Chapter 37
AMIRA POV
“1... 2... 3... Action!”
“We're here. It's hurt?” nag-aalalang tanong ni Zion sa 'kin. He's carrying me, a bridal style. “Masakit.” nakanguso kong sabi. Inilapag niya ako ng dahan-dahan sa hospital bed. Napatingin ako sa nakaputing lumapit sa 'min. It's Azure.
“Doc, can you check her?” nakatitig siya. “Of course, she's my patient and... I'm jealous.” he emotionless said that. Pero teka, ano? Anong I'm jealous? Naiba ba 'yong script na dapat i-role niya? Nagtataka kaming napatingin sakaniya.
Nagsign si direk na i-cut muna. Tumayo ako at hinarap siya. “Naiba ba 'yong script ng hindi ko nalalaman?” nagtataka kong tanong kay Azure. Dinaanan niya lang ako at aalis na sana pero pinigilan siya ni Kryve kaya napahinto siya.
“Kinakausap ka ng tao pre.” medyo naiinis na sabi ni Kryve kay Azure. Tinitigan siya ni Azure, he's still emotionless. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid lahat sila ay nanonood ng tahimik sa aming tatlo.
“Bakit? No'ng iniwan niya ba ako, nagpaalam manlang ba siya?” padabog niyang inihiwalay ang braso niya sa pagkakahawak ni Kryve at umalis. Gusto kong matawa. Ano raw? Nagpaalam? Ako nga 'yong nasaktan lahat-lahat. Kailangan ko pang magpaalam sakaniya? I clenched my fist. All of this happened because of that girl, because of her.
Kryve came near me and pat my shoulder. “Are you okay?” mapa-acting or realidad ay parati siyang mag-aalala sa 'kin. I smile at him. Sinabihan niya akong umuwi nalang dahil bukas nalang daw namin itutuloy ang scene.
“Ihahatid na kita.” sinundan niya pala ako rito sa dressing room. Kinuha ko ang shoulder bag ko at hinarap siya.
“Hindi na, thanks for the offer Kryve. Sasabay kasi si Amira sa 'kin.” nakita kong ngumiti lang si Kryve at nagpaalam sa 'min.
“Chum may dadaanan muna tayo ha? Okay lang?” pagtatanong ni Chum at inihinto ang sasakyan sa— teka! Ito 'yong sa pre-school. Si Azi!
“Dito ka lang?” umiling ako at lumabas din. Sumunod naman ako sakaniya habang palingon-lingon nagbabasakaling makita ko si Azi.
“Sinong hinahanap mo?” nagtatakang tanong ni Chum. “Wala. Dito nalang ako maghihintay sa 'yo.” tumango naman siya at umalis na.
Umupo nalang ako sa may bench. Ang ganda talaga rito. Sa bawat may mga batang dumadaan ay tinitingnan ko sila isa-isa dahil baka makita ko si Azi. Kahit isang araw lang ang pagkikita namin ng batang 'yon madali ko lang siyang nakagaanan ng loob. Siguro dahil iniisip ko na siya ang anak ko.
“Ate Ami!” nagulat ako ng biglang may yumakap sa leeg ko at narinig ang maliit na boses na 'yon.
“Azi!” inalalayan ko siya paharap sa 'kin at niyakap siya. “I miss you po Ate Ami.” magiliw niyang saad. “I miss you too Azi.”
Tiningnan ko siya ng may pagtataka nang bigla niya akong pinapatayo at hinila papunta sa direksiyon no'ng may nakatalikod na lalaki na parang may kausap sa phone.
“Daddy, Ate Ami is here!” ibinababa na nito ang tawag at inilagay ang phone sa bulsa niya. Agad kong nabitawan ang shoulder bag ko at ganoon nalang ang laking gulat, nang mapagtanto kung sino itong nasa harapan ko. Ang daddy ni Azi. Walang iba kun'di ang ex boyfriend ko na si Azure Marquez Silvania.
AMIRA POV
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may anak na pala itong ex ko, naunahan pa ako. Anyways pasalamat siya sa anak niya kung hindi umalis na sana ako rito kanina pa. Nasa isang milktea shop kami kasama si Azi. Kwento ng kwento ang batang 'to, wala man lang alam na naging ex ko ang Papa niya. Ilang minuto na kaming parehong tahimik kaya nung napansin niya ay tumikhim siya.
“Son we need to go.” bigla siyang tumayo sabay hinawakan ang kamay ni Azi. Nagmamadali?
“But Dad I want to spend more time with Ate Ami pa po please.”
“But–”
“Oh talaga Azi? Hayaan mo namang mag-enjoy 'yong bata Azure.” naka-cross arm at nakangiti kong sabi.
“Why did you know my Daddy's name?” inosenteng tanong ni Azi sa 'kin.Sandaling nawala ang mga ngiti ko. I was about to answer but he interrupted me.
“She's my ex.” agad na nanlaki ang mga mata ko. Ang akala ko kasi sasabihin n'ya lang na kaibigan lang kami.
Tumango naman ang bata at nag-excuse muna sa 'min. “Daddy I want to use CR po.”
“Bakit gano'n ang sinabi mo sa bata? Okay lang ba talaga na sabihin 'yon?” hindi ko talaga alam kung anong tumatakbo sa utak ng lalaking 'to eh.
“Yes? Why?” tingnan mo nga naman 'to, ang kalma niya lang no'ng sinabi n'ya iyon sa 'kin. What if magka-cause naman ito na hindi na ako magustuhan ni Azi? Paano nalang if galit siya sa 'kin? Ayokong mangyari 'yon! Kahit na bago pa lang nung nakilala ko ang batang 'yon ay napalapit na rin ito sa 'kin. Ewan ko ba kung bakit ganoon nalang kadali na nakuha ni Azi ang loob ko.
“Sana po sa susunod do'n na naman po tayo sa mall. Bye Ate Ami.” masasabi ko talagang masaya at excited si Azi dahil sa mga ngiti niya. Nginitian ko nalang siya. Hindi ko kasi alam if puwede ba 'yon, paano kung makita o malaman ito ni Krisa? Kahit naman enemy ko 'yon ayoko siyang palitan ng role as a mother kay Azi. Hindi ako katulad niya na mang-aagaw ng boyfriend.
“Bye po!”
•~~~••~~~•
“Halika na, Chum! Uminom ka na, ang KJ mo!” todo iling at inilalayo ko ang aking mukha dahil parati n'ya akong tinatagayan ng isang bote ng beer.
“Alam mo na man Chum, na ayokong uminom ngayon 'di ba?” kinuha ko ang bote sa kamay n'ya tsaka ko ito inilapag sa lamesa. I saw her rolling her eyes and I just smile to her. Tumayo ako at papalakad na sana kaso nagtanong si Savina sa 'kin.
“Sa'n ka?” habang hinihintay n'ya akong sumagot ay tumungga siya.
“Mag-c-CR.” tumango siya kaya tumungo na ako.
“Aray!” daing ko ng may nakabangga ako. Ready na sana akong sungitan siya pero nakita kong parang pamilyar, at hindi nga ako nagkakamali siya nga! Ang magaling kong Ex!
BINABASA MO ANG
Our Beautiful Connection (On-going)
RomancePara sa mga ina ang pinakamasayang nangyari sa buhay nila ay ang magkaroon ng anak sa unang kita palang nila sa mukha ng mga anak nila ay para itong anghel na ipinababa sa langit. Pero gano'n din ka sobrang sakit sakanila ang mawalan ng anak dahilan...