CHAPTER 84

335 21 5
                                    

BE AWARE OF ERRORS AND MISSPELLED WORDS.

Chapter 84:

May gumalaw sa tabi ko dahilan upang unti-unting magising ang aking diwa. Kinapa ko ang katabi na balahibo agad ang naramdaman ko.

Bago magdilat ng mga mata ay nag-inat ako para mas maging relaxing ang pagbangon ng katawan ko. Tumagilid ako na ang bumungad sa aking pagdilat ay si Doughty na payapa itong natutulog.

Hinimas ko saglit ang kan'yang balahibo bago bumangon sa higaan na dumiretso ako sa banyo upang maghilamos at magsipilyo.

Ilang minuto ng pag-aayos ay bumababa na ako. Ngiting-bati ang ginagawa ko sa mga kasambahay namin kapag nadadaanan ko sila sa bawat sulok ng bahay.

"Ate Lea pakitimpla po ng kape. Maghihintay ako sa Pavilion," utos ko kay Ate Lea na nagpupunas ng flower vase dito sa living room.

"Opo ma'am," sagot nito.

Sa paglabas ko ng bahay ay napahinto ako saglit. Tiningala ko ang bughaw na langit kaya hindi ko mapigilan ang pumikit para namnamin ang magandang panahon. The light of sky is relaxing.

Nang nagmumukha na akong tanga ay nagmulat na ako at pumunta sa Pavilion. Inilapag ko sa mesa ang dalang laptop.

Habang naghihintay sa kape ay nag-check muna ako nang phone na may ilang messages akong natanggap. Binasa ko iyon isa-isa pero hindi ako nag-atubili mag-reply dahil tinatamad ako.

"Narito na po ma'am." Nilingon ko si Ate Lea.

Nginitian ko ito nang inilapag niya sa lamesa ang dalang kape na magalang naman ako nitong iniwan. Sa pag-abot ko ng tasa ay hinipan ko muna ang laman bago uminom ng konti.

Hinarap ko ang laptop na binasa ang report mula sa marketing head ng company. Bawat detalye ang iniintindi ko ngunit may ibang bahagi na hindi ko maintindihan. Engineering ang kinuha ko ngunit hindi ko man lang nagamit ang aking degree.

Pero magrereklamo pa ba ako? Halos limang taon ko nang hinahawakan ang company namin ni Dale ito lamang ang ibinilin niya sa akin na legal na trabaho. I'm not into business but I'm into Dale so I'll embrace this business for him.

May narinig akong doorbell kaya napatingin ako kay Kuya Boy na nagdidilig ito nang mga halaman.

"Kuya Boy pakibukas po nang gate." Huminto ito sa ginagawa upang sundin ako.

Napaisip ako kung sino ang dadating. Wala naman akong inaasahang bisita kaya sino nga ba ang darating?

Nakita kong lumabas si Aling Ising na humahangos itong naglakad patungo sa gate. Hindi ko na lang pinansin ito dahil hindi ko naman pala bisita.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa na hindi ko magawang mag-focus ng nakakarinig ako ng mga footsteps papalapit sa gawi ko.

"Pasensya na Nanay Ising kung natagalan kami," isang bagong boses ang nadinig ko.

"Okay lang basta ang importante ang tinanggap niyo ang alok ko," sa boses ni Aling Ising ay halata ang kasiyahan nito.

Naramdaman kong huminto sila sa harapan ko na hindi ko man lang tinapunan sila ng tingin.

"Ma'am nandito na 'ho ang bantay kay Maxirous," ani ni Aling Ising.

"Susunod na lang po ako sa loob," turan ko na nakayuko pa rin.

When I'm done reading the report I left the pavilion quietly. I walk towards the front door. The first thing I noticed when I'm already inside of our house is a familiar face. A woman who sitting in the living room.

"Ma'am," sa salitang iyon ni Aling Ising ang tumayo ang babae.

Nang humarap ito sa 'kin ay halatang nagulat ito sa nakita. Sa reaksyon nitong pandidilat at naka-awang na baba ay naasiwa ako saglit.

My Husband Is A Gangster King: QueenOfEndlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon