Chapter 8
RAFAEL POV
Nakaka-awang Azure ayon iniwan ni Amira. Ano ba kasing nagawa niya at naiwan siya? Mabuti pa ako hindi ini-iwan ng babae kasi ako ang mang-iiwan sakanila. Kanina pa siya tawag nang tawag sa phone kay Amira at mapapamura kung hindi masasagot.
"Fuck what did I done wrong? Bakit ako iniwan ni Mira?" tanong niya sa 'kin.
"Hindi mo rin alam? Itatanong ko pa lang sana 'yan sa'yo eh, tapos tinatanong mo ako. Bakit ba hindi mo alam? Eh, ikaw ang naiwan kaya baka alam mo ang sagot kung anong rason bakit ka niya iniwan." saad ko at saka humiga sa sofa habang may hawak-hawak na phone at nagta-type.
May ka chat akong magandang babae ngayon ang pangalan niya ay Lex.
Lex:
[Hi babe]Rafael:
[Hello Miss Gorgeous.]Lex:
[Hey! Why did you call me Miss? You're free to call me Babe too.]Rafael:
[Ow. Okay I will call you Babe.]Lex:
[Yes, and you're my boyfriend now. I want to meet you now Babe.]Rafael:
[I'm sorry, Babe but I'm busy.
I'll text you if I'll have a time to meet you okay?]Lex:
[So sad but okay I understand.]"RAFAEL!" napatingin ako sa tumawag ng gwapo kong pangalan kagaya ng nagmamay-ari nito ay sobrang gwapo. Lumingon ako sa tumawag sa 'kin.
"Oh? Kitang may ka-chat 'yong tao eh," saad ko sakanya.Tumaas naman ang isang kilay niya. "So salita ako nang salita pero kanina ka pa pala hindi nakikinig sa mga sinasabi ko sa'yo?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa 'kin. Medyo naka-awang ang ibabang labi niya.
"Ahmm... Yup?" patanong kong sagot sakanya. Napapailing-iling naman si Azure.
"Teka ano ba iyong sinabi mo kanina sa 'kin ha?" Pagtatanong ko.
"Ang sabi ko baka nagsasawa na si Amira sa 'kin dahil hindi ko na siya nabibigyan ng atensyon, hindi ko na siya naaalagaan, hindi na kami nagkakasabay kumain, at hindi ko na rin napapakita sakanya ang pagmamahal ko dahil sa busy ako sa trabaho." wika niya sabay napasabunot sa buhok niya.
"Baka 'yon nga ang dahilan. Alam mo kung ako si Amira, iiwan na talaga kita dahil ang maiisip ko baka hindi na niya ako mahal? O baka nagsasawa na siya sa 'kin? O 'di kayay may ibang babae na ba siya? Gan'yan ang mga pwedeng iniisip niya. So para sa'yo ano do'n sa tatlo?" Napaisip-isip naman siya.
"I think all." seryosong sagot niya sa tanong ko.
"Bakit nambabae ka ba?" Napatingin ako sa phone ko ng nagvibrate ito. Ini-mute ko kasi ang phone ko dahil maririndi ako sa dinami-dami kasi ng ka-chat ko. Pagtingin ko sa phone ko ay nakita ko na si Lex pala ang nag-chat sa 'kin.
Lex:
[I'm sorry babe gusto ko sanang maka-chat ka pa but my phone need to charge now. I'm sorry. I Love You.]Rafael:
[Ok. No problem go ahead. Bye. I Love You Too.]Napalingon ako kay Azure at nakita ko siyang bumalik na sa pagtatawag. Hay stress na stress talaga si Bro. Buti nalang talaga hindi ako ang ma-iistress dahil ang mga babae lang talaga parati ang mai-stress ng dahil sa pang-be-break ko sakanila.
Bilib na bilib talaga ako sa sarili ko ang dami kasing nagkakandarapa sa 'kin at isa lang sekreto kong bakit ang daming nagkakandarapa sa 'kin ay dahil ito sa ka-hot-an at ka-gwapohan ko. So mga boys if you want to be a hot and handsome like me. Just follow me.
"Hinanap mo na ba? Baka naman may pinuntahan lang si Amira or pina-prank ka lang niya?" tanong ko sakanya habang naghahanap ng mga magaganda sa Instagram. Naramdaman ko na napalingon siya sa 'kin at mapatigil sa pagda-dial sa phone niya na kanina niya pa ginagawa, nang itanong ko ito sakanya.
"Shit bakit hindi ko naisip 'yan?" saad niya at saka tumayo at dali-daling lumabas.
"Sa ano? Sa may pinuntahan lang siya or pina-prank ka lang niya?" pagtatanong ko. Kahit nagtataka ako ay sumunod ako sakanya.
"Maybe both?" patanong niyang sagot sa 'kin. Nakalabas na kami ngayon at nandito na kami malapit sa kotse niya. Sumakay siya sa kotse niya at gano'n rin ako.
"Teka! Bro, saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko sakanya habang nag-se-seat belt ako.
"Mira's bestfriend place." sagot niya at pinaandar na niya ito.
May bestfriend pala si Amira? Ba't hindi ko alam 'yon? Excited na tuloy akong makarating do'n. Siguro naman maganda 'yon 'di ba? Paniguradong hindi ako matatanggihan no'n kapag yayain ko iyong makipagdate kasi sa gwapo at sa hot ko ba namang ito kaya impossible talaga na hindi niya tatanggapin.
Nang makarating kami dito sa apartment ng bestfriend ni Amira ay dali-dali na namang bumaba sa sasakyan si Azure at nang makalapit ay nag-door bell ito.
Marami na ang nakatingin sa 'min na mga babae ngayon kasi nga mga gwapo at hot kami ni Bro Azure. Lumingon ako sa apat na babae at saka nag-wink at ayon nagpapanggap na nahimatay buti nalang may sumalo sakanya 'yong mga katabi niya.
Paulit-ulit na si Azure sa pagdo-doorbell pero wala pa ring bumubukas ng pinto hanggang sa may matandang babae ang nagsalita.
"Mga iho, sinong hinahanap n'yo?" tanong ng matanda. Tumigil si Azure sa pag-doorbell at hinarap ang matanda.
"Si Savina po nay. Saan siya? May nakita po ba kayong babae na kasama niya?" magalang na tanong ni Azure. Hehe alam ko na pangalan ng bestfriend ni Amira, si Savina pala. Oys pangalan pa lang halatang maganda. Mas nagiging excited tuloy ako na makita siya. Hay ang lawak ng ngiti ko ah? Sa sobrang pagkalawak nito feeling ko mangangalay itong panga ko. May narinig akong mga bulong-bulongan.
"Huh? Si Savina hanap nila?""Ang swerte naman ni Savina may naghahanap sakanya na dalawang hotties"
"They're so freaking hot and handsome Omy!"
"Girls you saw that? He smiled at me"
"No! I didn't saw it because I'm the one he smiled at duh?"
"Me!"
"No! It's Me!"
Hanggang sa nagbangayan ang apat kung sino raw nginitian ko eh wala naman sakanila dahil sa bestfriend ni Amira kaya ako napangiti ng malawak. Hay ang gwapo mo talaga Rafael.
"Ah si Savina? Wala siya diyan nakita ko kasing may dala-dala siyang maleta pero wala siyang kasamang babae." sagot ng matanda na nakapaglaho ng malawak kong ngiti. Pa'no na 'yan? Hindi ko na siya makikita. Ay teka! Siguro may boyfriend na 'yon at nakikipagtanan siya?
"Thank you po. Alis na po kami." pagpapasalamat naming dalawa. Sumakay na kami ulit sa kotse ni Azure.
BINABASA MO ANG
Our Beautiful Connection (On-going)
RomansaPara sa mga ina ang pinakamasayang nangyari sa buhay nila ay ang magkaroon ng anak sa unang kita palang nila sa mukha ng mga anak nila ay para itong anghel na ipinababa sa langit. Pero gano'n din ka sobrang sakit sakanila ang mawalan ng anak dahilan...