Chapter 5

3 1 0
                                    

Chapter 5

AMIRA POV

"Go! Taposin mo na." taray na sabi nito sabay may pa action pa na parang nagpapataboy. Hay nako nagtataray pa rin ang bakla.


"Sabi ko hindi ka maganda kasi gwapo ka." pagpapatuloy ko.

"Ay teka tataposin ko muna pala 'yong sagot ko sa tanong mo kanina." Nakalimutan ko na tuloy 'yong itinanong niya kanina na Bakit daw parating sasabihin ni Chum na may boyfriend na siya na kahit wala pa naman.

"So ayon nga. Sabi niya iyong sa unang tingin pa lang niya sa lalaking 'yon ay parang mags-slow motion at pakiramdam niya sila lang dalawa ang nasa paligid tapos kakabog daw ang puso niya na sa sobrang kabog nito ay para na itong ikakaheart attack niya na. Ganoon 'yong sabi niya." sagot ko sa tanong niya.

Natapos ko na ang pagsasabon kaya linisan ko na ito gamit ang tubig.

"Taray may pa slow-slow motion at pa heart-heart attack pangnalalaman ang bruha." komento nito sabay nag-cross arm.

"Ewan ko nga sakanya kung bakit may paganyan-ganyan pa siya. Sayang din 'yong mga manliligaw niya kasi ang ga-gwapo at ang babait pa." saad ko.

"Sayang nga." malungkot na sabi naman ni Joan. "Ay teka alam mo ba mga pangalan at phone number ng mga manliligaws ni Savsav gurl?" Napa-taas ako ng kilay ng biglang umaliwalas Ang mukha niya na kanina ay malungkot ito at akala ko na iiyak na siya pero ngayon nakangisi na ito ng malawak. Sabay labas ng phone niya.


"Anyare sa'yo bakla? Anyways forget that question kasi kung saan na naman mapunta ang topic natin. Ahm Oo alam ko kaso ang mga pangalan lang nila, wala kasi akong phone number nila." sagot ko.

"Ah sige sige gora na you spill the beans na Ami gurl," teka ano bang balak ng bakla nato? Hay inalala ko na lang ang mga pangalan ng mga manliligaws hay nako ayan na naman ako sa kaka manliligaws manliligaws ko. Nang maalala ko ay sinabi ko ito sakanya.

"Han, Edward, Jack, James, Alyx, Carl teka sino pa ba nga ba 'yon?"

"Pwede full name lang nila Ami gurl? Search ko sa fb nila at ng machat-an ko sila malay mo magagandahan sila sa 'kin na posibleng-possible kasi maganda na ako noon pa at walang kakupas-kupas ang ganda ko at malay natin 'yon na pala ang forever ko? Dali na." hindi pa rin nawawala ang lawak na ngisi niya. Pero teka ano raw? Magiging sila? Gandang walang kakupas-kupas?

Napapailing-iling akong sinagot siya. "Sige Oo na po. Hanrick Gomez"

"Edward-"

"Edward Cullen?"

"Hindi, Edward Aguilar"

"Jack-"

"Jack Dawson?"

"Jack Dawson ka diyan. Ano 'yon nasa Titanic lang ang peg? Jack Gonza."

"James-"

"James Scott?"

"Kita mo 'to! James Scott! Power Rangers na naman hindi, James Legaspi 'yon. Kanina 'yong  Edward Aguilar naging Edward Cullen ng Twilight lagot ka talaga kay Bella nakita mo ba 'yong movie nila na Twilight: Breaking Dawn?" Lumingon ako rito at saka nagtanong. Nakita ko naman na tumango-tango ito.

"Diba naging vampire na si Bella doon at may anak na sila paniguradong sisip-sipin talaga iyang dugo mo." Pananakot ko sakanya. Kumuha ako ng towel para punasan ang mga pinggan.

Napahimas naman ito sa leeg niya sabay sabing, "Wag naman sana Ami gurl. 'Di, na sabi ko lang na gano'n kasi nga Edward kasi eh. One of my favorite nakin ang Twilight at saka ang gwapo kasi ni Edward akin muna 'yon wala naman dito si Bella eh. Ay teka akin nalang 'yong iba" pagdadahilan nito. Natawa na lang ako. Kaloka talaga 'tong bakla nato. Ako rin kasama na favorite ko rin ang Twilight lahat nga ng Movie nila pinanood ko. The Twilight Saga, The Twilight Saga:New Moon, The Twilight Saga:Eclipse,The Twilight Saga: Breaking Dawn Part 1 and The Twilight Saga: Breaking Dawn Part 2.

"Ay teka ang dami palang gwapo at hottie sa twilight cast noh? First Edward Cullen, Jacob Black, Emmett Cullen, Jasper Hale, Dr. Carlisle Cullen, Jared, Embry Call, Paul, Sam Uley. Okay isasama ko na rin ang mga antagonist sina Caius, James at si Riley Biers. Oh 'di ba? Ang daming mga hottie at gwapo?" Hay nako... Oo nga hindi matatanggi ang ka gwapohan at ang pagka-hottie nila.

"Ito pang isa 'yong Jack ba't naging Jack Dawson ng Titanic?" nakakunot-noo kong tanong dito.

"Ah 'yon ba? Naalala ko lang si Jack Dawson kasi one of my favorite movie rin kasi nakin 'yong Titanic at alam mo ba parati ko talaga ini-imagine na ako si Rose kasi 'yong sa part nila na idino-drawing ni Jack si Rose na naked at may isa pa lalong-lalo na 'yong bed scene ay tawagin na nating car scene nila sana ako na lang 'yon." Pagde-daydream ni Joan.

"Landi mo Joan." saad ko rito. Nang matapos ko ng punasan ang mga pinagkainan ay inilagay ko na ito isa-isa sa lagayan ng mga pinggan. Inilagay niya muna ang phone niya sa hindi malapit sa lababo at saka ako tinulungan nito.

Nagroll-eyes ito. "Ay hindi mo pa natatapos 'yong mga pangalan ng mga manliligaws ni Savsav gurl, Ami gurl." saad nito. Ayan nakalimutan ko na nga pala 'yan hindi ko tuloy na patuloy 'yon.

"Ok ito. Alyx Ice Chavez, Carl Delos Santos, at nakalimutan ko na ang iba pa."

"Ahh okey dokey." Kinuha na niya ang phone niya sabay type dali-daling nag-type na may kasamang bigkas ng mga anong ita-type niya kaya alam ko kung ano ang mga itina-type niya.

"Hanrick Gomez" *type*

"Edward Aguilar" *type*

"Jack Gonza" *type*

"James Legaspi" *type*

"Alyx Ice Chavez" *type*

"Carl Delos Santos" *type*

"Okey dokey Done!" malawak na nakangiti si Joan ng matapos sa pagta-type.

"Tapos na ako rito, let's go." sambit ko. Lumakad na kami papunta sa sala. Naabotan namin si Chum na nanonood ng tv. Nang mapansin nito na nandito na kami ay lumingon ito sa amin.

"Oh? Ba't ang tagal niyo?" tanong niya.

"Wala, na pag-usapan lang namin 'yong tungkol sa mga manliligaws mo." sagot ko kumindat ako kay Joan, kumindat naman ito pabalik sa 'kin.

Napataas naman ng kilay si Chum sabay cross arm. "Ano 'yang pa kindat-kindat niyo? At saka bakit may S ang manliligaw?" curious na tanong ni Chum.

"Eh si Joan kasi eh, dahil sakanya kaya nahawa na tuloy ako sa kaka-maliligaws manliligaws niya," may pagka-childish kong sumbong kay Chum sabay turo kay Joan.

"Hoy bakla! Anong itinuro mo kay Chum?" Palaban na ani Chum. Nag-roll eyes lang si Joan. Instead na i-deny niya ito ay Ang isinagot lang nito ay, "Kasi nga maganda ako 1 million times" Oh hay nako ayan na naman 'yang 1 million-1 million times niya. Sinabihan na nga na gwapo siya hindi siya maganda.

"Hoy bak-"

"Ma, pa, moadto sa ko ila ka Savsav gurl (Ma, pa, pupunta muna ako kila Savsav gurl) " hindi pinatapos ni Joan ang pagsasalita ni Chum. Ngayon si Chum naman ang nag-roll eyes. Ito na naman ang bisaya. Hula ko siguro ay nagpapaalam si Joan sa mga magulang niya.

Tumayo na si Chum at kinuha ang remote at saka ini-off ang tv. "Salamat po sa pagkain," pagpapasalamat naming dalawa ni Chum.

"Walay sapayan (Walang anuman)" nakangiting ani Nanay Anji. Umalis na kami at saka bumalik sa bahay.

Our Beautiful Connection (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon