Chapter 10

1 1 0
                                    

Chapter 10

SAVINA POV


Tumayo na ako at nagtungo sa kusina para kumuha ulit ng apple binili ko 'to kanina nang madaanan namin 'to.

Napatingin ako sa paligid na-miss ko talaga ang bahay na 'to at pati narin sila Papa, Mama at Tita Kaila. Namatay si Papa noong 10 years old palang ako dahil nagka-heart attack siya.

Mga ilang taon kami ni Mama bago nakapagmove forward. Nagsipag talaga kami ni Mama na makapagtapos ako ng college para ako naman ang mag-aalaga at magtatrabaho para kay Mama. Hanggang sa nakapagtapos nga ako ng pag-aaral ang saya-saya ko talaga noon at sa wakas hindi na kailangan ni Mama na magtrabaho dahil ako na ngayon ang magtatrabaho para sakanya.

*~••~*

Isang araw napagplanohan namin ni Mama na magluluto siya ng sinigang na baboy ulit, para sa graduation ko kahit na tapos na kahapon.

Sabi ni Mama, pupunta muna siya do'n sa may pamilihan ng mga karne. Tumango naman ako at naghintay sakanya kung pupunta ka kasi do'n sa pamilihan ng mga karne ay makakatawid ka pa kasi ng kalsada kaya do'n nalang ako sa gilid ng kalsada na kaharap ng pamilihan ng mga karne ng baboy  naghintay kay Mama.

Nakita ko naman na tapos na si Mama sa pagbili at tumawid na siya sa kalsada nakangiti akong tumingin kay Mama habang tumatawid siya sa kalsada. Napalingon ako sa kaliwa ko ng magkagulo ang mga tao nagulat ako nang may kotse na nawawalan ng preno.


Mabilis ang mga pangyayari nakita ko na lamang si Mama na nasagasaan nung kotse mabilis akong tumakbo sa kung saan nakahandusay si Mama na maraming pasa sa katawan  at sa mukha na naliligo ng sarili niyang dugo. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Ipinatong ko ang ulo ni Mama sa hita ko kahit na punong-puno siya ng dugo sa katawan at sa mukha ay wala akong paki.

"Ma, d-'diba m-magluluto ka p-pa? Ma d-'di ba m-magtatrabaho p-pa ako a-at l-lahat ng s-sweldo ko i-ibibigay ko s-sa'yo 'di ba? P-pero b-bakit i-iiwan n'yo ako ngayon?" Umiiyak kong saad kay Mama. Ngumiti naman siya. Mas lalo pa akong napaiyak ng makita ko ang ngiti niya. Pilit niyang iniabot Ang mukha ko kinuha ko ang kamay niya at inilagay sa mukha ko.

"A-ang m-maganda at m-mabait kong anak. A-ang s-saya at s-swerte ko d-dahil nagkaroon ako ng a-anak na k-katulad mo. S-sorry anak na h-hindi na m-makakapagluto s-si M-mama p-para sa'yo at h-hindi mo na m-maibibigay sa'kin ang l-lahat ng sweldo mo k-kaya p-pasensya na talaga." hirap na sabi ni Mama sa 'kin. Pinunasan niya ang mga luha sa mukha kong walang tigil ang agos ng luha.


"S-siguro m-magkikita-kita na kami nang P-papa at Tita mo a-anak. S-sana m-magkikita na k-kayo ng p-pinsan mo. T-tandaan mo m-mahal n-na m-mahal kita Savina."

"M-mama s-sorry din po na hindi kita nailigtas. Ma naman eh, h'wag n'yo po iyang sabihin. Promise po hahanapin ko po ang pinsan ko. Mahal na mahal din po kita Mama." Nakita ko naman na napangiti siya at tumango-tango nang dahan-dahan. Nagulat ako ng bigla niya nalang binitawan ang mukha ko at pumikit ng dahan-dahan. Napahagulhol ako at wala na talagang tigil ang pag-iyak ko.

"M-mama, Ma! Ma! Mama!"  Napailing-iling ako. Niyogyog ko siya at pilit na pinapagising kahit alam kung hindi na siya gigising. Niyakap ko siya ng mahigpit at walang tigil sa pag-iyak.

