Chapter 31

2 1 0
                                    

Chapter 31

AMIRA POV

Hay nako ang traffic naman! Gusto ng humiga at magpahinga. Nagsimula na kami sa pagsho-shooting ngayon kaya sobrang pagod ko ngayon hindi rin ako nakakain ng maayos. Kailangan din kasing i-maintain ang diet lalo na ngayon na may show ako.

Tumingin nalang ako sa bintana. I saw a school, it's a private preschool. May mga batang naglalaro sa loob at meron naman ding kinukuha ng ng mga magulang nila. I just smile. Siguro kung nabubuhay lang 'yong anak ko, I will fetch him everyday even if I'm busy, hahanap ako ng paraan para lang maihatid ko siya.

May napansin akong bata na malungkot na nanonood sa isang batang sinusundo ng Mama at Papa nito, nakaupo ito sa may bench. Napabalik lang tingin ko sa harapan nang biglang may bumusina. Kawawa naman ang batang iyon. He's so cute. I like him.

Pagkauwi ko sa bahay ay dumiretso na ako na humiga. Hindi ko nakita si Chum dito sa bahay ngayon. I thought nakauwi na siya?

•~~~••~~~•

Isang bahay ang nasa harapan ko. Isang bahay na kinalakihan koat nagpa-aral sakin. Ang bahay kung saan marami akong mga masasayang mga araw. Ang bahay na kahit hindi gaanong malaki ay tinanggap nila ako bilang pamilya na kahit hindi naman nila ako kadugo. Hindi pa rin ito nagbabago.

Napangiti ako ng makita ko si Mother Ria ang isa sa naging Nanay ko rin dito sa bahay ampunan. She's busy talking with a cute girl. Lumipat ako sakanila at tumigil sa harapan nila para maghintay na matapos sila sa pag-uusap pero hindi ito nagtagal dahil napatitig ang bata sa 'kin kaya napalingon din si Mother Ria.

Napatayo ito nang makita ako. “Amira!” niyakap niya ako at ganoon din ang ginawa ko sakaniya pabalik.

“I really missed you po, Mother Ria.” I said between our hug.

“Miss na rin kita Amira.” nagmano ako sakaniya. “God bless you. Matagal na iyon simula nung hindi na kita nakita Amira.” hinarap niya ang batang nagtatago sa likod niya.

“S-siya po ba 'y-yong s-sinasabi niykng magiging Mama ko?” hindi ito nasagot ni Mother Ria dahil may tumawag sakaniya. Si Mother Kristin.

Napatitig ako sa bata. Kay gandang bata naman ito. She remind of my younger self no'ng nandito pa ako. Nag-iisa ni walang naging kaibigan. Hindi ko alam kung ayaw nilang makipagkaibigan ako sakanila, eh wala naman akong gagawing masama sakanila ni hindi ko gustong makipag-away but anyways it's just a past for me now.

I step forward. “Puwede mo naman akong maging Mama eh.” nakangiting saad ko sa bata at medyo yumuko. “You can call me Mommy Amira. What's your name pretty little girl?” pagtatanong ko sakaniya. If papayag siyang maging Mommy ako then I can be.

Tumango naman ito at nagsalita. “Ang pangalan ko po ay Klea.” nakangiting sagot naman ng bata. Biglang dumating ang mga nagbuhat ng mga laruan na pinamili ko, para ibigay sa mga bata.


Kinuha ko ang isang doll kasing haba ito ng braso kaya medyo malaki ito. Ibinigay ko ito sakaniya. “H'wag mong sisirain 'yan ah? She will be your new friend though she can't talk but you can tell her what your problem are na kapag mahihiya o hindi mo gustong sabihin sa iba ang mga gusto mong sabihin ay siya ang magiging listener mo.” tinitigan niya ang laruan at binuksan ito. Hinaplos niya ang mahaba, wavy at blonde nitong buhok at saka ito niyakap.


“What will you name her?” tanong ko. Napatingin siya sa 'kin. “Yasha.” sagot niya at nagulat ako sa ginawa niya, niyakap niya ako. Napangiti ako at niyakap din siya pabalik. I wish my son is here.


“Salamat po, Mommy Amira.”

Ipinamigay ko na sa mga bata ang mga laruan at masaya akong natutuwa sila. Napatingin ako kay Klea, nalaman ko kay Mother Ria na hindi pala puwede dahil may kukuha na pala sakaniya. Sana ay maging masaya at aalagaan siya sa bago niyang pamilya.


•~~~••~~~•


Because of Klea I suddenly remembered my son. Kaya kinuha ko ang maleta kung saan naroon ang mga damit sana ng anak ko, matagal na itong nakatago dito siguro 4 years ago? Kaya medyo marami dahil parati nalang akong nagtatahi noon hinahayaan lang ako ni Chum dahil alam niyang iyon lang ang puwedeng way na makapag-move forward ako sa anak ko.

Inilabas ko ang mga ito isa-isa at niyakap. Dinadamdam na ang anak ko ang kayakap ko. Tumulo ang luha sa pisnge ko. I really missed my son. Hanggang sa may napansin ako na may nahulog na dalawang envelope kaya kinuha ko ang mga ito. Nagpunas muna ako ng mukha at kinuha ang nasa loob nito.


This is the two envelope that I saw 5 years ago and I remembered that I put it here. Ito kasi iyong nailagay ko rito na papel. Tiningnan ko ulit ang mga pictures. Hanggang ngayon nagagandahan pa rin ako sa Tita ni Chum. Hindi ko talaga mapigilan.


“Chum ano 'yan? Patingin.” naglahad siya ng kamay kaya ibinigay ko ito sakaniya. “Teka! Bakit nandito 'to sa 'yo?” gulat niyang tanong.

“I saw that 5 years ago in your Tita's cabinet.” sagot ko.

“Bakit ngayon ko lang 'to nalaman?” napaupo siya sa tabi ko. Habang nakatingin siya sa picture. Napakunot-noo siya ng may maalala.


“Wait! Gosh!” hinablot niya ako palapit sakaniya. “I know this man.” itinuro niya ang lalaki sa picture, siyempre kilala niya 'yan boyfriend 'yan ng Tita niya eh. “He is the owner of A Entertainment!”

“Talaga?” paniniguro ko. Hindi ko pa kasi nakikita o nakausap ang nay-ari ng tina-trabahoan namin ngayon.


“Oo naman siguradong-sigurado ako noh? Nakaharap ko na iyon eh!”

“Akala ko kilala mo siya dahil siya ang naging boyfriend ng Tita mo.”

Umiling siya. Kinuha niya ang isa pang envelope at inilabas ang isa pang picture.

Napangiti siya. “Siguro ito 'yong pinsan ko. Kahit hindi ko siya nakita in person pero miss ko na siya.” i saw how her tears falling down in her cheeks.

Hinawakan ko ang mukha niya at pinunasan ang pisnge niya. Inilahad ko sakaniya ang sulat para ipabasa sakaniya. Kinuha niya naman ito at binasa.

“Si Sir Amilo ang ama ng pinsan ko?” nagtatakang tanong niya. Mabilis niyang ibinalik ang sulat at ang mga pictures sa envelope at tumayo.

Hinawakan niya ako sa pula-pulsuhan ko kaya naguguluhan akong tumingin sakaniya. “I'll gonna meet my cousin soon.”

Our Beautiful Connection (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon