Chapter 32
AMIRA POV
I feel nervous and I don't know why. We're here in A Entertainment. They were staring at me and some are taking pictures with me. Tahimik lang kaming dalawa ni Chum habang papaakyat ang elevator hanggang sa bumukas ito.
Nang nasa harapan na namin ang pinto ay tumingin si Chum sa 'kin halatang kinakabahan din. Hinawakan ko ang kamay niya kahit na kinakabahan din ako. Kumatok na siya sa pinto. Bumukas naman ito ka agad.
Bakit parang gulat naman 'tong P.A.?
“Anong kailangan niyo?” pinisil-pisil ko ang kamay ni Chum. “Nandiyan ba si Sir Amilo Verda?” tumango naman ito at binuksan ng malaki ang pinto para papasukin kami.
Agad kong nakita ang isang hindi gaanong ka tanda na lalaki but I can see that he's a handsome in his younger ages. Kagaya sa nakita ko sa picture ang kaibahan lang ngayon ay may mga puti na ang mga buhok niya at hindi siya nakangiti.
Itinuro niya ang sofa kaya umupo kami. Nagtataka ako kung bakit hindi pa siya umuupo at nagulat ng bigla niya nalang akong niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko ang luha na binabasa ang damit ko at rinig na rinig ang kaniyang paghagulhol. Napatingin din ako sa P.A. niyang nakangiting lumuluha na nakatingin samin.
“My daughter.” inilayo ko ang sarili ko sakaniya. “B-bakit mo sinabi 'yon?” naguguluhan kong tanong.
Ibinigay ni Chum ang dalawang envelope kay Sir Verda. Kinuha niya ito sa kamay ni Chum. Tiningnan noya muna ito at sinimulang binasa. Nakatingin lang ako sakaniya habang nagbabasa siya maya't maya bigla nalang siyang napahagulhol. Kitang kita ko kung paano siya kalungkot.
“Ikaw ba ang ama ng pinsan ko?” tanong ni Chum sakaniya. Dahan-dahan naman siyang tumango.
“Kung gano'n, where is she?” napatingin si Sir Verda sa 'kin, habang may mga luha pa rin sa mukha niya. I'm controlling my self from not wanting to wipe his tears. Hindi ko alam kung bakit. Basta ang para sa 'kin nasasaktan din ako kapag nakikita siyang umiiyak kahit ngayon ko lang siya nakita.
“She's my daughter, your bestfriend, your cousin.” sagot niya at kasabay no'n ang pagbagsak ng mga luha niya. Napasandal nalang ako sa sofa. Sobrang naguguluhan na rin si Chum sa mga nangyayari.
“I'm the one who named you, Amira Verda.” so that's explained why we're having a same surname because I'm his daughter?
“Bakit hindi ka nagpakilala bilang ama ko o nagpakita man lang? Bakit hinayaan mo akong mag-isa? Alam mo ba kung paano ako awang-awa sa sarili ko na gustong-gusto kong may makilala na magulang pero hindi ko magawang maramdaman kung paano magkaroon ng mga magulang dahil bata palang ako ay wala na akong kinikilalang magulang. Alam mo ba ang nararamdaman ko ha?” napahagulhol na ako.
“I'm sorry.” nahihirapan niyang sabi at nagtangkang lalapit sana pero binawalan ko siya kaya napaupo nalang siya ulit.
Pinunasan ko ang mga luha ko. “Bakit mo nagawa iyon?”
“Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa iyo. Naisip ko na baka lalayo ka sa 'kin I don't want to lose you. Ikaw nalang ang natitira sa 'kin, Amira.”
“Kung ayaw mo naman pala iyong mangyari. Bakit hindi ka nagpakilala, you're getting it worse! You have 28 years para sabihin sa 'kin na ikaw pala ang ama ko! Bakit hindi mo nagawa?” medyo tumaas na ang boses ko, nagagalit ako sakaniya.
“Yeah I know I'm being a coward but I just wanted to protect you from my parents. If they'll know that if I have a child to Kaira they will not accept you and the worse? Hindi na kita makikita.” nanghina ang tuhod ko dahilan na malapit sana akong matumba pero buti nalang inalalayan ako ni Chum. I can't believe na ang sarili nilang apo hindi nila matanggap? Anong klaseng tao sila? Anak ako ng anak nila kaya bakit hindi nila ako matanggap?
“Where are they?”
“They already died.” kinontrol ko ang sarili na hindi na manghina para makapaglakad na ako, sumunod naman agad si Chum sa 'kin.
“Amira please, don't leave me anak.”
Anak. Napapikit ako.
“Let's go Chum.” papaalis na sana kami pero biglang may humawak sa palapulsuhan ko. Nagulat ako ng biglang lumuhod si Sir Verda sa 'kin. Pinipilit ko siyang pinapatayo pero hindi siya tumayo.
“No, I'll stand up if you'll not leave me anak. Please I'm begging you, Amira. You can hate me forever but please let me be a father to you. Give me a chance.” umiyak na naman siya kaya pati tuloy ako napaiyak na rin. Sa pangalawang pagkakataon pumikit na naman ako dahilan para magsihulog ang mga luha ko. Bumuntong hininga muna ako at pumantay kay Sir Verda saka siya niyakap. My first time of hugging my biological father. Niyakap niya rin ako pabalik ng mahigpit.
“I'm sorry.” umiiyak kong sabi. Hinaplos-haplos niya naman ang likod ko. “Shh... my precious. No, I should be the one who say sorry.” pagpapatahan niya na kahit siya rin ay umiiyak.
Ikinuwento niya lahat ng masasayang mga moment or memories nila kasama si Mommy. Kung saan sila unang nagkakilala ang sabi ni Daddy na sa Bohol daw. Sa bawat kuwento niya ay nanghihingi siya ng sorry.
Naglalakad kami ni Chum patungo sa elevator pero napahinto dahil may tumawag sa 'kin.
“Miss Amira!” hinihingal itong tumigil sa pagtakbo.
“Puwede ka bang makausap?” paghihingi niya ng permiso. Tiningnan ko muna si Chum. Tumango naman siya. “Ok, I'll wait to the parking lot.” paalam niya at umalis na.
“Ano iyon?”
“Alam ko kung gaano ka nasaktan sa nagawa ni Boss sa 'yo pero sana maintindihan mo iyon na nagawa niya lang iyon para protektahan ka. Para makasama ka pa niya. Kahit masakit rin sa parte niya ay kinakailangan.” Oo pareho kaming nasaktan.
“Alam mo ba na simula nang mamatay ang ang Mama mo naging tahimik, palaging umiiyak at hindi na ngumingiti si Boss noon pero ng malaman niyang may anak pala siya kay Ma'am Kaira ay doon namin muling nakita ang totoong ngiti sa mukha niya hindi na ito naging peke. Sana Miss Amira naramdaman niyong totoong naging sinsero si Boss sa paghingi ng tawad at sana bigyan mo siya ng pagkakataon na maipakita ang pagmamahal niya sa iyo.”
I think it's time to forgive him, my father.
BINABASA MO ANG
Our Beautiful Connection (On-going)
Roman d'amourPara sa mga ina ang pinakamasayang nangyari sa buhay nila ay ang magkaroon ng anak sa unang kita palang nila sa mukha ng mga anak nila ay para itong anghel na ipinababa sa langit. Pero gano'n din ka sobrang sakit sakanila ang mawalan ng anak dahilan...