*~••~*

Napabalik ako sa realidad ng may nagpunas ng mukha ko.

"Chum bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong niya sa 'kin. Napatitig ako sa nag-aalala niyang mukha at napangiti ako. Ang ganda talaga nitong bestfriend ko. Naalala ko no'ng una naming pagkikita ni Chum. Iniligtas ko siya no'ng muntik na siyang masagasaan ng isang kotse. Kaya ko siya iniligtas no'n dahil naalala ko sakanya si Mama at talagang labis ang pagsisisi ko ng hindi ko nailigtas si Mama.

"Savina, bakit ka ba umiiyak?" nag-aalalang tanong ulit nito ng hindi ko siya nasagot kanina.  Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Nagpunas naman ako.

"Wala" nakangiting sagot ko.

"Nami-miss mo na ba ang mga magulang mo at yung Tita Kaira mo?" tanong niya sa 'kin. Dahan-dahan naman akong tumango.

Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap sabay sabing, "Iiyak mo lang 'yan Chum. Hindi naman masamang umiyak. Tayo-tayo lang naman dito eh kaya h'wag ka nang mahiya sa 'kin. Alam ko na naman eh kung pa-paano ka umiyak. At saka nandito lang ako. Promise hindi ako titingin sa 'yo kapag iiyak ka, even though I already knew." Natawa naman ako sa sinabi niya.

Buti nalang talaga nakilala ko talaga 'tong babaeng 'to eh. Ang swerte ko na maging kaibigan siya. She's always stay by my side and always comfort me like now, whenever I'm in the emo mode.

"Ano hindi ka ba iiyak?" pabirong tanong niya habang nakayakap pa rin sa 'kin. Natawa na naman ulit ako at saka nagpunas ng mukha dahil may tumutulo pang luha sa pisnge ko.

"Hindi na natatawa na ako eh," natatawa kong saad. Narinig ko rin na tumawa rin siya at saka kumalas na siya sa pagkakayakap sa 'kin. Lumakad na kami papuntang sala.

Napatingin naman ako sa tv. Nagningning agad ang mga mata ko. May commercial kasi na spaghetti kaya speaking of spaghetti. Naalala ko na may baon pala kaming spaghetti inilagay ko 'yon kanina sa Ref..

Nagkatinginan naman kaming dalawa at saka ngumisi. Nakatakbong bumalik kami sa kusina at huminto lang nung nasa harapan na namin ang Ref.. Binuksan ko ang Ref. at saka kinuha ang spaghetti na sa tupperware.

Nakita ko naman na kumuha si Chum ng mga tinidor. Inilagay ko ang tupperware sa lamesa saka ito binuksan.  Nang maamoy namin ang spaghetti ay mas natakam kami. Kumuha na kami at saka kumain.

"Yum! Yum! Yummy!" sabay naming saad.

"Ang sarap mo talagang magluto Chum."

"Oo naman ako pa." proud niyang saad sabay subo ng spaghetti. Napangiti nalang ako at sumubo rin. Hanggang sa tapos na kaming kumain nakulangan pa nga kami eh pero no choice kung hindi tanggapin ang katotohanan na ubos na talaga.

Natawa rin kami sa mga mukha namin dahil para kaming mga bata na hindi marunong kumain dahil may mga sauce pa sa mga pisnge at labi namin.

"Pupunta na ba tayo kina Mikka?" tanong niya habang nagpupunas ng mukha niya tapos na ako kaya siya naman ngayon ang nagpupunas ng mukha. Ay Oo nga pala nawala tuloy sa isip ko 'yon eh kasi naman dahil kasi sa spaghetti eh hahaha. Hay nako Savina sinisi mo pa 'yong spaghetti.

"Ahm ok sige tara na." sang-ayon ko.  Makakalimot pala talaga kapag may masarap kang kakainin nalimotan ko kasi eh na pupunta pala kami kina Mikka. Pinauna ko na siya at sumunod naman ako.

Our Beautiful Connection (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon