CHAPTER 109

268 15 0
                                    

Chapter 109:

I’m swearing this fucking idiot into hell!

“Mommy!” pagkarinig sa boses na iyon ay pilit akong napalingon sa likod.

Wala nang busal ang bibig nito na malawak ang ngisi ni Scarlet sa likod ni Ruru.

“Maxirous...” I didn’t hide the crack of my voice.

“Stop hurting my mommy,” and his voice becomes trembling.

Gusto kong umiyak dahil hindi ko siya mayakap upang maibsan ang kan’yang takot. Nakita ko kung paano unti-unting tumulo muli ang luha ng anak ko.

“Rur—,” napaigik ako ng hawakan mismo ng lalaki ang aking sugat na diniinan iyon.

Inalis ko ang atensyon kay Ruru para hindi niya makita ang nalulukot kong ekspresyon.

“Tang*na mo!” mura ko sa lalaki na ngumisi lang ito.

“Isuko mo ang posisyon na kinalalagyan mo sa lipunan natin at ang mga kayamanan niyo, kapag ginawa niyo iyon hindi dadanak ng dugo sa gabing ito. Tatapusin natin ang lahat if you wholeheartedly accept your defeat from me, empress,” ang boses ni Scarlet ay mapanukso kaya napatawa ako ng pagak.

“Tuso ka, Scarlet... Kahit ibigay ko ang lahat sa ‘yo alam ko na uubusin mo kami. That is your revenge... for your daughter,” hindi na ako ipinanganak kahapon para hindi malaman ang tunay niyang kulay.

Namumuro na ang lalaki sa paghawak sa aking sugat kaya dumating sa punto na napuno na ako. Binayag ko ang lalaki dahilan sa pagkabitaw niya sa akin na pinulot ko ang aking baril na tumilapon kanina.

Nawala sa isip ko na nasa harapan ko pala si Ruru dahil napasigaw ito ng tatlong beses kong pinaputukan ang lalaki rason ng pagkalagapak ng katawan nito sa semento.

Hindi ko magawang lingunin ang aking anak dahil sa nasaksihan niya ngayon. Nakokonsensya ako.

May kalampag akong nadinig mula sa likod na ikinakaba ko baka may nangyari kay Ruru. Papalingon pa lang sana ako ay nakita kong ang pag-angat ng paa ni Scarlet na malakas akong sinipa sa sikmura kadahilanan ng aking pagka-atras.

Napaluhod ako dahil sa epekto ng ginawa niya. Hinanap ko ang aking anak na nakasampak sa semento na umiiyak ito. Sa bawat iyak niya ay nanlulumo ang aking katawan ngunit kailangan ko magpakatatag.

Tinawanan ko ang sakit at pagod na nararanasan ko ngayon upang inisin si Scarlet. Deretso ko itong tinitigan sa mata na mukhang tumalab naman dahil naiinis na nga ito.

Sa akma niyang paglapit sa akin ay inunahan ko na. Agaran akong tumayo na ikinuyom ang aking kamao upang suntukin siya sa mukha. Napaatras ito na hinawakan ang kan’yang ilong na may konting dugo lumabas.

“I’m rooting you to hell, Maxine Montefalcon!” bawat sulok ng silid ay boses niya ang bumalot.

I didn’t waste time. Umatake ako dito na iniilagan niya ang bawat suntok ko. Nang may hinugot siyang kutsilyo ay naalerto ako.

Sa pagsugod niya ay buong lakas kong sinalo ang kanang kamay niya na may kutsliyo na pilit kong inalis iyon sa kan’ya. Nagtagumpay ako ng pinilipit ko ang kamay ni Scarlet subalit nasugatan niya ako sa galanggalangan kaya inis kong inihagis ang kutsilyo sa isang tabi.

Sumugod ulit ito kaya binigyan ko siya ng uppercut na ikinaatras niya nang bahagya pero nakabawi agad siya dahil mabilis itong nakalapit muli na binigyan ako ng suntok sa kanang mukha na ikinangiwi ko sa sakit.

I didn’t let it distract me. Sinipa ko siya ng malakas sa dibdib dahilan upang tumilapon siya sa lamesang nasa kan’yang likod. Nilapitan ko ito na walang pag-aalinlangan sinuntok sa magkabilaan niyang pisngi ngunit buong lakas niya akong itinulak kaya natumba ako sa semento.

My Husband Is A Gangster King: QueenOfEndlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon