Chapter 21

1 1 0
                                    

Chapter 21

SAVINA POV

"Miss!" Hala! Oo nga pala. May kausap pala ako ngayong guwapong lalaki. Ano ba 'yan! Tulaley ka naman diyan Savina!

"W-what c-can I h-help y-you S-Sir?" utal-utal kong tanong kaya napakagat labi ako.

"Hi I'm Rafael Lazaro. Is my cousin Lawrenz Fortes here?" Ah! So siya pala iyong sinabi ni Natasha sa 'kin na pinsan nilang dapat kong e-entertain. Walang duda nga, ang guwapo kasi nitong nasa harapan ko ngayon. Para siyang model? Siguro? Gusto ko sanang magtanong pero parang ang rude naman noh? Feeling close?

"Boss Law is not here but Miss Natasha said earlier that I will assist you," nakangiti kong sabi. Tumango-tango naman siya.

"You can come inside Sir Lazaro." pag-aaya ko. Umuna na akong pumasok at hinintay muna siyang pumasok, hinawakan ko ang pintuan para hindi siya masaraduhan.

Umupo siya agad sa sofa dito sa office ni Boss Law siguro ay dahil sa pagod sa biyahe dahil narinig ko kanina na may bibisita raw ditong isang lalaking galing daw Manila siguro siya na 'yon.

"You want a coffee Sir?"

"No, thanks. I want to sleep."

Ay Oo nga naman kung papainumin ko siya ng kape edi hindi na siya makatulog. Nawala ang utak mo Savina.

"Tawagin niyo nalang po ako kapag may kailangan kayo magalang kong saad at aalis na sana.

"What's your name?"

"I'm Mr. Lawrenz secretary. You can call me miss Santiago." ngumiti ako.

"Okay. By the way, your beautiful." sabi niya at nag-wink pa sa 'kin. Wow! Mabuti pa 'tong pinsan ni Boss Law napansin niya ang ganda ko. Pero naisip ko lang... PLAYBOY! Ay alam ko na ang mga galawan ng mga ganitong lalaki eh! Sasabihan ka ng maganda ka tapos magpapakilala, makipagkaibigan, manliligaw, tapos sasagutin naman, naging kayo, at ibe-break hayss...

Ngumiti nalang ako at papaalis na pero nagsalita na naman siya. Bakit hindi niya ako paalisin? Nabihag siguro sa kagandahan ko! Walang duda! Sobrang ganda ko kasi! Walang aangal! Naalala n'yo ba ang sinabi ko kay Chum? 'Yung Basta Savina Santiago kasi ang pangalan ay asahan mong maganda iyan.

"Wala manlang pa-thank you diyan?" tumayo siya at papalapit nang papalapit sa 'kin. Bahagyang tumaas ang kilay ko at umatras nang umatras. Iki-kiss niya ba ako? Game! Pero dapat may paatras-atras muna noh? Gan'yan kasi ang mga nakikita ko sa mga movie or nababasa ko sa mga stories minsan eh para nang tanongin ko si Chum sabi niya kaya maypa ganiyan-ganiyan daw dahil para may kilig daw dahil ganiyan na raw ang gusto ng mga nasa millenial ngayon.

Naramdaman ko nalang sa likod ko na pinto na pala ang nasandalan ko. Unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa 'kin. Ang bango niya! Anong perfume gamit niya? Parang gusto ko ring bilhin pero sana iyung afford ko lang.

Ayan na malapit naaa...

Nang biglang may nagbukas ng pinto kaya natulak ako rito, kaya natulak ko rin si Sir Lazaro. Nagulat ako dahil... dahil... nakita ni Boss Law ang posisyon namin nakadagan ako kay Sir Lazaro at—nakakiss ko nga si Sir Lazaro! Dali-dali akong tumayo at inayos ang sarili.

"Did I disturb?" walang emosyong tanong ni Boss Law. Bakit ganoon? Hindi kasi ako sanay na ganito siya magsalita. Parati kasi ay may buhay o ngingiti siya. Pero ngayon hindi ko mahanap ang mga ngiti niya. Siguro ay nagalit siya dahil may naghahalikan sa sarili niya pang office, pero hindi naman namin sinadya iyon! It's just an accidental kiss!

Tumayo naman si Sir Lazaro. "Yeah." nakasimangot na sagot naman ni Sir Lazaro. Napalingon agad ako sakaniya.

Ano raw?

Parang sinasabi niya naman na parang hindi aksidente iyon. Para siyang si Joan kung paano magsalita dahil mali-mali!

Ginusto mo naman 'yun Savina!

Napailing-iling ako. "Hindi!" napalingon tuloy silang dalawa sa 'kin. Nanatiling walang emosyon pa rin si Boss Law at si Sir Lazaro naman nakangisi kaya napasapo ako sa noo ko, nang marealize ang sinabi ko.

"Acci-"

"I don't ask." mabilis na putol ni Boss. Nilagpasan niya kami at dire-diretsong naglakad papunta sa office chair niya at busy sa mga documents na nasa table. Napalingon ako kay Sir Lazaro, nakangiti siyang nakatitig sa 'kin kaya napakunot-noo ako. Nag-wink na naman siya sa 'kin. "S-sit down S-sir." utal-utal ko na namang pag-aya. Ano bang nangyayari sa 'kin? Bakit sa tuwing kaharap ko ang lalaking 'to ay parati akong mautal-utal?

At ito pa namumula ang magkabilang pisnge ko!

"Kumusta Cous'?" pangangamusta ni Sir Lazaro kay Boss sabay upo kaya napatingin ako kay Boss.

Nakatitig siya sa 'kin. "I'm fine." sagot naman niya habang hindi nakatingin sakaniya si Boss Law. Naiilang tuloy ako, I mean noon hindi naman ako ganito ah? Ito nga iyong gusto ko eh! Iyung palagi niya akong titignan dahil alam ko hindi siya magsasawa sa maganda kung mukha. Naiilang din ako dahil sa nangyaring accident kissing scene kanina. Itinuon ko nalang ang pansin ko kay Boss Law. Umiwas siya ng tingin at bumalik sa ginagawa niya kanina.

"You can go now, Vina." saad ni Boss. Nakangiti akong tumango. Kahit nag-aalala kung bakit hindi siya ngumingiti.

"Bye! Beautiful!" rinig ko pagsigaw ni Sir Lazaro nang makalabas ako sa pinto. Napailing-iling nalang ako.

Aminin mo Savina! Gustong-gusto mo ang kiss at ang pagtawag niya ng beautiful sa 'yo!

Mas napapailing-iling ako. Umupo nalang ako sa upuan ko at pinipilit na ituon ang atensyon ko sa mga kakailanganin kong gawin ngayong hapon. Hanggang sa dumating si Natasha at tinanong ako kung nandito naba ang pinsan niya.

"Oo nandiyan na ang pinsan mong playboy!" sagot ko.

"Yeah he's a playboy pero guwapo? 'Di ba type mo mga guwapo?" nag-wink siya. "Did he passed to your taste?"

"Hala!" wala sa sariling napahawak ako sa labi ko feel ko parang nandito pa rin ang mga labi niya! Gosh! Ngayon ko lang naalala na first kiss ko pala siya! Ang playboy na iyon dapat panagutan niya!

"OMG! Nag-kiss kayo?!" agad ko namang tinabunan ang bibig niya dahil napapalingon sa 'min ang ibang mga tao.

"Hindi! Ay I mean Oo, ay hindi! Oo, hindi. Dahil aksidente lang iyon!" mahina at natataranta kong sabi at inalis na ang mga kamay ko sa bibig niya.

Ngumisi siya ng nakakaloko. "Anong nginingiti mo diyan?"

"Sinasabi ko na nga ba. Kahit mo sabihin I already knew. My conclusion is right! When you just touch your lip no'ng binanggit ko ang taste?"

Napairap ako. "Pumunta ka na ngalang do'n sa loob!" pagtataboy ko sakaniya.

Tumatawa naman siyang nagpaalam at pumasok na.

Our Beautiful Connection (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon