Chapter 30
AMIRA POV
“Salamat.” napatawa tuloy kaming lahat except kina Mikka at Joan na nakabusangot.
"How about you Chum? You said boyfriend mo na 'yong gusto mong lalaki? Bakit hindi mo pa siya pinapakilala sa 'kin?" nakataas na kilay kong tanong.
“Relax Chum, paparating na 'yon d– Oh! Ayan na siguro.” tatayo na sana siya pero pinigilan ko. Ako na ang nagpresinta na magbukas ng pinto. Nang mabuksan ay nagulat ako sa taong nasa harapan ko.
“Amira/Rafael?” pareho kaming nagulat. Pinapasok ko muna siya sa loob at pinaupo. Umupo naman siya sa tabi ni Chum at humalik sa pisnge nito.
"OMG! 'Di ba ikaw 'yong doctor sa B.C. Hospital?” gulat na saad ni Joan. Teka 'yong hospital ba na tinutukoy ni Joan ay 'yong hospital na kung saan inuluwal ko ang anak ko? Papaanong nangyaring nandoon si Rafael?
“Hala! Ikaw nga 'yon.” gulat din si Harrah.
Napakunot-noo naman si Rafael at mukhang nag-iisip. “Ah Oo! Kayo pala 'yon?”
“Saan na 'yong kasama mong poging doctor? Type pa naman niya si Amira.” napalingon ako agad ni Joan.
“Ano?” sa pagkakaalam ko nanganganak na ako no'n eh! Walang sumagot sa tanong ko.
“Ahh you mean si Azure?” tumingin naman sa 'kin si Rafael pero inirapan ko lang siya. So all this time muntikan na sanang malaman ni Azure na may anak na ako, sakaniya? Buti hindi nagkita sina Chum at Azure dahil paniguradong magtatanong 'yon.
“Ahhh Azure pala pangalan niya?” tumango-tango at nakangiting saad ni Joan. “Anong apili–”
“ANO?!” malakas na sigaw ni Chum. Ngayon niya lang ata na digest ang narinig. Lumingon siya kay Rafael.
“Bakit galit na galit ka Savsav gurl?” nagtatakang tanong ni Joan.
“Siya 'yung sinasabi ko sa inyong ex-boyfriend ni Chum.” sagot niya habang hindi pa rin winawala ang masamang tingin kay Rafael.
“You mean 'yong fa–”
“John Ponte!” pagpapatigil ko sakaniya, agad naman siyang napatikom ng bibig. “Kaloka!”
“T-teka kung kayo 'yong nandoon sa B.C. Hospital... Kilala niyo 'yong ina ng bata?” nagulat ako sa sinabi n'ya kaya napalingon ako kay Rafael.
“Bakit interesado ka sa ina ng bata?” nagtatakang tanong ni Chum.
“Wala lang.” sagot n'ya.
They're busy talking na naman but now with Rafael. Hindi naman nagkagusto si Joan kay Rafael dahil nga sa nalaman niyang boyfriend pala ito ni Chum. Nagpaalam nalang ako sakanila na aakyat ako sa taas, pumayag naman sila. Halatang nag-eenjoy talaga sila.
THIRD PERSON POV
May mag-amang parehong nag-aayos ng kanilang sout, nakaharap sa salamin. Parehong mga gwapo. Ngunit nakasimangot ang mukha ng bata dahil hindi nito ma-close ang zipper sa pantalon nito.
“What's wrong son?” itinuro naman nito ang hindi pa na-close na zipper. Lumuhod naman si Azure para iclose ito.
“Daddy when will I see Mommy Amira?” curious na tanong ni Azi dahilan para magulat si Azure. Nagulat siya dahil kilala niya si Amira hindi sa pagtanong ng bata sanay na kasi siyang tinatanong ng bata na nasaan ba raw ang Mommy niya.
“How did you know Amira?” pagtatanong niya. Tapos na niyang i-close ang zipper nito at tumayo.
“Grandma tell me.” sagot naman ng bata. Kinuha ni Azure ang maliit na bag nito at isinuot sakaniya.
BINABASA MO ANG
Our Beautiful Connection (On-going)
RomancePara sa mga ina ang pinakamasayang nangyari sa buhay nila ay ang magkaroon ng anak sa unang kita palang nila sa mukha ng mga anak nila ay para itong anghel na ipinababa sa langit. Pero gano'n din ka sobrang sakit sakanila ang mawalan ng anak dahilan...