Chapter 33

2 1 0
                                    

Chapter 33

AMIRA POV

1 week had been past since Dad introduce me as her daughter. Siyempre lahat sila nagugulat ang alam daw kasi nila wala itong asawa o anak.

We're taking a break. Nagsho-shooting kasi kami ngayon for the show. “Chum, water?” inilahad ni Chum sa 'kin ang mineral bottle na nakabukas na at may straw, agad ko naman itong kinuha. “Thanks Chum.”

“Aalis muna ako ha? Restroom lang. Goodluck my actress.” she wink at me and walk away. I just laughed at her.

I'm busy practicing for my lines but someone speak.

“Maypa donate-donate pang nalalaman. She's just using the orphanage to be famous.” she rolled her eyes. Manggugulo na naman 'to panigurado. She really wanted to argue with me. Hindi ko na siya papansinin but when I heard what she's saying that I just using the orphanage to be famous? Kung ano-ano na talagang ginagawa niyang paninira simula nang nagtrabaho ako rito.

Tumayo ako at hinarap siya. “Anong sabi mo? Ginamit ko ang orphanage para maging sikat ako? Hindi ako ganiyang klase ng tao.” napatigil sila sa mga ginagawa nila at nanood sa 'min. “Taos puso ko iyong ibinigay sa mga bata. Bakit? Alam mo ba kung paano o gaano sila kalungkot o nag-iisa? Lalaki silang walang kinikilalang magulang.” mas lumpait pa ako sakaniya.

“Ikaw? Paano kung ikaw iyon? Siguro naman you'll know how it feels, right?” pagtatanong ko sakaniya. Umiwas siya ng tingin pero ibinalik niya agad sa 'kin.

“Ah kaya pala you're so brave now nang dahil lang sa you're the owner's daughter? I'm not natatakot because I'm gonna tell my Dad that he will quit their partnership.” ngumiti pa siya ng nakakaasar.

I was controlling myself to don't make any move. Hindi ko gustong masira ang pangalan ni Dad, kaya kahit gustong-gusto ko ng sampalin ang babaeng 'to ngayon ay hindi puwede.

“Owh? You're scared na Babush!” again she rolled her eyes to me. Bumuntong hininga nalang ako habang nakatingin sakaniya na umalis.

I know her. Of course, I can't forget that face. Siyempre, dahil siya lang naman iyong nakita kong kahalikan  ni Azure.

•~~~••~~~•

“No! Oh My Gosh! Namatay na, bwesit!” nakakabwesit naman 'tong kotseng 'to. Hindi pa nga ako nakakauwi eh and it already died. Paano na 'to? Hindi pa naman ako marunong mag-ayos ng kotse.

I got my shoulder bag before I got out of my car. Wala akong nakitang tao rito kaya naglalakad-lakad nalang ako. Tinawagan ko na rin ang P.A. ni Dad na magpadala ng mag-aayos ng kotse ko.


Habang naglalakad ay napahinto ako ng maalalang ito 'yong nakita kong pre-school. Masaya na kaya ang batang 'yon? I hope he's happy now. Nang makita kong may bench ay umupo muna ako roon. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-selfie maganda kasi garden nila rito. I post it in instagram.

Bago pa ngalang ay marami na ang nagla-like. Nag-comment nalang ako ng thank you everyone.

Ready na sana akong umalis ng may makita akong bata na kinukuha niya ang cap. I quickly run at the kid when I saw that there's a car. Kinarga ko siya at agad na tumabi sa kalsada. Ibinaba ko na siya at nakita kong kinakabahan at natatakot ito.



“Are you hurt?” I checked him, head to foot para makita kong may sugat ba siya. Umiling naman ang bata. Ngayon ko lang naalala na siya pala ang batang nakita ko noong 1 week ago.



“Muntikan ka ng masagasaan alam mo ba iyon? Paano kung hindi kita nakuha?” medyo galit kong sabi sakaniya. Napayuko naman siya.


“Sorry po.” nagsimula na siyang umiyak. Kinalma ko muna ang sarili ko at niyakap siya.


“No, don't be. I'm sorry na nagalit ako sa 'yo.” hinaplos-haplos ko ang ulo niya para tumahan na siya.



Umupo kami sa bench. Nakatingin lang ako sakaniya. Napagtanto ko na hindi ko pa pala alam kung anong pangalan ng batang ito.



“What's your name?”


“Azi. Sorry at thank you po?”



“Just call me Ate Ami.” nakangiti kong saad.



“Sorry at thank you po Ate Ami.” nakangiti niya ring sabi.


“Always be careful, okay?”


“Yes po.” napatitig siya sa mukha ko kaya nagtaka naman ako.



“May dumi ba sa mukha ko?” nagtataka kong tanong. “Hindi po. Para po kasing nakita na kita.” natawa ako ng mahina.


“Yes of course, sa tv. Right?”


“Siguro po.”



Kinuha ko sa shoulder bag ang phone ko nang mag-ring ito kaya sinagot ko na.



[Miss Amira tapos na. Nasaan ka ngayon?]



“Ahh okay. H'wag na, hintayin niyo nalang ako diyan.”



[Okay.]



Napatingin ako sa bata. Gusto ko pa sanang mas makilala siya pero kailangan ko ng umalis. Pero hindi naman puwedeng hayaan ko nalang siya rito 'di ba? I came up with the idea na ihatid ko nalang siya sa teacher niya. Binigyan ko nalang siya ng calling card para matawagan ako ni Azi.




Naglakad na kami papuntang room ni Azi pero napahinto ng may nagpapicture sa 'kin hindi ko naman sila puwedeng tanggihan. Nagpaalam muna ako kay Azi.



Nang matapos ay bumalik ako kay Azi at hinawakan siya sa kamay. Pumasok kami sa loob ng isang room. Itinuro niya ang isang teacher na may short hair. She's busy typing.



“Excuse me Ma'am.” pag-eexcuse ko. Tumayo siya habang inilapag ang phone sa lamesa.



“How may– Hala!” nagulat siya at napaupo ulit. Muntikan na siyang mahulog nang umupo siya ulit. “OMG!” pinaypayan niya angmukha niya gamit ang kamay.



“Ikaw ba talaga 'yan Miss Amira? Hay nako.” tumawa siya at mahinang sinampal ang kaliwang pisnge. “Ano ba 'yan. Kakapanood mo kasi 'yan ng mga palabas ni Amira eh kaya ayan tuloy nagmumukha na siyang totoo na nasa harapan ko nakatayo at kausap ko.” natatawang kausap niya sa sarili. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Azi at parehong mahinang napatawa. Tumigil ako sa pagtawa at sumeryoso.



“Ahm ikaw ba ang teacher ni Azi?” pagtatanong ko kahit hindi niya pa alam na totoo ako.



“Hala, grabeng imagination 'to. Tinanong ba naman ako na, na ako ba raw ang teacher ni Azi? Pero teka...” napakunot-noo siya at tumingin sa 'kin. Ngumiti naman ako. Napatingin din siya kay Azi. Kumaway naman ito sakaniya.




“Totoo ka nga?” gulat niyang sigaw. Nakangiti akong tumango. Kumapit siya sa 'kin at sinundot-sundot ang braso ko.




“Hala Oo nga. Sorry po Miss Amira. Oo po ako nga po ang teacher ni Azi.” nakayuko niyang sabi.




“Puwede bang sa 'yo ko muna ihabilin si Azi? Wala pa kasi 'yong parents niya.” nakangiti kong tanong.




“Oo naman po. Pero puwede po bang... ahm...”



“Sure. Ready your camera.” mabilis niyang kinuha ang phone niya at nagpicture  na kami.




Pagkatapos no'n ay nagpaalam na ako kay Azi at hinalikan siya sa noo. Umalis na ako.



Our Beautiful Connection (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon