Chapter 23
AMIRA POV
My stomach grow bigger 9 months ko na kasi ngayon. Kabuwanan ko na, siguro ay sa susunod na week ay manganganak na ako. Busy ako sa pagtatahi ng puwedeng suotin ni Baby kapag ipinanganak ko na siya. Bata pa lang ay mahilig na ako sa pagtatahi dahil tinuturuan kami ng mga madre sa bahay-ampunan para may masout ang mga baby na ipina-ampon.
Nilagyan ko iyon ng palatandaan ang initial ng pangalan ni Baby.
AV
Skyblue ang color nito dahil alam ko na ang gender ni Baby. Kaya nag-isip na rin ako ng ipangalan ni Baby at may napili na ako kaya walang pag-aalinlangan 'kong naglagay ng AV sa damit ni Baby.
Itinaas ko ito at tiningnan. Napangiti ako nang mapagtanto 'kong tapos na.
"Wow! So beautiful!" manghang pagkakasabi ni Chum. Inilapag niya muna ang plato na may lamang sliced apples at kinuha ang damit. Umupo siya sa tabi ko.
"Ang galing mo talaga! Magtayo na kaya tayo ng botique ng mga damit?"
"Para kang tanga!" natatawang saad ko at kumuha ng isang sliced apple. "Iyan ang isout mo ni Baby ah! Kapag manganganak na ako." Agad naman siyang tumango."Tao po! Tao po! Savina!" inilapag niya muna ang damit at tumayo ng marinig na may naghahanap sakaniya.
Tiningnan ko ulit ang damit at kinuha ito saka ako nagpicture. Excited na akong makitang sout sout na ito ni Baby.
"I thought walang tao pauwi na sana ako." Bakit ang familiar ng boses na iyon? Inilapag ko muna ang damit ni Baby. Lumingon ako sa may pinto at agad na nanlaki ang mata na nakatingin sa babaeng nasa harapan ko. Napatakip ako ng bibig nang ngumiti siya sa 'kin.
"Hi Amira!" bati niya at umupo sa tabi ko. Gulat pa rin talaga ako. Noon nakikita ko lang siya sa YouTube pero ngayon nakita ko na siya sa personal at katabi ko pa siya.
"Amira hoy!" niyugyog ako ng mahina ni Chum.
"H-hello N-natasha," binalingan ko ng tingin si Chum. Nakangiti siya.
"Totoo 'to 'di ba? Chum please sabihin mong totoo 'to?" naiiyak kong pagmamakaawa.
"OMG! May masakit sa 'yo? Why are you crying?" natatarantang tanong ni Natasha at hindi alam ang gagawin.
"Relax lang Natasha, ganiyan ang mga nagbubuntis. Sobrang moody." tumango naman si Natasha at medyo kumalma at ako naman ang binalingan ni Chum.
"Totoong-totoo si Natasha. This isn't a dream! All of this. Huwag ka ng umiyak." pinunasan ni Chum ang pisnge ko. I can feel her warm hand. So this isn't a dream.
"Sorry ngayon ko lang napakilala sa 'yo si Natasha." umiling ako. Umupo na si Chum sa tabi ko. Okay lang naman sa 'kin, dahil alam ko busy din si Natasha.
"Hi! I'm Natasha Fortes." pagpapakilala niya kahit kilalang-kilala ko na siya.
"I'm Amira Verda. I'm a big fan of yours po." nakangiti at tuwang-tuwa kong sabi.
Napangiti rin siya. "Drop the po. Pakiramdam ko tuloy ang tanda ko na." napatawa kami sa sinabi niya.
"Ok sige."
"Thank you for supporting me, Amira." pagpapasalamat niya.
"Your welcome." napabaling ang atensyon niya sa damit ng bata.
"This is so beautiful and of course, cute."
"Thanks." umusog siya papalapit sa 'kin.
"You're very excited to see your baby." hinaplos niya ang tiyan ko.
"Sobra." nakangiti ko ring sagot at hinaplos rin ang tiyan ko.
Marami kaming napagkuwentohan tungkol sa mga napanood kong mga teleserye at fashion show niya. Tungkol sa pagbubuntis ko. Nakapagpa-picture rin ako kasama si Natasha, siyempre hindi puwedeng mawawala iyon. Nang matapos ay bumalik din kami sa pagku-kuwentohan. Hanggang sa umabot tungkol sa gusto raw ni Chum.
"You know Amira?" saad niya at uminom muna ng nestea. Napakunot-noo ako ng parang may masakit. Sanay na rin naman ako kapag ganito dahil ilang beses na ring ganito ako. I think kaya ganito dahil kabuwanan ko na. I do inhale-exhale to relax and move away the pain. Medyo nawala naman ng ginawa ko iyon.
"May gusto 'yan si Savina kay Kuya Ra-"
"Ahhh!" sigaw ko bigla nalang kasing sumakit ang tiyan ko ngayon parang doble na ang sakit na nararamdaman ko. I think, manganganak na ako.
"Chum!"
"OMG! Amira y-you j-just pee." nauutal-utal na saad ni Natasha sa 'kin habang ang isa niyang kamay ay nakatakip sa bibig niya.
"Inhale-exhale! Inhale-exhale!" Chum coached me to relax. Ginawa ko naman pero masakit pa rin talaga. Napakapit ako ng mahigpit sa kamay ni Chum. Alam kong nasasaktan siya dahil mahigpit na mahigpit ang kapit ko sa kamay niya.
"I'm really sorry Chum!" nahihirapan kong paghingi ng tawad. Sobrang sakit talaga!
"Shhh... It's okay..." Bumaling siya kay Natasha. "Natasha can we use your car papuntang hospital?" tanong ni Chum sa natatarantang si Natasha. Tumakbo naman ito at muntikan na sanang madapa dahil nakaheels kasi siya ngayon.
"Y-yeah, s-sure," nagmamadali siyang lumabas at bumalik rin.
"It's ready na." saad ni Natasha ng makabalik. Iniwan muna ako saglit ni Chum kay Natasha para kunin ang hinanda niyang mga kakailanganin sa hospital at bumalik rin agad nang matapos. Ipinasok niya ang damit na kakatahi ko pa lang kanina sa bag.
"Can you walk?" tanong niya. Tumango ako, hindi naman kasi puwedeng kargahin nila ako dahil hindi nila kaya, kahit dalawa sila. Inalalayan ako ni Natasha at Chum kahit na may dala siyang bag. Paglabas namin nakita kong open na agad ang backseat kaya pumasok na ako roon kasunod ko si Chum at si Natasha naman ay sa driver seat siya ang magda-drive.
Hindi ko alam kung paano kami nakapunta sa hospital, knowing Natasha, natataranta iyon kanina. Ang alam ko ay nasa stretcher na ako at may mga nurse sa magkabilang gilid ko naroon rin sina Chum at Natasha parehong nag-aalala. Pinipigilan kong sumigaw o ipakita sakanila ang sakit dahil paniguradong mas mag-aalala pa sila hanggang ipinasok na ako sa room ng aanakan ko at nagpaiwan si Natasha sa loob dahil isa lang ang puwede dapat nga sana na ang tatay ng bata pero wala rito kaya pinayagan na si Chum nalang ang pumasok.
"Goodluck!" nakangiti niyang pagchi-cheer sa 'kin. Ibinigay ni Savina kay Natasha ang lahat ng gamit niya kahit ang cellphone.
BINABASA MO ANG
Our Beautiful Connection (On-going)
RomansaPara sa mga ina ang pinakamasayang nangyari sa buhay nila ay ang magkaroon ng anak sa unang kita palang nila sa mukha ng mga anak nila ay para itong anghel na ipinababa sa langit. Pero gano'n din ka sobrang sakit sakanila ang mawalan ng anak dahilan...