CHAPTER 81

981 24 12
                                    

Chapter 81:

The days turn into weeks. The weeks turn into months. The months turn into years. And it’s already five years since I gave birth of our son.

“What’s the sound of this letter?” turo ko sa isang titik na hugis bilog.

“Õ.”

“How about this?” turo ko sa sunod na titik.

“Pee.”

“This?”

“Kyoo. And this is ah-r, es, tee, yoo, vee, dubõyoo, eks, wah-ee and zee.” Tinuro niya ang mga titik na nasa iPad.

“What kind they are?” tanong ko dito. Gumalaw ito sa pagkakaupo sa hita ko para lumingon sa akin.

“A letters from alphabet!” cute nitong sigaw kaya nanggigil ako sa matabang pisngi niya.

“Very good, baby! Now, what do want to do next?”

“I want hmm...” tila’y nag-isip ito. “I want cookies and ice cream, mommy! Can I have them?” matamis akong ngumiti na pinatay muna ang iPad na ginamit namin bago ko inayos ang puwesto ng anak ko at kinarga ng maigi.

“Anything for my baby.” Hinalikan ko ang tungkil nang kan’yang ilong.

Malawak ang ngiti nito at masasabi ko na masaya ako du’n ‘pagka’t bilang isang ina ay nais kong palaging makitang ngumingiti ang anak ko habang bata pa siya. Habang hindi pa siya lubusang namumulat sa mundo kinalalagyan namin.

Siya ang nag-iisang kayamanan at alaala na naiwan nang asawa ko sa akin kaya lahat gagawin ko para rito. Siya ang hinahangad ni Dale noong nasa tabi ko pa siya. Pero ngayon ay hindi man lang niya nahahawakan ang anak namin.

Ang daya nang panahon. Pinagkait niya iyon sa asawa ko. Lihim na ko kinagat ang pang-ibabang labi ko dahil baka bigla akong mapaiyak habang karga ang anak ko.

Nang pababa na kami sa hagdan ay nadinig ko ang boses ni daddy at mommy na hula ko ay kadadating lang. Agad naman gumalaw si Maxirous sa mga bisig ko kaya ibinaba ko ito.

“Lolo and lola!” Tumakbo ito patungo sa mga grandparents niya. Magalang ito nagmano kay mommy.

“Ruru!” kasunod ay mabilis itong sinalo ni daddy nang tumalon ito sa kanya.

“Behave baby. Mahina na ang tuhod nang lolo mo para saluhin ang iyong lukso,” saway ko dito na nahagilap nang paningin ko si daddy na matalim ang binigay na tingin.

Nadinig ko naman din si mommy na marahan tumawa kaya imbis na matakot ay nginitian ko lang ito pagkatapos nu’n ay lumapit ako kay mommy para humalik sa pisngi

“Kumain na po kayo?” magalang kong tanong.

“Yeah. Actually, galing kami sa business meeting nang daddy mo at napag-isipan namin na dumaan saglit dito dahil gustong maka-bonding ni Enrique si Ruru,” si mommy mismo ang naghila sa akin paupo sa couch at napansin ko na naglakad palayo sila daddy na patungo ito ngayon sa kusina.

“Akala ko ay dito kayo magpapalipas nang gabi.” Ngumuso ako nang umiling siya. “Miss na kayo nang bata kaya dito na lang kayo matulog,” pamimilit ko.

Bumuntong-hininga ito. “Kung iyan ang gusto mo ay pagbibigyan kita, princess.” Napangiwi ako.

“Pagbibigyan? Mommy naman! Ano ako bata?” maktol ko rito na ikinatawa naman niya.

“Ito naman ay hindi mabiro. Oo na, dito kami magpapalipas nang gabi dahil alam namin nang daddy mo na may lakad ka mamaya kaya kami ang magbabantay kay Ruru,” walang akong nasabi.

My Husband Is A Gangster King: QueenOfEndlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon