahirap pa ang magiging hadlang?
Kung nagmamahalan naman sila at iyon ang ikakasaya ng dalawa. Bakit hindi nalang nila suportahan ang magiging desisyon o ang ikakasaya ng anak nila?
Naaawa ako sa babae dahil mahal na mahal niya ang lalaki pero nagpaka-martyr nalang siya dahil wala rin siyang magagawa dahil magulang na ng lalaki ang magiging kalaban niya. Nakakaawa rin 'yong bata na napunta sa bahay-ampunan dahil hindi na niya makikita ang kanyang ina dahil wala na ito.
Sana lang na parati siyang maging masaya, parating hindi magkakasakit, sana lumaki siyang mabait, mapagmahal at matulungin na bata at higit sa lahat sana ay makahanap siya ng ikalawang bagong pamilya na magmamahal sakanya, na maga-alaga at magpapasaya sakanya.
Binuksan kong muli ang brown envelope at ibinalik ko na ang Love Letter na kinuha ko kanina at kinuha ko na naman ang isang pang laman nitong brown envelope. Nakita ko na may dalawang picture.
Ang isang picture ay nandoon ang babae na nakangiti ng malawak habang may kahawak-kamay na isang lalaki siguro ito 'yong lalaki na nobyo ng babae. Iyong lalaki ay gwapo, maputi, may mahahabang pilik-mata, matangos din ang ilong nito, may mga brown na mata na parang parating kumikinang, mapupula rin ang kanyang mga labi at nakangiti ito ng malawak.
Makikita talaga rito ang pagmamahalan nila sa isa't isa. Bagay talaga silang dalawa.
Sa ikalawang picture naman ay may isang baby na nakangiti na parang gustong-gusto niya ang pagkukuha ng picture sakanya. Ito 'yong anak nong babae. Napangiti ako dahil manang-mana niya talaga ang mukha ng mga magulang niya.
Ibinalik ko na ang dalawang picture sa brown envelope. Dapat na ibalik ko na ito sa aparador pero ewan ko ba bakit inilagay ko ito sa loob ng maleta ko.
Itinuloy ko na ang paglagay ng mga damit ko sa loob ng aparador at pagkatapos ko no'n ay naglinis ako sa kama at doon sa lagayan ng mga make-up na may salamin at upuan. Inilagay ang mga gamit ko roon at inilagay ko rin ang picture frame ko katabi nung sa babae. Nang matapos na ako ay humiga na ako sa kama at saka natulog na.
BINABASA MO ANG
Our Beautiful Connection (On-going)
RomancePara sa mga ina ang pinakamasayang nangyari sa buhay nila ay ang magkaroon ng anak sa unang kita palang nila sa mukha ng mga anak nila ay para itong anghel na ipinababa sa langit. Pero gano'n din ka sobrang sakit sakanila ang mawalan ng anak dahilan...