Chapter 18

1 1 0
                                    


Chapter 18

AMIRA POV


"Nakakainis!!!" sigaw ko. Kanina pa, ring nang ring ang phone ko parati kasing tumatawag si Azure na ikinainis ko. Aaminin ko miss na miss ko na siya—sobra. Pero sana hindi niya ako tinaksilan.

"Chum uminom ka na nga nitong gatas." pag-aaya ni Chum. Nandito ako sa kwarto ko. Napatingin naman ako sakaniya may dala siyang baso ng gatas. Nakasanayan na kasi niya na ka da gabi na papainumin niya ako ng gatas.

"Chum hindi muna." tanggi ko. Naiinis pa rin ako kay Azure may patawag-tawag pa siyang nalalaman ha!

"Amira hindi ikaw ang binibigyan ko ng gatas kada gabi tandaan mo, may anak ka sa loob ng tiyan mo si Baby Angel ang pinapainom ko hindi ikaw." mataray na saway niya sa 'kin. Natigilan naman ako... Oo nga bakit ba kasi nakalimutan ko na para pala ito sa anak ko.

Sorry Baby Angel sisihin ko lang ang Daddy mo ha? Na parating nang-iinis kay Mommy mo... Nang dahil sa pang-iinis niya sa 'kin nakalimutan tuloy kita.

May na-iimagine na sana ako kung paano ang magiging buhay namin kung maipapanganak ko na ang first baby ko. Iyong sabay kaming kumain kasama ang mga magiging anak namin. Kung paano ko siya at ang mga magiging anak namin sa paghahanda o pagluluto ng mga pagkain nila sa school at sa work. Marami akong pangarap na inisip para sa aming dalawa ngunit naglaho nalang ito bigla ng makita ko ang kataksilan niya.

Kaya ba hindi niya ako mabigyan-bigyan ng oras at atensyon? Nang dahil mayroon na pala siyang ibang babaeng binibigyan niya ng oras at atensyon na sana ay sa akin mapupunta. Ang akala ko talaga ay nagtratrabaho lang siya kaya gina-gabi siya sa pag-uwi at madali pang bumalik sa trabaho kaya naiintindihan ko siya. Dahil alam kong pangarap niya ang maging Doctor. Pero maabutan ko nalang pala na may kahalikan na siyang ibang babae? Tapos saktong-sakto pa na desperas ng 5th anniversary namin?

Bakit? Ang sabi naman niya na mahal niya ako 'di ba? But, why I ended up broke my heart?

"Inumin mo na." ma-autoridad na utos ni Chum.

"Oh, ito na po Ma'am Savina. Iinumin na po." pagalang-galang ko pang saad. Ininum ko na ang gatas.

Nabigla naman akong bigla nalang siyang lumuhod at inilapit ang kaniyang tainga sa may tiyan ko.

"Chum bakit wala akong narinig o naramdaman?" nagtataka niyang tanong. Nakakatawa ang ginagawa niya ngayon. Inilagay ko ang baso sa may side table.

"Pfft... Chum pa'no mo maririnig o mararamdaman si Baby Angel eh, kita mo nga itong tiyan ko na hindi pa masyadong umbok." nagpipigil tawa kong sabi sakaniya.

"Ehhh... Gano'n ba 'yon? Sorry naman hindi ko alam." tumayo na siya at tumabi sa 'kin sa pag-upo rito sa kama.

"Chum tungkol pala kanina. Bakit ka sumigaw?"tanong niya. Nag-indian sit siya.

"Si Azure kasi parating tumatawag sa 'kin. Alam na naman siguro niya 'di ba na hindi ko gustong makipag-usap sakaniya kasi hindi ko sinasagot. May namumuo ng luha sa mga mata ko.

"Paano ako makakapagmove-on sakaniya. Kung parati siyang tawag ng tawag?" kumawala na nga ang mga luha ko.

Niyakap naman ako ni Chum sabay hinagod-hagod ang likod ko. Tuloy-tuloy na talaga ang daloy ng mga luha ko.

"Chum, hindi ko alam kung bakit nagawa iyon ni Azure sa 'kin at ang mas masakit pa nakita ng dalawang mata ko nasa mismong harapan gumagawa ng kataksilan sa 'kin." humagulhol na ako habang kayakap ko pa rin si Chum.

"Shhh..." pagpapatahan niya at hinagod-hagod ang likod ko. "Akala ko ba mahal niya ako pero bakit nagawa niya sa 'kin 'yon?" Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Inilayo niya ako ng bahagya sakaniya. Pinunasan niya muna ang pisnge ko saka nagsalita.

"Chum may tanong ako sa 'yo. Mahal mo pa siya 'di ba?" ngayon ang mga kamay niya ay nasa magkabilang balikat ko na.

Umiwas ako ng tingin bago sumagot. "Magmo-move on na ako." sagot ko sa tanong niya.

"Chum—" may sasabihin sana siya pero hindi ko na siya pinatuloy dahil nagsalita ako.

"Chum matutulog na ako." putol ko sa pagsalita niya at saka nakatagilid akong humiga iyong nakatalikod sakaniya. "Good night Chum." bati ko.

"Good night din Chum." rinig kong balik bati niya rin. Naramdaman ko naman na may naglagay sa 'kin ng kumot. Napangiti ako. Napaka-caring talaga ng bestfriend ko. Ipinikit ko na ang mga mugto ko ng mata dahil sa kakaiyak.

SAVINA POV

Napatitig ako sa bestfriend kong mahimbing na natutulog. Naawa talaga ako sakaniya. Bakit pa kasi nagawa 'yon ni Azure kay Chum eh. Hay ewan ko nalang talaga kapag makikita ko 'yang si Azure.  Maghanda-handa na niyang iiwas sa 'kin ang mukha niya. Nakuu...

Kahit ayaw kong marinig ang boses ng lalaking nanloko sa bestfriend ko ay kailangan. Kinuha ko ang phone ni Chum at dina-ial ang number niya. Madali lang niya itong nasagot.

"Mira thanks, you an—"

"Hindi ito si Amira, si Savina ito. Kahit galit ako sa 'yo sa ginawa mo sa bestfriend ko pero kailangan kitang sabihan na sana h'wag ka ng tumawag pa kahit na kailan dahil please lang nagmo-move on na si Amira sa 'yo. Masyadong masakit ang ginawa mo sakaniya. Sana lang talaga hindi na kita makita o makakasalubong pa dahil masusuntok talaga kita." mataas kong salaysay sakaniya at nagbanta pa ako. Kung hindi niya sana ginawa iyon ay sana masaya pa sana silang dalawa at madadagdagan na silang dalawa dahil may anak sila. Sana kung hindi siya nangbabae, sana hindi maghihirap si Amira ngayon sa pagtatago sa anak nila. Edi sana happy family na sila ngayon.

"W-wait! Bakit hindi na ako puwedeng tatawag kay Mira? Saan kayo? Bakit siya nagmo-move on sa 'kin? Bakit binabantaan mo ako?" pak na pak ang pagmamaang-maangan niya.

"Good. Perfect maang-maangan Azure. Bye, basta h'wag ka ng tumawag." saad ko. Muntikan na nga akong mapapalakpak sa mga pinagsasabi niya.

"Wa—" ini-hang up ko na ang tawag at ini-off na kaagad ang phone ni Chum. Ibinalik ko na ito sa side table at kinuha ang baso bago lumabas ng kwarto ni Chum. I wish Chum will gonna choose a wise decision for her child.

Our Beautiful Connection (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon