CHAPTER 93

307 12 14
                                    

BE AWARE OF WRONG GRAMMAR UNSPELL WORDS.

Chapter 93:

Pagkasalubong namin ni Assej sa front door ay tinanong ko siya kung nasaan si Ruru. Nasa likod ng bahay ang anak ko kasama si Simon na naglilinis ng swimming pool.

Nagpaalam si Assej upang kumuha ng meryenda lalo na’t saktong alas-tres na ng hapon. Sa back door ako ng kusina dumaan kung saan malapit ito sa pool.

Nadatnan kong naglilinis nga si Simon ng swimming pool gamit ang skimmer nets ay kinukuha niya ang ilang dahon nahulog doon mula sa puno ng mangga.

Umupo ako sa sun lounge na lagi kong inuupuan kapag nandito ako sa pool. Hindi nila ako napansin kaya malaya kong napagmamasdan ang ginagawa ni Ruru. Nakaupo ito sa isang sun lounge na kumakain ngayon ng manggang hilaw.

Napansin ko din natapos na si Simon sa ginagawa naglakad siya papunta sa kabilang sun lounge kaya magkaharap sila ngayon ng anak ko.

“Is there someone say to you that your...” dinig kong salita ni Ruru na ngumuya ng mangga na napalunok ako nang nagsimula nangasim ang bibig ko.

Parang gusto ko din ng mangga.

“That your?” tanong ni Simon na uminom ng tubig mula sa mineral bottle na hawak niya.

“That your scar is beautiful,” kusang napangiti ako dahil sa narinig.

Bilang isang ina ay masaya ako kahit bata pa lang si Maxirous ay alam niyang mag– appreciate ng appearance ng isang tao. Hindi ito judgemental at walang banta na mambubully siya sa kan’yang mga kaedad.

Dumako ang mata ko kay Simon naghihintay ng sasabihin niya. Pakiramdam ko ay bumagal ang pag–ikot ng mundo nang may gumuhit sa labi niya na ngiti, isang matamis na ngiti.

“Alam mo ba?” maliksi umiling si Ruru. “Ikaw ang unang nagsabi na maganda ang scar ko,” natatawang aniya ni Simon.

Ngumiwi naman ang labi ni Ruru. “Wee ‘di nga? Syempre ‘yong daughter and wife mo magsasabi din ‘yan na you are beautiful,” mungkahi nito.

Kahit naka– side view si Simon ay nababasa ko ang eskpresyon na nagtatagpo ang mga kilay niya.

“Daugther and wife? I don’t have that,” pagpapaliwanag niya na ngumuso ang anak ko.

“What about Tita Assej and Fym? Hindi mo ba sila pamilya?” napapansin kong nagiging makulit si Ruru kay Simon kaya napailing ako.

“Oh! I get what your pointing out. To make the long story short, Assej and Fym is not my family. Kaibigan ko lang sila young boy,” kalmadong nakangiting pagpapaliwanag niya.

“But do you have a girlfriend Mang Simon?” aware ba ang anak ko sa mga tanong niya?

Kung ano-ano ang itinatanong niya kay Simon na parang magkaedad sila. Malawak na ang pang-unawa nito sa loob ng limang taon ng kan’yang buhay. Hindi ko alam kong normal lang sa bata ang magtanong tungkol sa asawa o girlfriend sa nakakatanda sa kan’ya.

“Well, I don’t have... but there is a person that I really want to be mine even it’s impossible,” sa loob ng ilang segundo ay hindi naging normal ang pagtibok ng puso ko nang lihim niya akong sinulyapan na may ngiti sa labi.

Bahagya siyang yumuko bilang respeto na binalik ang atensyon kay Ruru na may ngiti pa rin sa labi. Napapansin niya pala ako pero si Ruru ay hindi. Napatampal na lang ako ng dibdib sa hindi mawari na dahilan.

Hindi nagsalita ang anak ko sa loob ng ilang minuto na nakatitig ito sa buong mukha ng kaharap niya na parang may sinusuri. Nanliliit ang mga mata nito ng nagsisimula nang lumikot sa kinauupuan.

My Husband Is A Gangster King: QueenOfEndlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon