Chapter 16
[Note: Gawa-gawa ko lang po ang lahat ng nasa baba 'yung mga information ni Savina]
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~BIO DATA
Position Desired: P.A./Secretary Date: 08/13/202*
Given Name: Savina Surname: Santiago
M.I.: Hernaez
Present Address: Sta. Andreso, Maliya, Bohol.
Tel. Nos.:0998*******
Citizenship: Filipino Birthdate: 04/26/1996
Place of Birth: Bohol Religion: Catholic
Age: 25 Sex: Female Civil Status: Single
Languages/Dialects: Bisaya, Tagalog, English
Person To Be Notified In Case Of Emergency: Amira Verda
Tel. No.: 0907*******
Address: Sta. Andres, Maliya, Bohol.
SAVINA SANTIAGO
Signature of ApplicantTahimik lang itong nagbabasa sa aking resume. Ako naman ay 'di tinablan ng kaba pero kilig? Oo na Oo hindi ko kasi mapigilan ang gwapo niya talaga eh.
Matapos niyang basahin ito ay tumingin siya sa 'kin sabay lagay ng resume ko sa glass desk table niya at saka sumandal sa mamahalin niyang High Back Office Chair. Napaayos naman ako sa pagkakaupo ko.
"You're hired. Bukas ka nalang magstart and when your talking to me you can use any of your languages that you knew."
Napangiti ako sa narinig ko.Yes! Salamat naman at natanggap ako. "Yes po! Yes po! Thanks po talaga." Malaking ngiti ang ibinigay ko sakaniya sa pagpapasalamat. Akalain mo 'yun makakatrabaho ako sa isa sa mga sikat na mall sa Pilipinas na may iba't ibang branches at pak! Bonus nalang ang palagi kong kasama si Sir dahil pak na pak ang kaniyang gwapo.
"By the way, I'm Lawrenz Fortes." nakangiting niyang pagpapakilala. Nginitian ko rin siya pabalik alangan naman magtaray ako 'di ba? Hindi ko na sinabi ang pangalan ko dahil alam kong alam niya na. Nagpapaalam na ako sakaniya at tumango naman ito.
Lalabas na sana ako pero may sinabi siya na nakapagpatigil sa 'kin. "Kita ko ang gulat mong reaksiyon kanina na nalaman mong magkapatid kami ni Tasha. Alam mo na naman siguro na isa siyang sikat na model at artista 'di ba?" salita niya.
Mabilis at gulat akong lumingon sakaniya. "SIKAT SIYA NA MODEL AT ARTISTA?!" gulat kong tanong sakaniya. Ay lintek napasigaw tuloy ako. Nagtabon naman ako ng bibig ko.
"Ah a-ano sikat siya na model at artista Sir Law?" mahinahon ko nang tanong sakaniya. Bahagya naman siyang natawa sa inasta ko.
"How come?" nakakunot-noo niyang tanong. Ay hala siya kahit sa simpleng pagkunot-noo nito ang gwapo talaga.
"Busy po kasi sa work Sir." sagot ko naman. Tumango-tango naman ito. "Puwede ka nang umalis."
"Sir pinagtatabuyan niyo ako?" lumingon siya sa 'kin. "Hindi niyo ho ba gusto na rito muna ako?" tinaas niya ako ng kilay.
"Okay you can stay here but don't disturb me." saad niya na hindi nakatingin sa 'kin dahil nagtitipa na siya sa laptop niya. Ang yaman talaga, apple na kinainan kasi.
"Ay joki-joki lang Sir Law. Doon muna ako sa bahay ngayon para makapagbeauty-rest naman ako... At mapansin mo ang ganda ko." sabi ko at ibinulong ang huling sinabi ko. Grabe talaga si Sir hindi ba siya nagagandahan man lang sa magandang-maganda kong mukha at sa sexy kong katawan wala man lang siyang na-appreciate ni isa 'dun? Nakita kong tumatawa itong napapailing.
"Bye Sir." umalis nalang ako. Wala na naman akong gagawin doon eh. Ngayon lang sumagi sa isip ko na kaya pala maraming nagpapapicture at nagpapa-autograph kay Natasha, eh sikat pala na model at artista. Sana ol nalang.
*~••~*
AZURE POV
Ang akala ko, matapos ang araw na iyon ay susuko na ako at babalewalain o kakalimutan ko nalang ang nararamdaman ko para sakaniya pero binigyan talaga ako ng pag-asa o sign ng tadhana na makausap at makalapit kami sa isa't isa."Az!" tawag sa 'kin ni Raf.
"What?"
"Do you want to build a snowman?" may pakantakanta pa siyang nalalaman. If I we're not mistaken kanta 'yan sa Frozen.
"Gag*!" Hindi ko na siya pinansin.
"Pero ito nga seryoso, gumala naman tayo sa parati kong pinupuntahan na club." tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"You already knew my answer Bro!" 'yan ang parati kong sagot sa tuwing mag-aaya siya sa 'kin na pupunta raw kami sa club.
"Aish ang kj mo talaga Az!" napapailing na saad naman niya pinansin nalang niya ang mga babae na kanina pa sinisigaw ang mga pangalan naming dalawa. Naglalakad kasi kami dito sa hallway. Hinahanap ko ang babaeng gustong-gusto kong makita kada break/lunch/uwian. Pero hindi ko siya mahagilap kahit saan.
"MR.!" napatigil ako sa paglalakad at sa pagtingin-tingin sa paligid ng marinig ko ang sigaw na iyon dahil pamilyar na pamilyar talaga ito sa 'kin.
Tumigil naman ang mga babae na kanina pa tili nang tili kanina at si Raf na kanina ay may kausap na babae ay napatigil din, lumingon siya bandang likod ko. Kumunot ang noo ko pero lumingon nalang ako sa likod para matigil na siya sa kakanguso niya.
Kaya lang nang pagharap ko sa likod ko. Bumilis bigla ang akala koy hindi ko na malapit ng ganito kalapit ang babaeng hindi ko nasabihan ng totoo kong nararamdaman, ang babaeng dahilan ng paglabas ng pagiging torpe ko, ang babaeng nag-iisang maganda sa paningin ko at ang babaeng magpatibok ng malakas sa puso ko.
"Ah... Mr.!" Napakurap-kurap ako dahil nasobrahan ko na pala ang pagtitig sakaniya.
"Huh?" Wala sa sariling saad ko. Ngumiti ito. "Sa 'yo ito 'di ba?" hindi pa rin nawawala ang magandang ngiti nito habang iniwagayway nito ang isang sky blue na panyo. Kinapa-kapa ko naman ang aking bulsa at wala nga akong makapa na panyo ko.
"Y-yeah t-that's m-mine." Nauutal-utal kong sagot. Tsk! Utal na naman. Iniabot niya ito sa harapan ko. "Thank you. B-by the w-way I-i'm Azure and nice meeting you." Kinuha ko na ang panyo mula sa kamay niya at saka naghintay ang kamay ko para makipagkamay sakaniya. Agad naman niya itong tinanggap. Ang lambot ng kamay niya.
"Welcome Azure. I'm Amira and nice meeting you too." naiisip ko tuloy kong hindi ba siya nangangawitan kasi wala kasing araw na hindi siya ngumingiti eh.
"A-ahm A-amira.. D-do you w-want to eat? I mean I-i want to treat you for giving back me this." Itinuro ko ang panyong nasa kamay ko. Sana naman pumayag ka na Mira Please?
"Sure." nahihiya niyang pagpayag. Napangiti ako sa narinig. "Ok then, let's go?" nakangiti rin akong nag-aya sakanya. Tumango naman s'ya. Ngayon ko lang napansin na marami nga palang nanonood sa 'min. Binalewala ko nalang sila basta para sa 'kin ito na 'yong simula ng paglalapit namin ni Mira.
BINABASA MO ANG
Our Beautiful Connection (On-going)
RomancePara sa mga ina ang pinakamasayang nangyari sa buhay nila ay ang magkaroon ng anak sa unang kita palang nila sa mukha ng mga anak nila ay para itong anghel na ipinababa sa langit. Pero gano'n din ka sobrang sakit sakanila ang mawalan ng anak dahilan...